Three

72.8K 1.3K 241
                                    

Allie 

“What?”

“You’re a heartbreaker right? Help me break his heart.” I replied. This time, mas tinigasan ko ang boses ko para malaman niya na hindi ako nagbibiro sa sinasabi ko.

Biglang tumawa si Arron.

Napasara ang bibig ko habang pinapanuod siyang tawanan ako. It’s not like I told him a punch line kaya tinitigan ko lang siya hanggang sa tumigil siya sa pagtawa at sumeryoso ang buong ekspresyon sa mukha niya. “Seryoso ka?”

“I don’t think I stuttered.”

“Why would you break your boyfriend’s heart?” his whole face was filled with amusement at napatingin agad ako sa ibang direksyon. Natatakot ako na mabasa niya ang naiisip ko. Sa tuwing tinitingnan niya kasi ako, pakiramdam ko–hinuhubaran ako ng mga titig niya. Hindi sa isang malaswang paraan kundi pakiramdam ko… inaalis niya ang patong-patong na mga maskara na suot-suot ko.

It was completely bothersome and his presence is making me feel uncomfortable.

“You don’t need to know.” pagsungit ko dito.

“Ming–” agad ko siyang sinamaan ng tingin at itinaas niya naman ang dalawang kamay niya before resuming. “You’re asking me to help you break an innocent man’s heart. From the looks of it, mukhang wala ka namang mao-offer sa aking kapalit. I think the least you could do is to let me know why.”

Itinikom ko ang bibig ko. I know I couldn’t do this alone. I’ve already established how I can’t hurt Dominic face to face. I also know that I’m desparate for help. I don’t know why I trust a stranger like Arron for something like this… pero siya lang ang alam kong makakatulong sa akin. I hate to say this but he’s my only hope.

Should I tell him?

No.

I’ve never told anyone. Not even Frannie.Huminga ako ng malalim, pumikit at ibinukas ang bibig para umpisahan ang sasabihin ko. Nagbilang ako hanggang sampu pero wala paring lumalabas sa bibig ko.

“I–” narinig ko mula sa sarili ko kaya hinayaan ko ng dumilat ang mga mata ko.

Nakita ko si Arron na nakatingin sa akin at mukhang nag-aabang ng sasabihin ko. Something grew inside me. “I–I can’t. I’m sorry.” Arron frustratedly groaned.

Tatalikod na sana ako pero napasinghap ako sa biglang paghatak ni Arron sa braso ko. Nakatingin siya sa taas at nakapikit ang mata. Halatang naiinis siya sa itsura niya pero hindi ko alam kung bakit. Siguro ay dahil hindi ko sinabi sa kanya ang totoo.

How to Break a Heart (To be published by LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon