Six

58.5K 1.1K 109
                                        

Allie

“Where are we going?” Dominic asked with a smile on his face.

“You’ll see.” sabi ko dito habang hawak-hawak ang magkabilang braso niya mula sa likuran.

“Funny, because I’m blindfolded.” binatukan ko naman siya sa pamimilosopo niya. Marahan itong tumawa at napailing-iling na lang ako sa kalokohan ni Dominic.

“I don’t really know why you need to blindfold me. It’s either sa loob tayo ng bahay o sa garden niyo. Baby, you should know by now that I’ve memorized your house by heart.”

“Stop talking Dominic.” birong sabi ko dito.

“Okay Ma’am.” inihinto ko na si Dominic sa paglalakad nang makarating na kami sa likuran ng bahay. Nasa likuran kasi ng bahay namin ang garden na alagang-alaga ni Mommy.

“Ready?” kasabay ng pagtanong ko ang pagpatay ni Robbie ng ilaw mula sa loob ng bahay.

“Always.” matapos sumagot ni Dominic ay dahan-dahan ko pang tinanggal ang suot-suot niyang blindfold.

“Why is it dark?” he was right. It was pitch dark since Robbie turned off the lights. And since it was already night time, silhouette na lang ang nakikita sa garden ni Mommy.

“Allie?” tawag ni Dominic, at wala pang ilang segundo ay bumukas na ang ilaw sa harapan namin. The lights inside the house remained turned off and on the other hand, the fairy lights that I fixed around my mother’s modern white pavilion lighted up.

The pavilion wasn’t grand but it looked beautiful especially now that it was glistening with fairy lights. There were even hanging fairy lights on the pavilion’s ceiling, acting like it was some kind of vines. It was gorgeous. Ako ang nag-ayos ng lahat pero pati ako, napahanga sa kinalabasan. May araw pa kasi nang ginawa ko ito kaya hindi ko nakita ang finish product.

Sa gitna ng pavilion ay may naka-set na candle light table at dalawang upuan na nakalaan para sa aming dalawa ni Dominic. The whole setting looked magical. It was romantic. Kung ako ang paghahandaan ng ganito ni Dominic ay iisipin kong magpro-propose na siya sa akin.

“Wow.” I heard him say. And that sums everything up. Wow.

Biglang may tumunog na soft music mula sa background and I know that it was my brother who played it. Kinonsinte ako ni Mommy at Daddy sa plano kong surpresa kay Dominic–pati si Robbie ay hiningan ko ng tulong and they were more than willing to help. I really have the most supportive family ever. I wonder kung tutulungan pa rin nila ako kung alam nila ang totoong dahilan kung bakit ginawa ko ang lahat ng ito.

How to Break a Heart (To be published by LIB)Where stories live. Discover now