Chapter Twelve

35.5K 1.2K 167
                                    

Unang gabi ng camp. Maliwanag ang paligid dala narin ng ilaw mula sa buwan. The sky is full of shining stars that makes it perfect. Rinig ko na rin ang tunog ng mga tipaklong sa paligid.

Pagkatapos ng tahimik naming pagkain ay ipinatawag ang lahat ng estudyante sa ginawang maliit na entablado. Sa gilid nito makikita ang mga kahoy na dinala ng mga estudyante kaninang hapon sa naging aktibidad. Sinimulan nila itong sindihan. The fire grew from it, making the place brighter and warmer. Nagsimula rin silang magsindi ng mga tanglaw sa paligid.

Naupo kami sa damuhan kasama ng ibang mga estudyante. Bawat grupo ang magkakasama. Nanatili akong tahimik habang sinusundan ang tingin ni Karleen sa paligid. Naramdaman ko rin ang hindi pagkibo nina Vil at Lara na para bang may sinusundan ang mga ito.

I concentrated with my senses. Umayos ako ng pag-upo at sandaling pinakinggan ang paligid.

The flow of water from the river. Steps and voices of students from the camp. The wind as it touches the branches of the tall trees. Maya-maya ay narinig ko ang pag-apak sa mga tuyong dahon mula sa kakahuyan. Napatingin ako sa isang banda at nakitang sina Nicholas at Bryan iyon. Tahimik silang lumapit sa'min. Umupo ang mga ito sa kaliwang bahagi ko habang si Karleen naman ang katabi ko sa aking kanan.

"Nasaan si Duke?", tanong ni Karleen sa dalawa. Lumingon si Nicholas sa kanya at sinabing pabalik na ito. I turned my gaze to Lara. Nakita kong nakatutok ang mga mata nito sa mga guro na nag-uusap sa harapan. Sinundan ko iyon ng tingin. Maya-maya ay nagsimulang magsalita ang isa sa kanila.

"The faculty has some challenge for every group.", pagsisimula ng babaeng guro. "There are five flags secretly placed inside the camping borders. The task is to find all the flags. Each member of the group must hold a flag with him or her upon returning to the base. Anyway, the other members can help each one in searching for the flags. Besides, this is a group work, thus you need to work as a team. The team who will first return with five flags will win the prize", paliwanag nito.

Agad napangisi sina Karleen at Vil sa narinig, ngunit nanatili paring tahimik si Lara. I was used to her as being silent, but her silence tonight is odd. It gives me strange feeling.

Tumayo kami upang maghanda. Pinabalik kami sa aming mga tent at sinabing kailangan namin ng mga gamit gaya ng flashlight. Kinuha ko ang aking dala at inilagay iyon sa loob ng suot kong jacket.

I paused for a minute. Pinag-iisipan ko ang plano kong pagpatay sa mga lobo. But the place is surrounded by teachers who are wolves. Hindi iyon kaso sa'kin. But if I am going to kill tonight, students will surely freak out.

Tinawag ako ni Karleen mula sa labas ng tent. Agad kong kinuha ang aking kutsilyo at inilagay iyon sa babang parte ng aking siko upang madaling makuha bago lumabas.

Agad kong nakita ang mga mata ni Duke na nakatutok sa'kin. There's this stupid beat of my heart again. I don't want it, I don't want how my body responds to his stares. It is so strange na pakiramdam ko ang parang ginugusto ng katawan ko kung nandyan siya.

Tumalikod ako at nagpunta sa likod ni Karleen na ngayon ay nakapila na sa aming grupo. I scanned the place again. Ngunit isang mainit na hangin ang tumama sa likod ko. Kahit na hindi ako lumingon ay alam ko kung sino iyon. It is him, only Duke can give my body this feeling.

Nanatili akong hindi gumagalaw kahit na ang totoo ay naghuhumerantado ang puso ko dahil nasa likod ko siya. Suddenly, one of his hand find its way to my waist. I became stiff as he gently caressed the side of it. Pigil-hininga ako nang maramdaman ang paglapit ng kanyang bibig sa aking tainga.

"I am going to watch you but please do your best to be safe.", bulong nito sa'kin at agad na lumayo. My breathing resumed when he removed his hand, but my body told me different. It wants more. It desires the warm of his palm.

Upon giving the signal, students start to search the place. Nagtakbuhan ang mga ito papunta sa madilim na kakahuyan. May mga estudyanteng nanatiling nakatayo. From the way they stand, I know they are wolves. And I am standing here with them, holding my thoughts and my senses together.

Napamura ako ng paulit-ulit sa aking isip. What does he mean he is going to watch me?

Nakisabay ako sa mga estudyante papunta sa mga kakahuyan ng hindi namamalayan nina Karleen. Nagsimula akong umakyat sa mga puno at nagpasyang doon ako dadaan. I jumped and climb from one tree to another, making no noise on the branches. Nang makalayo mula sa mga estudyante ay nagpasya akong tumigil at magmanman. My heart is still beating faster than its usual pace. Dahil ba ito sa mabilis kong pag-akyat? Kinumbinsi ko ang aking sarili sa naisip kong rason ngunit alam kong hindi ito dahil doon.

Nang makarinig ng mga yapak sa ibaba ng puno ay pinilit kong mag-isip. Napatingin ako sa baba at nakitang mga lobo ito. They searched the place. Ang isa ay inaamoy ang hangin. Napansin kong patungo ang mga ito sa mas malalim na parte ng kakahuyan. I concentrated on their movements. Nagtaka ako ng nakitang palabas na ang mga ito sa borders ng camping site. Isang guro ang humarang sa kanila ng makita niya ang mga ito. Pagkatapos ng ilang segundo ay kusang bumalik ang dalawa sa kanilang pinanggalingan.

Nagpatuloy ako sa pagtalon sa bawat puno hanggang sa makita ko ang isang bandera sa taas ng isang puno. Agad ko iyong kinuha at inilagay sa loob ng aking jacket. Nagpasya akong bumalik sa parte kung saan marami ang mga estudyanteng naghahanap.

Upon landing swiftly on the land, Duke's eyes met mine.

"Dianne! Saan ka nanggaling?", tanong ni Karleen sa'kin. Worry is evident in her eyes. Ganoon din sina Vil at Lara. Nilapitan ako nito at sinuri. "Are you ok?", pahabol nitong tanong ng siguro'y napagtantong hindi ko masasagot ang una. Tumango lang ako bilang pagsagot.

Tiningnan ko ang kanilang mga kamay. Napakunot ang noo ko ng makitang wala pa silang nakukuhang flag. Kumuha ako ng kahoy ay nagsimulang magsulat sa lupa.

"Flag?", napatanong si Vil sa'kin nang mabasa ang isinulat ko. Tumango ako ngunit wala silang maisagot.

"Ikaw ang hinanap namin nang makita naming nawala ka sa grupo.", ani Karleen. I stopped myself from rolling my eyes.

"Besides, Duke said you are far more important than those flags.", dagdag niya na agad nagpakunot sa noo ko. Binunot ko ang banderang aking nakuha at ipinakita iyon sa kanila. Nagulat ang tatlo ng makita iyon na hawak-hawak ko.

"We shall start finding the other four!", ani Karleen at nagsimulang maglakad. Sinundan siya nina Vil at Lara. I moved my feet to follow them. But I suddenly stopped when I feel Duke beside me.

"As long as you are not the prize, I don't care about anything.", bulong nito malapit sa'kin.

The Alpha's Mate (Alphas of Lair Series #1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant