Chapter Two: Farewell

65.3K 1.5K 67
                                    

Pagkatapos ng nangyaring usapan, dumiretso kami ni Gesa sa second floor. Ayon kay Chief, maaari akong kumuha ng anumang gugustuhin kong kunin mula rito para sa magiging misyon ko. Kung para lang sa akin, tama na iyong katana blades ko ngunit dahil nandoon si Gesa kanina ay nagpumilit siyang kumuha ako ng aniya'y mga bagong dating na gamit.

Sa ikalawang palapag makikita ang tambakan ng mga armas na ginagamit ng mga hunter sa training maging sa kanilang mga misyon. Ang alam ko ay may mga ipinagawa siyang mga bagong armas. Kaya kahit ayokong magdala ng ibang gamit, base sa tono ni Gesa ay marami siyang ipagmamayabang sa akin.

"Kaninong ideya ang kulay?" Tanong ko sa kasama nang mapansin ang ibang kulay ng dingding. The last time I went here, the walls are painted with cream brown. Now, it's colored gray, same as the ground floor.

"Duh?" Maarteng sagot ng kasama nang matapos ang pakikipag-usap sa telepono. "It's your sister-in-law." Dugtong niya. Hindi ko nalang pinansin ang inis sa kanyang boses at nagpatuloy sa paglalakad.

May limang kwarto ang nandito. Maging ang kulay ng pinto ay nagbago. Mula sa dating puti na pinta ay naging itim iyon. Now, the deeper we go to the hallway, the more it feels like going to a black dimension.

Hindi na rin ako nagtaka nang iba na kulay ng mga silid. Kulay itim ang mga ito at may apat na ilaw sa bawat sulok ng kisame.

Ang unang kwarto ay lalagyan ng mga baril. Nakalagay ito sa mga cabinet na nakapalibot sa kwarto. Pistols, shotguns, snipers, rifles, armalites, and different kinds of grenades are placed elegantly on their places. May mga bala rin na nakapwesto sa isang lamesa malapit sa tatlong machine gun.

"Here's the newest." Ani Gesa at iniabot sa akin ang isang 'di pangkaraniwang baril. Its silver color sparkled under the dim lights.

"It's a tranquilizer gun. The medical team are the ones developing pills as its main bullets." Pagpapaliwanag niya habang nanatili akong nakatitig doon.

"Why tranquilizers then? Pwede namang execution gun. One shot and they're dead." Komento ko bago inilapag ang baril sa dating lalagyan.

"It's designed for capturing those that can spill more information on the locations of the lairs. Hindi naman pwedeng patayin sila agad." Sagot niya na iniwan ko lang sa ere.

Sa sumunod na pinto nakalagay ang mga gear suits ng mga hunters. Nadatnan namin ang dalawang hunters na nag-aayos ng mga iyon. Tila nagulat pa ang mga ito sa biglaan kong pagpasok kaya naman pinakiusapan sila ni Gesa na lumabas muna.

"Alam mo, try being warm sometimes." Aniya bago isinara ang pinto.

I am trained to be cold. I want to answer but left it hanging. Instead, I let my eyes roam around the whole room. It appears to me that they finally made it as a whole wardrobe. May parteng pwedeng pagpalitan ng damit at may parteng pwedeng sukatan ang mga walang makukuhang ka-size nila.

"Bagong disenyo ang mga iyan. Kamakailan lamang nagawa." Pagpapaliwanag ni Gesa nang makitang napako ang atensyon ko sa mga kapa.

Kulay itim ang mga iyon ganoon din ang boots. May kulay abo itong borda sa laylayan at manggas. Agaw-pansin din ang badge sa kaliwang bahagi na nagsisimbolo sa aming kinabibilangang clan: Trevino Hunters.

Nilapitan ko iyon upang masuri. Ang markang TC sa kaliwang bahagi ng kapa ay napapalibutan ng magkaka-konektang rosas na may mga tinik. Sa baba nito ay isang disenyo ng espadang masyadong pamilyar sa akin.

"Claymore sword. Really." Hindi ko maiwasang komento.

"I bet no one even remembers that from History Class." Dagdag ko bago nagpatuloy sa pagsuri ng mga damit.

The Alpha's Mate (Alphas of Lair Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon