Chapter 56 - Luna is Missing

1.9K 35 0
                                    

tahimik na binabagtas ni gabriel ang daan ng papuntang san simon. si ann ang nag silbing waze ni gabriel dahil kabisado nito ang lugar.

malapit na tayo sa san simon ilang minuto nalang andun na tayo..''

puntahan muna natin ang bahay ng lola ni luna...'
walang ng nakatira dun, magbakasali tayo na baka andun siya.

gabriel naririnig mo ba ako..?

kanina pa tahimik ang boss niya mula ng umalis sila ng maynila.
hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa utak nito.

tumango lamang si gabriel sa tanong ni ann.

san simon na ito gabriel!

deretso kalang pag me makita kang plaza, lampasan mo yan at dere deretso ang daan na yan papunta sa bahay ni luna.

sinunod lahat ni gabriel ang sinabi ni ann. binilisan niya pa ang papag papatakbo ng sasakyan, at umaasa siya na sana andun nga si luna.

tinitingnan ni gabriel ang bawat dinadaanan niya. maganda ang san simon. kahit na gabi na, nakikita niya parin ang kagandahan nito.

ann..! san ba dito ang bahay ni luna? doon naba talaga siya lumaki sa bahay ng lola niya?
patingin tingin pa si dexter sa labas habang nagtatanong ke ann.

maganda pala tong lugar niyo! hindi kana ba umuuwi dito ann?

hindi na, mula ng lumipat kami ng maynila hindi na ako napunta dito'!

paano kayo naging magkaibigan ni luna?

patuloy parin si dexter sa pagtatanong ke ann, habang si gabriel ay tahimik lang sa pagmamaneho.

ahh! si luna nakilala ko siya sa school, elementary kami noon..

lagi kasi mag isa yun! parang laging malungkot.
lagi ko siyang pinagmamasdan noon.

minsan nakikita ko kasi siyang umiiyak noon, tapos nilapitan ko siya. tinanong ko kung me umaway sa kanya, yun pala wala naman!

me naalala lang daw siya. ganyan si luna dati! iyakin, nagugulat nalang ako minsan!

parang me sapi lagi..!

nangingiti pa si ann habang nag ki kwento ng tugkol ke luna. naalala niya kasi nung mga bata palang sila.

hindi ko na naabutan yung mga magulang niya, nakilala ko kasi luna noong nasa mga lola na niya siya nakatira.

indi narin naman na ako nagtagal ng san simon kasi umalis na kami.
sa maynila nalang ulit kami nagkasama ni luna.

patuloy sa pag kwento si ann. hanggang sa mapansin niyang malapit na sila sa bahay nila luna.

gabriel!
dahan dahan kalang muna sa pag da drive kasi ito na yung lugar nila.

nakatingin sa labas si ann, kinakabisado niya yung lugar kung ito na nga yung kela luna.

ito na nga yun gabriel..'
kaliwa tayo diyan, tapos deretso ulit sa dulo me bahay kina luna nayan.

yun nga ang ginawa ni gabriel, hanggang marating nila ang bahay na sinasabi ni ann.

 My Arrogant BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon