Chapter 70 - Blindness

2.2K 45 6
                                    

nagising si gabriel ng maramdaman niyang me nag bukas ng pinto.

nakatulog pala siya sa gilid ng kama ni luna, hawak hawak pa niya ang isang kamay nito.

wala paring malay si luna ng tingnan niya ito. tanging ang mga nakakabit na apparatus lamang ang gumagalaw dito.

Gabriel.....!!!

lumingon si gabriel sa pintuan, nakita niya na si ann at dexter ang dumating.

tinawagan niya ang mga ito kanina para ipaalam kung nasaan si luna.

gabriel ano nangyari sa kanya?
pagtatanong ni dexter na hinimas himas pa nito ang buhok ni luna.

napansin ni gabriel na namumula ang mga mata ni dexter habang nakatitig ito kay luna.

marami siyang hirap na pinag daanan dexter'......

hindi na natuloy pa ang sasabihin ni gabriel dahil sa sunod sunod ng mga tanong ni ann.

baket....ganito?

baket me takip ang mga mata niya gabriel..?'

pagtatanong ni ann na me kasamang iyak.

mula ngayon tanging boses na lamang natin ang maririnig niya ann, hindi na niya tayo makikita..'
malungkot na pag sasalita ni gabriel.

lalong humagulhol sa iyak si ann.

mahal na mahal niya si luna, hindi lamang kaibigan ang tingin niya dito. kundi isang kapatid na.

baket hindi matapos tapos ang pag hihirap niya gabriel?

..'hindi siya masamang tao para maranasan niya ang lahat ng ito...

wala paring tigil sa pag iyak si ann habang hawak hawak nito ang kabilang kamay ni luna.

lumapit si dexter kay ann para yakapin ito.dahil sa walang tigil nitong pag iyak.

sssshhhh... tama na ann! ang importante buhay si luna..'

kahit na dexter!!!
hindi nila dapat ginawa ito kay luna! mga wala silang awa!

tama na sabi! hindi magugustuhan ni luna na marinig niyang umiiyak ka, alam mo yan!
ayaw niyang malungkot tayo.
paninita ni dexter dito.

wag kana umiyak...'
parang batang pinapakalma ni dexter si ann.

mamaya paglabas ko bibili ako ng mata para kay luna..!

bigla nalang naramdaman ni dexter ang malakas na batok na dumapo sa ulo niya.

pakyu ka dexter! ako tigilan mo ha!!

baket akala mo sa mata mabibili lang sa mga mercury drugs! na paglabas mo meron na!
langya na to!!

ikaw naman, binibiro lang kita!
galit ka kaagad...!

pag me nangyari rin bang masama sa akin, iiyak karin ba ng ganyan?

pangungulit parin ni dexter kay ann.

tumingin si ann ng deretso ke dexter at na meywang pa, na akala mo ay parang inagawan ng boypren kung magsalita.

hooyyyy!! hooyyyy!!

 My Arrogant BoyfriendDonde viven las historias. Descúbrelo ahora