Chapter 37 - A love...

2.5K 50 0
                                    

pagkahila niya ng pinto para buksan ito nagulat pa siya kasi halos nakadikit lang si gabriel dito,
at nakatukod ang isang kamay nito sa gilid kulang nalang yakapin siya ni gabriel sa sobrang lapit nila sa isat isa.

tagal mo naman luna..!
halika kana nga at gutom na talaga ako..!

nakahawak na naman si gabriel sa kamay niya,
at hindi niya kayang tanggalin ang kamay niya sa pagkakahawak nito. para bang wala siyang lakas para gawin yun.

lunnaa!
tawag ni dexter sa kanila.

halina na kayo dito! kumain na tayo..,kanina pa namin kaya kayo inaantay..!

hawak parin ni gabriel kamay niya hanggang makarating sila kena dexter.
mahaba yung mesa kaya kailangan nilang umikot para makaupo dun sa kabila.
    
at napansin ni ann ang kamay nila ni gabriel pag daan nila dito.
kulang nalang lumuwa mata nito sa nakita sa kanila.

gabriel dito na kayo! sigaw ni miguel sa kanila.
at doon nga sila naupo ni gabriel.

ito kasi si luna,
tagal tagal kumilos! kanina pa ako sa labas nag aantay!
natatawang sabi ni gabriel.

hindi parin nito binibitawan ang pagkakahawak sa isang kamay ni luna kahit na nakaupo na sila.
magkahawak ang kamay nila na nakapatong sa hita ni gabriel.

walang maintindihan si luna sa paligid niya kahit na anong ingay ng mga ito..'

isa lang ang naririnig niya ngayon...
ang lakas ng tibok ng puso niya...

at ang init ng kamay ni gabriel na gumising sa pagkatao niya na matagal na niyang itinago dahil sa lungkot at takot na pinagdaanan niya.

naramdaman niya nalang na binitawan na ni gabriel dahan dahan ang kamay niya.

at tiningnan siya nito..
kumain na tayo..'

tumango na lamang si luna..

ano ba gusto mo? tanong ni gabriel sa kanya.

ako nalang kukuha..kumain kana..

hindi niya alam kanina pa siya minamasdan ni ann na napapangiti na lamang sa kanilang dalawa.

pare' matagal naba kayo ni luna..?
pagtatanong ni miguel ke gabriel.
kasi parang kilalang kilala mo na si luna.

at bigla nalang sumabat si dexter.
hindi pa tol !
bago palang sila, kasi mahigit tatlong buwan palang ako dito'

nung dumating ako dito saka palang nagkaboyfriend yan si luna..!
  
kita mo tol!
nahihiya pa ke gabriel, ang gwapo na nga ng kasama niya siya pa ang nahihiya"!

pero pag saamin yan gabriel! naku po, kala mo tanod!
tuwang tuwa pag me libreng meryenda sa bahay.

hahahaha!
halos lahat nagkatawanan sa sinabi ni dexter.

si luna hindi niya alam kung namumula siya sa inis ke dexter o nahihiya siya ke gabriel dahil sa bunganga na naman nito.

me nakitang alimasag si luna sa mesa at kinuha niya ang isa nito at nilagay sa plato niya.

punyetaaa! talaga yang bunganga mo dexter! isa pa,
buwessit ka!
tatama talaga tong alimasag sa mukha mo!

mahinang sabi ni luna sa sarili niya.
at napatingin bigla si luna ke ann na nakatingin din sa kanya.

bigla nalang itong tumawa ng malakas na nakahawak pa sa tiyan nya!
hahahaha!

uii! dexter tigilan mo na yang pang aasar mo ke luna!
nakikita mo yang alimasag sa plato niyan?

baket..?

tatama yan sa mukha mo pag dika tumigil!!
hindi naman yan kumakain si luna ng alimasag,
kaya niya kinuha yan kasi ibabato niya yan sa mukha mo!

hahaha!
indi matigil sa pagtawa si ann.
at pati narin yung mga kumakain nasama na sa kakatawa ni ann.

lumipas ang ilang oras, kantahan, inuman, biruan!
at kanya kanya narin nag sipasok ang mga ito sa kani kanilang mga kwarto.

luna mauna na ako sayo..'!
paalam sa kanya ni ann.

hindi naman sila uminom ni ann at si gabriel naman ay naka dalawang bote lang ng beer.

sige ann ako na maghahatid ke luna, sunod narin kami.
nginitian nalang ni ann si gabriel.

at maya maya pa tumayo narin sa mesa sina luna at gabriel.
hinawakan agad nito kamay niya ng tumayo na sila.

halika kana! matulog kana' ihatid na kita!

tahimik lang silang naglalakad hanggang sa makarating sila sa pinto ng kwarto.

pasok kana luna..'
saka binitawan ni gabriel kamay ni luna.

tumingin lang dito si luna at ngumiti ke gabriel.

sige... matulog kana rin..
akmang papasok palang si luna ng magsalita ulit sa gabriel..

luna...pwede ba kitang yakapin..?

nagulat man si luna sa sinabi ni gabriel, pero mas nagulat siya sa sunod na ginawa nito.

hindi pa siya sumasagot sa tanong nito.
hinila agad siya ni gabriel papalapit sa dibdib nito.

at bigla siya nitong niyakap.
ramdam niya ang higpit ng yakap ni gabriel.
wala siyang nagawa kundi ang yumakap dito pabalik..

naramdaman niya nalang na hinalikan siya nito sa noo..

i'll see you tomorrow luna..
gudnyt..

 My Arrogant BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon