Chapter 69 - ER

2K 52 6
                                    

nagmamadaling ipinasok ng mga nurse sa ER si monica at luna, nakasunod naman si gabriel sa gurney na pinaglalagyan ni luna.

Mr. Monte Carlo hanggang dito nalang po kayo sir'..
bawal na po kayo doon sa loob'..

pag pipigil ng isang nurse kay gabriel.

walang nagawa si gabriel kundi ang sumunod nalamang dito.

napaupo nalang siya sa waiting area kung saan niya pwedeng antayin ang doctor na lalabas galing ng er.

napakalalim ng iniisip ni gabriel habang nakaupo ito,
nakasandal ito sa pader at makailang beses nitong hinihimas ang noo na para bang me masakit dito.

hindi ko akalain monica na ikaw pala yung taga san simon at ang nag iisang anak ni roberto madrigal,

sisiguraduhin kung magbabayad ang ama mo sa lahat ng ginawa niya kay luna.

hindi na namalayan ni gabriel kung ilang oras na siya nag aantay sa labas ng er, kahit na abutin pa siya ng isang araw sa pag aantay' gagawin niya, malaman niya lang ang kalagayan ni luna.

Mr. Monte Carlo!

ito ang boses na gumising sa diwa ni gabriel.

tumayo agad si gabriel ng makita niya ang doctor na lumabas.

doc..' si luna...?ok na ho ba siya?
pwede ko na ho ba siyang makita?

sunod sunod ang tanong ni gabriel sa doctor ng lumapit ito sa kanya.

Mr. Monte Carlo, me kailangan kang dapat malaman, bago ka pumasok sa loob.

tumingin lamang sa doctor si gabriel at tumango ito,
kung ano man ang sasabihin ng doctor sa kanya ay pinaghandaan na niya ito kanina pa.

malala na masyado ang infection na kumalat sa mga mata niya dahil sugat na tinamo niya..'

....sanhi ito ng bubog na tumama sa mga mata niya.

ginawa namin ang lahat lahat na kaya naming gawin para maagapan ang mga mata niya..'

but its too late........."

nasira na ang pinaka crystal ng mga mata niya dahil sa infection.

im so sorry, Mr. Monte Carlo...'

malungkot ang mukha ng doctor habang patuloy itong nagsasalita sa harapan ni gabriel.

hindi man sabihin sa kanya ng doctor deretso, alam na ni gabriel ang ibig sabihin nito.

tanggap man ni gabriel ang lahat, pero masakit parin marinig ang katotohanan.

ito ang nararamdaman niya ngayon.
lalo na para kay luna. paano na ang mga pangarap nito...'
paano na magiging masaya si luna kung wala na itong nakikita.

tiningnan ng doctor ang mata ng kausap niya, nakita nito na puno ng kalungkutan ang mga mata ni gabriel.

doc, wala na ho bang ibang paraan para makakita siya ulit?
mahina at malungkot na pagsasalita ni gabriel.

there is only one chance Mr. Monte Carlo, a donor........." its possible.

but its very rare to happened,
magagawa lang natin ang operasyon kung ang donor ay mag ma match sa cornea tissue ni luna.

pagpapaliwanag ng doctor ke gabriel, na pilit iniintindi ang lahat ng sinasabi niya.

ngayon ka niya mas lalong kailangan, kailangan niya ng taong nasa tabi niya lagi.
maraming siyang pinagdaanang hirap.

hindi ko maipaliwanag Mr. Monte Carlo kung paano niya nagawa ang lahat ng iyon,
ang malampasan ang lahat ng hirap at sakit na binigay ng mga taong dumukot sa kanya.

wala kaming nakitang sign na ginahasa siya, but physically abuse.. yes'

marami siyang pasa sa katawan at mga sugat dahil sa pananakit na ginawa sa kanya.

kailangan niya ngayon ang pamilya niya, mga taong nagmamahal sa kanya. kailangan niya kayo ngayon Mr. Monte Carlo.

by the way, ms. monica is doing well, she's responding. i can say that she'll  be ok.

tinapik muna ng doctor si gabriel sa balikat bago ito nag paalam.

wala sa sariling nag lalakad si gabriel papunta sa kwarto kung saan naroon si luna.

parang gusto niyang sumigaw sa galit, sa sobrang bigat ng nararamdaman pniya.

bakit si luna pa'.....
bakit kailangang siya pa'...!!

ng marating niya ang tapat ng pinto ni luna, dahan dahan niya itong binuksan.

tumambad sa kanya ang natutulog na luna. dahil siguro sa mga gamot na itinurok sa kanya kaya hanggang ngayon ay wala parin itong malay.

nakatayo lamang si gabriel sa pintuan habang pinagmamasdan niya ito.

nakasuot ito ng puting damit na sinusuot ng mga pasyente, me nakalagay rin na kumot dito na lampas beywang ni luna.
at me nakatakip parin sa mga mata nito.

dahan dahan lumapit si gabriel dito, kumuha siya ng isang upuan para maitabi sa gilid ng higaan ni luna.

naupo siya sa tabi nito at buong pagmamahal na pinagmasdan si luna.

hinalikan niya ang noo nito, at hinawakan niya ang isang kamay ni luna.

mahal na mahal kita luna, mahal na mahal...'
walang magbabago sa nararamdaman ko sayo, hindi ka man makakita ng tuluyan andito lang ako na aalalay sayo...

....ako ang magiging liwanag mo luna, hindi kita iiwan..
magiging masaya parin tayo, tutuparin parin natin lahat ng pangarap mo.

mag aaral kapa rin luna, gagawin ko ang lahat para maging masaya ka ulit.
dahil mula ngayon wala ng pwedeng manakit sayo.

nagsasalitang mag isa si gabriel habang hawak hawak ang isang kamay ni luna na nakagay sa pisngi niya.

patawarin mo sana ako at hindi man lang kita naipagtanggol sa mga hayop na yun..!

ito ba ang ibig sabihin ng mga panaginip niya.
ang pag iyak ni luna..
dahil ba sa sakit at hirap na nararanasan nito sa mga taong yun.

at ang pag tatagpo nila sa panaginip niya na hindi siya nakita nito. ito ba ang ibig sabihin nun....

ang mabubulag siya...'

huminga ng malalim si gabriel, saka muling nag salita.

isa lang ang mahalaga sa akin ngayon... ikaw yun luna, ang ligtas ka at nandito ka ngayon sa harap ko ang totoong ikaw, at hindi isang panaginip lamang.

 My Arrogant BoyfriendWhere stories live. Discover now