Allie
About what?
Sinagot ko agad-agad ang text sa akin ni Arron. His text was so vague that it got me curious kung ano ang gusto niyang pag-usapan naming dalawa.
Tomorrow.
He was being too imprecise. It was frustrating me. Hindi nakatulong na nagalit sa akin si Dominic dahil dito.
Bakit hindi na lang ngayon?
Hindi na ako sinagot ni Arron pagkatapos noon kaya napasimangot na lamang ako. Ilang beses ko siyang pinlano na tawagan pero hindi ko lang itinutuloy. I would seem eager and I don’t want to look like I was desparate for answers even if I was.
Buong magdamag ko pinag-isipan ang ‘pag-uusapan’ namin ni Arron. Hindi ko alam kung bakit masyado kong iniisip ang tungkol sa bagay na iyon but having the ‘talk’ with him is really making me nervous. I was in the edge when my professor finally dismissed our class. It’s my last class for the day, hindi sinabi sa akin ni Arron kung anong oras, saan at kailan kami mag-uusap.
“Allie! Pwedeng tayo na lang partner dun sa project?” hindi pa ako nakakalabas ay hinarang ako ng isa kong babaeng kaklase. Bago kasi umalis ang professor namin ay may ibinigay na siyang project. Hinayaan niya na kami pumili ng partner namin. By twos lang and I prefer it that way para mas madali ang hatian sa trabaho. Hassle pero kaysa naman magpakahirap ka para sa grade nila.
I smiled and nodded. “I-text mo na lang ako kung anong subject natin, tapos kung saan tayo gagawa.”
Pagkasabi na pagkasabi ko noon ay umalis na agad ako. Binilisan ko na rin ang bawat hakbang ko dahil baka bigla pang may tumawag sa akin at mas lalo pang ma-delay. Damn. Too eager?
No. I’m not eager. I just want it over with. Halos hindi na ako nakatulog kagabi sa kakaisip kung ano ba ang gustong sabihin ni Arron. Yun lang.
Sa sobrang pagmamadali ko ay hindi ko naramdaman na may humawak sa braso ko. Kung hindi pa ako nahatak pabalik ay hindi ko pa mamalayan na may nakahawak na pala sa akin. I gasped but my mouth quickly closed when I saw Arron.
“Where are you going?” nakataas ang kilay na tanong nito.
Bigla akong namutla. “Oh. Uhm.” there’s no way I’m going to tell him that I was in a hurry dahil gusto kong makita kung naghihintay nga siya sa car park. That would inflate his ego, big time. Panigurado ay aasarin niya rin ako na atat makita siya. Which is not true. A big fat lie.
“Tatakas ka?”
“Akala ko naghihintay ka sa car park.”
“And let you escape? Uhhh–no way.” umiling ito at napabuntong hininga naman ako. Naalala ko ang kamay ni Arron sa braso ko. Mahigipit ang pagkakahawak niya doon at dahan-dahan ko naman ipinihit-pihit yon para alisin ang kamay niya but his hand was immovable.

YOU ARE READING
How to Break a Heart (To be published by LIB)
Teen FictionAllie De Guzman decided to break-up with her two-year long boyfriend. The only problem is, ayaw siyang pakawalan ng boyfriend niya. That-and she just don't have the guts to break his heart. And that's when Arron Gene Valencia, the well-known heart b...