Chapter 30 - Calling her

2.3K 34 0
                                    

malapit ng lumabas ng trabaho si luna, ilang minuto nalang mag a out na siya.
    
luna..!
yung cash advance mo na forward ko na sa office natin by this week daw ibibigay sayo.
bago ka siguro mag off makukuha mo na yun.

thank you po mam!
tamang tama po uuwi po ako ng probinsiya sa off ko.

nakahinga ng maluwag si luna sa sinabi ng supervisor niya.

nag CA siya para may maibigay siya dun sa mga taong humahawak ng kaso nila.
naipangako niya sa sarili niya na habang na nabubuhay siya gagawin niya ang lahat para magkaron ng hustisya ang pamilya niya.

lunaaa!!

bat parang ang lungkot mo?
hindi kaba napahiram ng pera sa opisina!

tanga, meron na!

weng!
hindi ako malungkot,
masakit lang ulo ko kasi halos hindi ako nakatulog kagabi..!

baket..?? sino naman iniisip mo!

wala ako iniisip, baliww!
hindi lang ako talaga ako makatulog..'

pag sisinungaling niya ke weng. ang totoo hindi siya makatulog sa kakaisip kung baket kailangan pa siyang hanapin ni gabriel.

baket ka nga pala uuwi sa probinsiya niyo luna?

madalas naman ako umuwi doon weng, hindi naman ganun kalayo yung probinsiya namin,
kaya ok lang naman na umuwi ako dun.

baket ka nga uuwi?
eh diba wala na lola saka lolo mo?
ano naman gagawin mo doon!?

wala...na mimis ko lang kasi yung lugar namin..!
pag iiwas ni luna.

bilisan mo na at 10 minutes nalang lalabas na tayo, sabay na ako sayo!

wait lang luna!
papaganda muna ako,

baka me makilala tayo sa daan!
natatawang humarap muna si weng sa salamin saka nagsuklay.

hahahah!
wag kana umasa weng!
wag kanang umasa na gumanda, sagad na yan!
hahaha
pang aasar ni luna dito.

mauna kana kaya luna!
wag mo na ako antayin,
baka ano pa magawa ko sayo! !

hahaha,
bilisan mo na!
pagmamadali ni luna ke weng.

habang nakaupo si luna at nag aantay ke weng me naramdaman si luna na nag ba vibrate yung celfon niya sa bulsa ng pantalon niya.

kinuha niya ito at tiningnan kung sino.
muntik na niyang mabitawan ang fon niya ng makita kung sino ang tumatawag'.

shitt! shiittt!
pilit niya na sinasalo ang celfon niya na muntik ng bumagsak.

huminga muna siya ng malalim bago sinagot ang tawag.
 
hello.....

luna!! its me gabriel...

andito ako sa baba sa vip parking. antayin kita dito.

hindi  na nakapagsalita pa si luna dahil binaba na agad ni gabriel ang telepono.

hawak parin ni luna ang celfon at nakatingin dito.

anooo dawwww??
nasa baba siya!!
halos ayaw maniwala ni luna sa narinig niya.

hoooyyy!
ano anyari sayo at para kang namutla diyan!

haaaaa...'' wala weng!

mauna na ako sayo weng, me dadaanan lang ako sandali sa baba!

ang labo talaga nito ni luna,
kanina lang sabi mo sabay tayo!
taz ngayon, mauuna kana!

o sige na!
maya maya nalang ako uwi.
nakasimangot na sabi ni weng.

wag ka sumimangot diyan!
mawawalan ng silbi yang make up mo! pang aasar pa ni luna bago lumakad palabas.

taena mo lunaaa!
lumayas kana,
insecure kalang sa kagandahan!!

ko kaya ayaw mong sumabay saaken!buwwessit ka!
pabirong sigaw ni weng!

hahahaha!
tuwang tuwa talaga si luna pag inaasar niya si weng.

habang naglalakad siya papuntang parking me nararamdaman na naman siyang kaba.

huminto muna siya at huminga ng malalim.

relax luna....kalma kalang...bakettt ba ni ninerbiyos ka pag naririnig mo boses ni hulk.

pilit niyang kinakalma sarili niya, kasi nararamdaman niyang sobrang bilis ng heartbeat niya.
ng maramdaman niyang ok na siya saka na ulit siya naglakad.

 My Arrogant BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon