Thirty-Nine

34.7K 843 55
                                    

Allie

Wala naman talaga akong balak mag-exam but I don't really have a choice dahil sinundo ako ni Arron sa bahay at ipinilit sa akin na kailangan ko daw magtake ng exam. Hindi ko talaga alam kung bakit kailangan ko pang gawin ang bagay na iyon samantalang hindi ko naman na iyon magagamit. Unless may grade requirement sa langit.

But anyway, because Arron was so persuasive, ginawa ko na lang but not because he wants me too. Ginawa ko lang iyon dahil ayaw kong kulitin niya ako nang kulitin. Arron is really annoying kapag kinukulit niya ako, dahil hindi lang basta-basta pangungulit ang ginagawa niya sa akin-may kasamang pang-aasar pa.

Natapos ko na ang panghuling exam ko for this semester at halos nabunutan ako ng tinik kahit wala naman talagang dapat tinik na bubunutin but it still feels great na may bagay akong natapos hanggang sa huli at hindi sinukuan.

Lumabas na ako sa pinto pagkatapos i-submit ang test paper ko. Una kong nakita si Arron na nakasandal sa kabilang pader at mukhang hinihintay ako. He smiled when he saw me come out of the door. He kicked the wall to stand up and walk towards me.

"How was your exam?" tanong niya sa akin.

"Hindi ba dapat mas pinoproblema mo ang exam mo, sa exam ko? You'd probably repeat your ass." pang-aasar ko dito at humalakhak naman si Arron sa akin.

"Are you worried?"

"No, I was making fun of you." sagot ko and he grinned at me.

"Looks like my kitten is in her tigress mode."

"Oh shut up, Arron." hindi na sumagot si Arron doon at matapos ay nagpatuloy na lang kami sa paglakad papuntang car park.

"I'm going to drop you home, okay?"

"Wow. Hindi mo na ako dadalhin kung saan-saan?"

"Nope." he popped the p.

"Should I ask why?" tinaasan ko siya ng kilay.

"Depends. Are you going to miss me?" biglang naging blangko ang buong mukha ko sa tanong niya.

"No." mabilis na sagot ko dito and he frowned.

"You're too cruel to me."

"I don't care." irap ko dito at ngumiti siya bago pisilin ang pisngi ko. Siguro ay nangigigil na naman. Dahil sa matagal ko na siyang nakakasama, alam ko na ang sasabihin niyang sunod.

"Cute." we said in unison, pero sarkastiko ang pagkakasabi ko doon. Yun naman kasi lagi ang sinasabi niya kapag pinpisil niya ang pisngi ko at pinangigigilan iyon.

"Anyway, you deserve a time away from me. Ayaw ko rin naman na magsawa ka sa akin." umirap na lang ako. I wanted to argue na hindi siya ang magdedecide kung paano ko igugugol ang oras ko but he would only argue na gusto ko lang siya makasama kaya hindi na lang ako nagsalita pa.

"Spend it well." he tapped the top of my head at iniwas ko naman agad ang ulo ko. Alam niya kasing ayaw kong ginagawa niya iyon. I feel like a dog kasi, but he assured me na hindi dahil isa daw akong pusa. It only angered me more.

Ilang beses na ako tinanong ni Mommy kung may relasyon ba kami ni Arron pero sinabi ko naman na sa kanya na wala. Napakilala ko na rin si Arron kay Daddy. I never mentioned any title though dahil hindi ko naman alam kung ano ang itatawag ko sa kanya. Sinabi niyang nanliligaw siya sa akin but I don't really want to assume dahil baka binawi na niya iyon nang hindi sinasabi sa akin. Sabihan pa ako ng feelingera.

He's certainly not my boyfriend at hindi rin naman kami matatawag na magkaibigan since he often piss me off. I don't have no idea what's our relationship status but I'm fine with it. Basta ang alam ko, masaya ako habang kasama ko siya and I know he's feeling the same.

How to Break a Heart (To be published by LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon