Chapter 41 - Plaza

2.1K 33 0
                                    

nakalabas na ng presinto si luna, pero hindi parin siya umaalis dito.

nakatayo lang siya sa labas nito at nakaharap siya sa kalsada, kung saan dito dumadaan ang mga sasakyan na pumapasok ng san simon.

tanaw niya ang plaza mula dito.
dito siya dati dinadala ng kuya niya tuwing umiiyak siya,

dahil sa malapit lang ito sa bahay nila kaya nilalakad nalang nila ito. minsan naman kinakarga siya nito pag ayaw niya maglakad.

naisipan ni lunang maglakad lakad muna bago bumalik ng maynila. tumawid siya sa kabilang kalsada para makapunta ng plaza.

kunti lang din naman ang nagbago yung mga tindahan na binibilhan nila dati andito parin naman. nagikot ikot siya dito hanggang sa makalagpas siya ng plaza.

ito yung daan papuntang bahay nila dati, hindi niya namamalayan na binabagtas na niya ang daan kung saan dadaanan niya ang tinitirhan nila dati.
      
alam niyang wala na ang bahay nila dito, napalitan na ito ng isang maganda at magarang mansiyon. isa lang ang laging sinasabi ng lola niya ng buhay pa ito, ninakaw daw ito sa kanila.

sino kaya ang me ari nito?
tanong ni luna sa sarili niya habang nakatayo siya sa di kalayuan ng mansiyon.

totoo kaya sabi ni lola na ninakaw nila sa pamilya ko ang lupang ito..?

kung totoo man, hindi ako mag aaksaya ng panahon na bawiin pa ito. isa lang  ang gusto ko mangyari dito sa san simon kung baket lagi parin ako andito.

ang magkaroon ng hustisiya ang pamilya ko, kahit na ikamatay ko pa ito.

kaya siya lagi pumupunta dito ay para paimbestigahan ulit ang pagkamatay ng pamilya niya.

dahil sa tuwing pupunta siya dun ke inspector santiago lagi nitong sinasabi na sarado na raw yung kaso dahil sa aksidente daw sa sunog ang pagkamatay ng pamilya niya.
      
alam niyang hindi totoo yun, dahil andun siya nakita niya kung paano naghirap ang pamilya niya.

huminga ng malalim si luna at saka nagsimulang maglakad ulit.
daan nalang muna ako sa bahay ni lola para makapaglinis narin doon.

ilang buwan narin hindi niya nabibisita ang bahay na iyon. mula ng maulila siya ito na ang nag alaga sa kanya.

kaya lang talaga sigurong pinagkakait sa kanya ng langit ang mga taong nagmamahal sa kanya. dahil ilang taon lang ang lumipas iniwan narin siya ng mga ito.
      
sa edad niyang 15 umalis siya ng san simon, kung kani kaninong kamag anak siya nakituloy para lang me matirhan siya.

lahat ng hirap tiniis niya, kahit na ginawa pa siyang utusan ng mga ito. hindi siya sumuko,

nagpakatatag siya at nag ipon para makapag aral ulit.

ng makapagtapos siya ng college naghanap agad siya ng trabaho at sa coffee shop nga siya natanggap.

lahat ng naiipon niyang pera sa sweldo ay nilalaan niya lagi sa tuwing pupunta siya ng san simon.

kung nabubuhay lang sana pamilya niya hinding hindi siya maghihirap ng ganito.

mama.....' papa.....' kuya......' sorry po kung hanggang ngayon wala pa akong nagagawa para sa inyo, pero wag po kayong mag alala hindi po ako susuko.
hindi ko po kayo isusuko....

naiyak na naman si luna habang naglalakad, nagmamadali niyang pinunasan mga mata niya.

ayaw niya na me makakita sa kanya na umiiyak, baka kung ano pa isipin ng mga tao sa kanya.

habang naglalakad siya pakiramdam niya me sasakyang nakasunod sa kanya...

huminto muna siya sandali para lingunin yung nasa likod niya.

me sasakyan ngang nasa likod niya napakabagal ng takbo nito na tila ba pinagmamasdan siya.

tumabi si luna sa kalsada para paunahin ang sasakyang nasa likod niya, inisip niya na baka nahaharangan niya ito, kaya hindi makaalis sa likod niya.

naiintindihan siguro ng driver ang ibig niyang sabihin kaya binilisan nito ng kunti ang takbo, pero ng tumapat ito sa harap niya bumagal lalo ang takbo nito na para bang kinikilalang mabuti ang mukha niya.

pilit na tinititigan ni luna ang nasa loob ng sasakyan kaya lang wala siyang makita dahil tinted ang salamin nito.

sinundan parin ito ni luna ng tingin hanggang sa mawala sa paningin niya.

sino kaya yun..?

       kilala niya kaya ako?

hindi ko man siya nakikita sa loob, alam ko na pinagmamasdan niya ako..
biglang kinabahan si luna sa mga iniisip niya.

kaya naisipan niya nalang na i txt si ann para sabihin dito na baka gabihin siya ng uwi.

nakakainis naman..' alang signal! ito ang isa sa mahirap dito sa lugar nila ang hirap sumagap ng signal.

ipinag patuloy nalang ni luna ang paglalakad, hanggang sa me narinig siyang tunog ng tricycle na papalapit sa kanya.

bigla siyang lumingon para tingnan kung me sakay ito, at ng mapansin niya walang laman yung tricycle agad agad niya itong pinara.

kuya! kuya! pasakay po..!
agad agad din namang huminto ang driver.

saan ka ba miss?

kuya daan kabang ilaya?

sige idaan nalang kita dun para dika naglalakad!
baket kaba naglalakad miss?

me mga tricycle naman dun sa plaza, medyo dulo pa yung ilaya! abutin kapa ng sampung minuto niyan sa paglalakad.

wala kabang pamasahe?

tila pagtataka sa kanya driver kung baket naglalakad siya.

eiii grabe siya!
meron naman kuya!
natatawang sagot ni luna dito.

na miz ko lang po kasi maglakad dito, saka me mga naglalakad din naman po, hindi lang din naman po ako.
pagpapaliwanag pa dito ni luna.

kahit na miss!

wag ka mag lalakad mag isa, hindi kapa mandin tagarito. parang ngayon lang kasi kita dito nakita.
tiningna pa nito si luna na nakaupo sa loob, habang nagpapatakbo ng tricycle.

sige po, salamat po..!
nagpasalamat nalang si luna dito.

walang kaalam alam ang driver na dito siya pinanganak sa san simon.
para hindi na humaba ang kwentuhan nila, tumahimik na lamang siya.

 My Arrogant BoyfriendOnde histórias criam vida. Descubra agora