Chapter 65 - The Call

2.2K 55 12
                                    

pinagmamasda ni doña mariz ang anak niyang si gabriel habang natutulog ito sa sofa nila.

tatlong araw lang nawawala si luna pero bumagsak agad ang katawan ng anak niya.
hindi kasi ito masyado kumakain at napapabayaan na ang sarili sa paghahanap kay luna.

pakiramdam ni gabriel me nagmamasid sa kanya, kaya unti unti niyang iminulat ang kanyang mga mata.

ma..,!!

naupo agad siya ng makita niyang nakatayo ang mama niya sa harapan niya at hindi niya alam kung kanina pa siya nito pinagmamasdan.

baket' ma...!!'?
may balita na po ba ke luna??

umiling lamang si doña mariz sa anak niya.
naupo ito sa tabi ng anak niya.

Gabriel'......

nag aalala kami ng papa mo sayo..!
napapabayaan mo na ang sarili mo, hindi kana kumakain sa tamang oras..'

parang naiiyak na si doña mariz habang nag sasalita.

tingnan mo yang sarili mo sa salamin gabriel..'
tatlong araw palang nawawala si luna, pero bagsak na bagsak na yang katawan mo...'

wag mo naman sanang pabayaan ang sarili mo anak...'
andito pa naman kami ng papa mo, hindi ka nag iisa... tutulungan ka namin na mahanap si luna.

tumayo si gabriel sa pag kakaupo at tumingin muna sa mama niya.

ma........'

wag niyo po ako intindihin, kaya ko sarili ko!
umakyat na po kayo sa taas para makapag pahinga narin po kayo.
doon po muna ako sa kwarto ko.

at tuluyan ng tumalikod si gabriel at naglakad papunta ng kwarto niya.

nahiga sa gabriel sa kama niya na nakapatong lamang sa dibdib niya ang kanyang celfon.

baka kasi makatulog siya at me tumawag tungkol ke luna kailangan masagot niya agad ito, kaya ganito ginagawa niya para magising agad siya kung sakali îman.

nakatitig sa puting kisame si gabriel habang nag iisip siya ke luna.

tatlong araw na luna....' tatlong araw ng mesirabli ang buhay ko na wala ka..'

pakiramdam ko napaka inutil kung tao! wala akong magawa sa pagkawala mo luna...
pero hindi ako titigil hanggat hindi kita nakikita kahit na ubusin ko lahat ng pera ko, gagawin ko luna...' mahanap lang kita.!

tumatakbo na lahat ng imbestigasyon kay Roberto Madrigal sa san simon pero wala parin silang nakukuhang impormasyon kung me kinalaman nga ito sa pagkawala ni luna.

ilang araw narin siyang nag aantay ng tawag na baka sakaling me tumawag sa kanya tungkol kay luna, nakahanda siyang magbayad kahit magkano maibalik lang sa kanya si luna.

para siyang unti unti pinapatay sa araw araw na wala sa kanya si luna.

kung kasama niya lang si luna nasa zambales sana dapat sila ngayon..dapat magkasama sila ngayon..dapat masaya sana sila ngayon...
pero lahat yun nawala kasabay ng  paglaho niya.

wag kang bumitaw luna....' kung nasaan kaman ngayon wag ka susuko' hindi ako titigil hanggat hindi kita nahahanap.

sa dami ng iniisip ni gabriel hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya.

 My Arrogant BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon