Twelve

50.6K 1K 180
                                    

Allie

Palakad pa lang ako papunta ng next class when my phone suddenly beeped for a message. Kinuha ko ang phone mula sa bag ko pero hindi ko na nakuhang huminto. It was from Arron.

Punta ka mall near the campus

I frowned. Bakit naman ako pinapapunta ng isang ito sa mall? Siguro magpapasama na naman. Last time ay nagpasama siya sa akin bumili ng teddybear para kay Carmela at kaya lang ako sumama ay dahil sinubukan niya ako i-blackmail tungkol sa balak kong pakikipagbreak-up kay Dominic.

Bakit? May pasok ako.

It only took him two minutes bago makapagreply. Saktong nasa labas na ako ng room nang tumunog ulit ang phone ko. Hindi na muna ako pumasok dahil baka may professor na sa loob at hindi ako makalabas sa oras na urgent ang text sa akin ni baboy.

I need you. Go to Sweet tea-ngs.

After reading his text, I can’t help but groan. Ano na naman kaya ang kailangan sa akin ng isang ito? Napakamot ako sa ulo, deciding if I should go or not. Hindi pa ako nakakapagdecide ay biglang tumunog ang cellphone ko.

“Hello?”

“Damn it. Come here, kitten. I need your acting skills.” pabulong itong sinasabi ni Arron kaya nagtaka naman ako sa inaasal niya.

“Ano na naman ba ang problema mo? May klase na ako in ten minutes.” umirap ako dito kahit hindi niya ako nakikita. He was getting on my nerves kahit na technically, wala pa siyang ginagawa.

“A girl won’t leave me alone. She’s a psycho!” napalakas na ang boses ni Arron this time.

“So? Ano ngayon sa akin?”

“Kitten.” he groaned.

“Stop calling me kitten! Hindi ako pusa. And guess what, Arron?” I asked in my fairly sweet voice.

“What?”

“Karma yan! Buti nga sayo! Madala ka sana!” ibinaba ko na ang tawag pero nararamdaman ko pa rin ang pagkainis ko. Ibang klase talaga si Arron. Ang layo-layo na nga, nakukuha pa rin akong inisin.

Umiling-iling ako at napagdesisyonan na hindi na lang pansinin ang paghingi ng tulong ni Arron. Papasok na sana ako sa room pero biglang nag-alert ulit ang cellphone ko.

How to Break a Heart (To be published by LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon