Chapter 80 - Epilogue

3.1K 105 16
                                    

Epilogue - 2 years later

nakatayo si luna sa harapan ng puntod ni monica, me dala pa siyang bulaklak para dito.

monica..narito ako ngayon para magpasalamat sa lahat lahat ng ginawa mo  sa aken.

ikaw ang dahilan kung baket nakikita ko ngayon kung gaano kaganda ang lahat ng bagay dito sa mundo.
binigyan mo ako ng buhay ulit monica...

at ikaw ang dahilan ng lahat kung bakit ako humihinga pa ngayon.

isinugal mo ang buhay mo sa akin,, mailigtas mo lang ako.
sorry kung hindi kita lagi nadadalaw dito, halos mahigit isang taon din ako nawala dito sa atin.

matagal din itinago ni gabriel sa akin na ikaw ang donor ko sa mata.
sorry kung si sinabi sa akin ni gabriel ang tungkol dito.

monica...napakabuti mong tao, maraming salamat sayo...'
aalis na ako at inaantay na ako ni gabriel.
babalik nalang ulit ako.

sa mabagal na paglakad ni luna tumama ang mata niya sa isang puntod na hindi kalayuan kay monica.

ROBERTO MADRIGAL
kung naging mabuti ka sanang tao baka buhay kapa ngayon, at wala sana dito si monica.

napatawad na kita sa ginawa mo sa akin....
pero yung ginawa mo sa pamilya ko ay walang kapatawaran..

nang malaman ko na patay kana, at si santiago hindi ko na inalam pa kung ano nangyari sa inyo.
kasi para sa aken ang mga katulad niyong mga masasamang tao ay hindi na dapat pang nabubuhay ng matagal.

naisip niya ngayon ang lahat ng ginawa para sa kanya ni gabriel.

lahat ng may kinalaman sa pag dukot sa kanya dati ay nahuli na at nakakulong na ngayon.
at hindi rin tumigil si gabriel para makamit niya ang hustisya na matagal niyang inaasam para sa pamilya niya.

lahat na inangkin ni roberto madrigal na galing sa pamilya niya ay binawi lahat ito gabriel at ibinalik sa kanya.

habang nag aaral siya sa australia ng mahigit isang taon ay paminsan minsan niya lang nakakasam si gabriel doon.

si ann at dexter lamang ang lagi niyang kasama doon na nag silbing taga bantay niya habang wala sa tabi niya si gabriel.

ang mga araw na hindi niya kasama ito ay ang mga araw na kumikilos si gabriel para mahuli ang lahat lahat ng may kinalaman sa pag dukot sa kanya at sa pumatay sa pamilya niya.

makapangyarihan tao si gabriel, ito ang natuklasan niya sa pagkatao nito.
hindi lang bilang isang Monte Carlo, kundi isang kilalang tao sa komunidad ng Mafia.

nasa malayo palang siya natatanaw na niya ito na nakatayo sa tabi ng sasakyan nito na nag aantay sa kanya.
binilisan niya ang paglalakad para makarating agad dito.

wala na siyang mahihiling pa, hindi hinayaan ng diyos na habang buhay siyang nabubuhay sa kalungkutan at sa madilim niyang nakaraan.

mula ng dumating sa buhay niya si gabriel lahat ay nagbago.

ito ang nagbalik ng saya at liwanag sa kanya, sa matagal na panahong bumalot sa pagkatao niya.

baket ba nagmamadali kang maglakad??!!
ang nag aalang si gabriel.

hindi ako nagmamadali, mabilis lang akong naglakad!
dahil alam kung nag aantay kana..!

 My Arrogant BoyfriendWhere stories live. Discover now