Chapter 53 - Attic

1.8K 35 0
                                    

naramdaman na lamang niya na huminto na ang sasakyan nila.
nangangalay na halos ang buo niyang katawan,
at hindi na niya maigalaw ang mga kamay niya sa likod dahil sa namamaga na ang mga ito sa pagkakatali.

bilisan niyong kumilos, siguraduhin niyong walang makakakita sa inyo pag nilabas niyo ang babaeng yan dito sa sasakyan.
utos ni santiago sa mga kasama niya.

me lumapit sa kanya at walang sabi sabing binuhat siya na parang isang sakong bigas lang.

indi na niya magawang magpumiglas pa dahil sa nanghihina narin siya.

dalhin niyo sa taas yan at ikulong niyo hanggang sa mamatay siya diyan sa gutom!
ito ang matigas na utos ni Roberto Madrigal sa mga tao niya.

baket parang andami nila..
hindi man ni luna nakikita ang paligid niya dahil sa me nakatakip sa mukha niya,
ramdam niya parin na marami ang mga ito.

ano ba ang nagawa ko sa kanila?

at kailangan nilang gawin ito sa akin.
naiyak na naman siya sa takot na baka kung ano pa ang gagawin ng mga ito sa kanya.

diyos ko, ipanapaubaya ko na po sa inyo ang kaligtasan ko sa kamay ng mga taong ito.
ito nalang ang tanging naisip niya. ang magdasal.

hanggang sa nararamdaman niya na umaakyat sila ng hagdan. nakailang beses din umakyat ang lalaking me dala sa kanya bago nito marating ang pagdadalhan sa kanya.

ibinaba siya nito sa sahig na walang pag iingat,

ang lakas ng pagkakatama ng likod niya sa sahig dahil walang pakialam ang mga ito kung masasaktan siya o hindi.
pakiramdam niya pasa pasa na ang ibang parte ng katawan niya.

hooyy gago asan kana!
bilisan mo at hindi ko alam dito ang switch ng hagdan.

sandali, hanapin ko andiyan lang yun sa gilid!

saan ba ilalagay ang babaeng ito?

doon sa attic pare! doon daw yan ikukulong..!
ito ang sabi ng isang lalaking nakasunod sa kanila.

gusto kasi mangyari ni boss mamatay sa hirap ang babaeng ito, katulad ng pamilya niya!

ganun baa?
dapat pala pakinabangan na natin to ngayon!
kanina pa ako nanggigigil dito sa babaeng ito!

ibig sabihin me alam sila sa pagkamatay ng pamilya ko..
puno ng galit at takot ngayon ang nararamdaman niya.

tanggalin na natin ang mga tali nito para hindi tayo mahirapan iakyat sa taas.
lumapit ang dalawang lalaki ke luna para alisin ang mga nakatali sa kanya.

tumayo kana diyan!
utos ng isang lalaki ke luna.

hindi kaagad si luna nakatayo dahil sa nangangalay parin mga paa niya, kailangan niya ng makakapitan para makatayo siya.

tangina sabi ko tumayo ka diyan!!

bigla nalang nitong hinablot mga braso niya para maitayo siya. pilit niyang inihahakbang mga paa niya para makalakad.

diyan! diyan ka umakyat!!

bigla siya nitong itinulak kung saan bumagsak siya sa isang hagdan.

 My Arrogant BoyfriendWhere stories live. Discover now