Chapter 68 - Forest

2.1K 56 9
                                    

mabilis ang takbo ng sasakyan ni gabriel papuntang san simon!
wala siyang pakialam kung madilim man ang kalsadang dinadaanan niya.

kung kaya lang lumipad ng sasakyan niya, ginawa na niya!
marating niya lang agad si luna.

mga kalahating oras nalang nasa san simon na siya, hindi maalis sa isip niya na sana makita niya agad si luna.

habang mabilis niyang pinapatakbo ang sasakyan niya me napansin si gabriel habang papalapit dito.

van...?
baket nakaharang ito kabilang kalsada..?

naghinala kaagad si gabriel, kaya agad agad siyang huminto at bumaba ng kotse niya.

dahil sa hindi pa ganun kaliwanag ang paligid, palinga linga siya sa gitna ng kalsada.

pinapakiramdaman ni gabriel ang paligid, lumapit siya sa van at sinilip niya ang loob nito.

walang laman ang van, kaya lalong nag isip si gabriel.

BANGGGG!!!!

isang malakas na putok ng baril ang umalingaw ngaw sa paligid ng kalsadang kinatatayuan ni gabriel.

bigla siyang kinabahan.
luna..........''

hindi kalayuan ang putok ng baril mula sa lugar na kinatatayuan niya.

kaya sinundan niya kung saan ito nang galing.
sa baba galing ang putok ng baril, sa baba ng gubat.

kaya lakad takbo ang ginawa niya papasok ng gubat.
naalala niya ang celfon niya, agad niya itong nilabas sa pantalon niya.

habang naglalakad siya, sinubukan niya ulit tawagan ang number ni monica, naka off parin ito,
kanina niya pa ito tinatawagan pero hindi na niya ito makontak.

biglang tumunog ang fon niya, nakita niya sa screen nito na si david ang tumatawag sa kanya.

gabriel..!

where are you?
malapit na kami ng san simon!
nandito kami sa kalsada sa harapan ng sasakyan mo!

nasaan kaba?
bat iniwan mo yung sasakyan mo dito!
sunod sunod na tanong sa kanya ni david na me halong pag aalala.

david......
bumababa ako galing diyan sa taas bundok na ata itong nilalakaran ko, baka nandito si luna!
i heard a gun shot, kaya nagmadali akong pumunta dito..!

ok, wait for us gabriel! papunta na kami diyan.
kasama ko ang isang team!
wag kana lumayo baka mapahamak kapa!
antayin mo ako!

wala ng narinig pa si gabriel dahil pinutol na ng kaibigan niya ang tawag nito.

nagsimula ulit maglakad ng mabilis si gabriel. dahil me kunti ng liwanag ang paligid kaya kitang kita na niya ang dinadaanan niya.

umiikot ang mga mata ni gabriel sa bawat dinadaanan niyang mga puno at matataas na damo na mga nakaharang sa paningin niya.

napatingin si gabriel sa kalangitan habang nag lalakad.

ilang minuto nalang puputok na ang liwanag..!
sana nandito ka luna, sana mahanap na kita.....'

hindi ako susuko luna, hindi ako titigil hanggat hindi kita nakikita....'

 My Arrogant BoyfriendWhere stories live. Discover now