Twenty

43.8K 1.3K 198
                                    

Happy Birthday to Mayzel Ebasco!! This one is for you. Lovelots. Mwa.

Arron

Hindi ko inaasahan na papasok siya ng klase ngayong araw but she's actually here. Alive and kicking. She's also talking to one of our blockmates with so much enthusiasm. It's almost as if yesterday didn't happen. Like she didn't faint at all.

Nang matapos ang klase ay tumayo siya agad para umalis ng room. She didn't spare me a single glance at hindi ko maiwasang mainis. Hindi man lang siya magte-thank you sa pagbuhat ko sa kanya across the campus? Hindi man lang niya ipapaliwanag sa akin kung bakit siya hinimatay? Kung anong nangyari kahapon?

My jaw was clenched when she left the room. Napatayo ako agad at mabilis na lumakad para sundan siya. She wasn't in a hurry kaya naabutan ko siya agad. I grabbed her arm too harshly for my liking that it shocked me but I don't have the time to question my every movements.

I glared at her. "Aalis ka? Ganon-ganon lang?"

"What are you talking about? Hindi na doon ang next class ko. What else would I do?" she tried freeing her arm from my grip. "At pwedeng bitawan mo ako? You're hurting me."

Pilit niyang tinanggal ang braso niya pero hindi ko pa rin siya binitawan. Konting kibot niya pa ay pakiramdam ko, sasabog na ako sa inis at frustration sa kanya.

"Hindi ka man lang magte-thank you sa akin?" I asked.

"For what?" patay malisya na tanong nito.

"Yesterday. Damn it, Allie. Stop acting like nothing happened yesterday!" napasigaw ako ng bahagya dito at naningkit naman ang mga mata niya sa akin.

"That is what this is all about? Dahil hindi ako nakapag thank you sa nangyari sa'yo kahapon? Well, thank you. Thank you for bringing me over to the infirmary. Thank you for not leaving my unconscious body somewhere in the campus. Okay na ba?" ismid nito sa akin. I've always liked the lioness side of Allie but I'm not liking it at the moment.

"Hindi mo man lang sasabihin kung bakit ka hinimatay? Kung anong nangyari? Hindi mo man lang sasabihin sa akin na okay ka na ngayon?" sunod-sunod na tanong ko dito at parang nabigla naman si Allie sa mga tanong ko.

"What the hell, Arron? Ano naman sa'yo? Ano naman sa'yo kung anong nangyari kahapon? Ano naman sa'yo kung okay ako o hindi? Ano-"

"KASI NAG-ALALA AKO SA'YO!" natahimik si Allie sa pagsigaw na ginawa ko sa kanya. Shock etched her face and I felt as shocked at my outburst. Gusto ko rin matahimik pero ayaw prumeno ng bibig ko. Like it had its own brain. "Damn it, Allie! Do you know how it scared me to see you faint like that? To see you unconscious and unresponsive? Fuck, Allie! Shitless! I was scared shitless! I was so worried and God knows that I've never been that worried before! Not ever! And now you're asking me kung ano sa akin kung okay ka o hindi? Shit! Just. Shit!" binitawan ko ng padabog ang braso niya at hindi naman siya nakapagsalita.

My damn heart was beating too fast in my chest. Gay, I know. Pero ganon lan naman yon ay dahil sa sobrang galit. Hinahabol ko rin ang hininga ko. That's how mad and angry I was. I tried not to explode like that but I just couldn't hold any of it anymore. At hindi nakatulong ang pag-arte niya na parang walang nangyari kahapon.Nakatitig lang siya sa akin ng may blangkong ekspresyon sa mukha niya. Unti-unting nawala ang galit sa dibdib ko at kumalma na rin ang pakiramdam ko.

"Wala ka man lang sasabihin?" I spat.

Her face was still blank. "Wag mo akong sigawan." unti-unti ulit bumalik ang pagka-yamot ko sa sagot ni Allie. At dahil hindi naman ako pwedeng sumigaw dahil maagaw namin ang atensyon ng maraming tao, ipinasada ko na lang ang kamay ko sa mukha ko. God, she's good at pissing me sometimes!!

How to Break a Heart (To be published by LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon