One

111K 1.9K 383
                                    

Allie

Hindi ako nagpasundo kay Dominic ngayong umaga. Sinubukan niyang tanungin sa akin kung bakit and I told him how I’m getting a ride from Frannie instead dahil nagkabati na kami. Hindi naman niya kinuwestiyon ang pagsisinungaling na ginawa ko at pumayag nalang. It was a lie but Dominic trusted me so much kaya hinayaan niya nalang ako at pumayag ng walang halong pagdududa. I feel guilty for lying to him but if I let my guilt eat me, paano nalang ang mararamdaman ko sa oras na hiwalayan ko siya?

The reason why I stayed away from Dominic this morning, ay dahil sa naniningkit na mga mata ko. Magtatanong lang yun kung napaano ko at hindi ko pa alam ang sasabihin ko sakanya. Kailangan ko pang magrehearse ulit ng panibagong dialogue at mag-isip ng ibang alibi na pwedeng saihin.

Hindi parin ako kinakausap ni Frannie. Sinubukan ko siyang i-text at tawagan pero mukhang pinanindigan niya ang pag-iwas sa akin. Sabagay, botong-boto kasi si Frannie kay Dominic. Buong pamilya ko, boto sakanya. Dominic is such a perfect boyfriend. Nililigawan pa nga lang niya ako ay legal na legal na siya sa bahay. My parents don’t mind kapag ginagabi si Dominic sa pagbisita sa akin. They’ll probably hate me sa oras na hiwalayan ko si Dominic.

I sighed. Tumitig ako sa harapan ko at kinagat ang labi ko bago ko sinimulan ang pagsalita. “Dom… I need to tell you something. I’m sorry. I’m really sorry… But I think we should break up.” I paused to breathe. Sinubukan ko rin pigilan ang pagpatak ng luha mula sa mga mata ko. “Please don’t ever think that it’s your fault. Ako ang may kasalanan. You’re perfect, our relationship has exceeded perfection beyond my expectation. And–I just need to pause. You know. I’m sorry talaga. I’m sorry.”

Napayuko ako at lumipas ang ilang segundo bago ko inangat ang ulo ko at pinalo ito ng malakas at paulit-ulit. “Mali talaga! Mali! Mali!” inis na sabi ko. Revised version na ang kinakabisa ko pero pakiramdam ko–kulang parin. There’s something missing. Or there’s too much in it. I don’t want to hurt Dominic this way but I don’t want to hurt him any other way either but I still don’t think I can say it to his face.

I gasped in surprise when I heard a hard slap from a short distance. Napatayo ako mula sa pagkakaupo ko at sinilip kung saan man nanggaling ang maingay na sampal na iyon.

Nakita ko ang isang likuran ng isang babae. Maganda ang pigura ng babae at mayroon itong mahabang buhok. Sa harapan naman nito ay natanaw ko ang isang pamilyar na mukha. I squinted my eyes, trying to familiarize the guy’s face–not that I needed it anymore dahil biglang sinigaw ng babae ang pangalan ng lalaki.

“What the hell are you talking about Arron Gene Valencia?”

Biglang kumalembang ang pangalan ng lalaki sa utak ko. I know Arron. May ilang klase kami together. We’re taking the same degree which is Operation Management. Schoolmate ko rin siya dati pero hindi naman kami close at never ko siyang nakausap. Siguro once, nung tinanong niya kung may eraser ako nung huling exam namin. But we never really talked. Arron is known for being a total jerk and player, nevertheless, marami paring babae ang humahabol sakanya. Ewan ko ba sakanila. Why would they chase someone who’s an asshole like him?

“I’m breaking up with you. Is that too complex for you to understand?” nandilat naman ang mga mata ko. See? Asshole. Ang dali-dali lang para sakanya na sabihin na makikipagbreak siya with kasamang lait pa. Samantalang ako, halos mabilaukan at mautal sa pagsabi ng bagay na iyon.

How to Break a Heart (To be published by LIB)Where stories live. Discover now