Chapter Forty

30K 850 48
                                    

My mind became blank at Solene's words but one thing's keep on repeating.

My mom is a wolf. My dad is a hunter. And I am a hybrid.

That explains my senses. Akala ko ay normal lamang ito sa'kin. My improved eyesight and hearing senses. Idagdag pa doon ang pang-amoy. All these time, I see my mother as a hunter. I admired the love she had for Dad and Dad's love for her. All I thought was they are living perfectly. Pero ngayon na nalaman kong nagmula sila sa magkalabang panig ay halos hindi ko lubusang maatim kung anong mga pasakit ang kanilang mga pinagdaanan.

Life, really, has its own way of surprising.

Iniwan ako ni Solene sa kwarto upang magpalit. She said it's been two days since my selective transition happened. Ibig sabihin ay dalawang araw na akong nakatulog, at anumang araw o oras ay maaari na akong mag-shift. At kahit na dalawang araw na akong nakahilata, pakiramdam ko ay mahina pa rin ang aking katawan. Transition is really energy-draining.

I stare at my reflection in the mirror as I combed my straight long hair. Katatapos kong maligo at kahit kaunti'y nahimasmasan ang aking pakiramdam. Naghalong kahel at itim ang kulay ng aking buhok na mas pinatingkad pa ng sikat ng araw. My Dad told me I have the same eyes with Mom which he entirely adored. Expressive, dark, with long and curly eyelashes. Pakiramdam ko ay nakikipagtitigan ako kay Ina ngayon.

I am a wolf. Be it a hybrid or not, I am still a wolf. Dumadaloy sa aking dugo ang dugo ng aking ina. And I couldn't help but blame myself. All these years, I planned revenge on people who did nothing but to care for me and the people I love, while trusting someone who's silently digging my grave.

Funny how people can start being so good yet end up being completely different.

When I was a kid, I used to play. Running around the backyard and building my dream castle. And until now, it feels like I'm still playing. But I'm playing for real. Kung noon ay ako ang namamahala sa laro, ngayon ay ang buhay na ang humahawak sa mga patakaran. If life wants to play, it will play. Minsan ay sa mga panahong pinaka hindi inaasahan. And life plays unfair. Life has never been fair. And I don't have any choice left than to play the game itself.

But I still make sure I play to beat the game.

Maingay ang mga tao sa unang palapag ng bahay. Sumalubong sa'kin ang amoy ng bagong lutong pagkain habang pababa ako ng hagdan. I am still dazed and weak but I can manage. Pakiramdam ko'y mas manghihina ako kung mananatili ako sa loob ng silid.

"If you won't stop it, I swear to all gods, Tate Rogan, I'll cut you into two!", sigaw ni Gesa mula sa sala. Agad akong napatingin doon. Halos makita ko ang pag-usok ng ilong ng aking pinsan habang nakangisi si Theron sa kanyang harap. Napakunot ang aking noo dahil doon. Talaga bang totohanin ni Luxien ang banta niyang iyon sa'kin?

Inis na nabaling ang mukha ni Gesa sa gawi ko, ngunit nang makita ako'y agad itong umaliwalas.

"You're awake, sleeping beauty.", aniya ng nakangiti, dahilan kung bakit napalingon sa'kin sina Ylva at Theron. Ngumiti sina Vil at Karleen sa'kin habang nakahawak ng isang basong hindi ko alam ang laman. Lara and Ylva's face remained expressionless but I can read the happiness in their eyes. Saka ko lang napansin sina Bryan at Nicholas nang naglibot ako ng paningin. They were silently standing in the doorway. Maging sina Mela, Audrey, at Hansel ay nandoon malapit sa kanilan at nakatuon ang atensyon sa'kin.

"Welcome back.", pambabasag ni Vil ng katahimikan. My gaze averted to his point and I saw him raised his glass. Tumango lang ako sa kanya at tipid na ngumiti.

Bago pa man ako makakilos ay dalawang kamay ang tumakip sa aking mga mata. Mula sa likod ay ramdam ko ang kakaibang init ng taong iyon. Ang kanyang hininga ay marahang dumadapmi sa likod ng aking tainga. Napahawak ako sa kanyang kamay. I engulf the familiar scent of Duke which made my heart paced faster than it is.

The Alpha's Mate (Alphas of Lair Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon