Twenty-One

46.3K 958 62
                                    

Allie

Wala ngayon si Arron and it was bothering me. Pangatlong araw na siyang hindi pumapasok sa klase and for some reason, I feel like something's missing when he's not around. Hindi ko maiwasan mapatingin sa upuan niya, expecting to see him looking at me kahit na alam kong absent naman siya.

I guess I was just used to being annoyed at all times whenever he's present. And now that he's missing in action, hinahanap-hanap ko yung pang-aalaska niya.

Ilang beses ako na-tempt para itanong sa mga barkada niya kung nasaan si Arron. I have my reasons kung bakit hindi natuloy. Una, wala naman akong karapatan para malaman kung nasaan siya at kung ano ang ginagawa niya at hindi nakapasok dahil tinutulungan niya lang naman ako. We're not even friends. Pangalawa, galit sa akin si Vin. I have no idea why he loathes me-I know that he's suspecting na may illegal affair kami ni Arron pero bakit siya magagalit? Kung hindi ko lang alam na katulad ni Vin si Arron na laking playboy at papalit-palit ng babae sa kanyang kama ay baka mapagkamalan ko na siyang bading at may gusto kay Arron. At ang pangatlo, the worse reasons of them all... may isang maliit na parte ng katawan ko ang natatakot na baka isagot na naman nila sa akin ang pangalan ni Carmela.

Hanggang ngayon isang malaking palaisipan pa rin sa utak ko kung sino ba talaga si Carmela. Maybe Carmela is Arron's one and only pero hangggang ngayon ay hindi pa rin siya sinasagot nito o baka naman sila na pero pinili na lang nilang ilihim ang relasyon nilang dalawa dahil ayaw ng mga magulang ni Carmela kay Arron. Or maybe Arron is a dominant and Carmela is his submissive kaya he's very consumed kapag magkasama silang dalawa ay nasa red room of pain sila.

Wow. I should probably stop thinking. Like... right now.

"Earth to Allie? Calling the attention of Allie De Guzman? Hello? Anyone in there?" Frannie snapped her fingers in front of my face and I was quickly transported to reality.

Inaya ako ni Frannie na magshopping dahil may sale ngayon sa paboritong boutique niya. I was hesitantabout it since wala ako sa mood na magsukat ng damit, magbigay ng opinion kung bagay ba sa kanya yung damit o kahit maglakad man lang pero nang sinabi niya na ililibre niya ako ng dalawang top ay napapayag na rin ako. It's not like I have anything better to do.

"What? What?" tanong ko.

She frustratedly sighed. "Bagay ba sa akin itong dress? I really like it but I feel like a weirdo while wearing it." Frannie scrunched her nose. Bagay naman sa kanya lahat ng isinusuot niya pero kapag sinabi ko yon, she'll just accuse me na sinasabi ko lang yon dahil tinatamad ako magbigay ng opinion or that I'm afraid that I'll hurt her pero totoo naman.

"If you're not comfortable wearing it, then don't buy it." I shrugged at her and she pouted.

"But I really like it."

"Then buy it then try not to feel like a weirdo."

Frannie grinned. "Okay!" matapos ay pumasok siya sa loob ng fitting room para magpalit. Umiling-iling na lang ako sa kagagahan ng pinsan ko at ipinagpatuloy ang paghahanap ng isa pang top. I bought one top, a cute blue halter top and I really like the fabric used. It's thin kaya it's refreshing and comfortable.

"Balita ko, you fainted last time?" tanong ni Frannie sa akin pagkalabas ng fitting room at napatingin naman ako agad sa kanya na nakasuot na ng uniform niya kanina at may dala-dalang mga damit na isinukat niya kanina.

My forehead creased. "Yeah, kanino mo naman nalaman?" sinabihan ko rin si Dominic tungkol doon pero sinabi niya sa akin na alam na niya dahil may nagsabi rin sa kanya. He asked if I was fine and when I told him I was alright, tsaka niya tinanong kung bakit si Arron ang nagbuhat sa akin. I explained that I wasn't feeling well that morning-he argued na dapat sinabi ko and I told him that I didn't know. At hindi ko rin alam na ganoon pala kasama ang pakiramdam ko para himatayin ako. Then he asked kung bakit si Arron ang nagbuhat sa akin and I told him the truth na nagkataon lang dahil totoo naman talaga. And after that, he just kissed me.

How to Break a Heart (To be published by LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon