Chapter Six: Destiny

43.4K 1.2K 140
                                    

"No report yet?" Tanong ni Gesa nang pinaunlakan ko ang kanyang video call request. Nitong mga nakaraang araw ay malimit siyang tumawag sa 'kin kaya't gayon na lang ang pagtataka ko ngayong nagparamdam ulit siya.

"I still can't find the alpha." Pag-amin ko. It's been a week after I moved and I'm still clueless. Isang linggo na rin ako sa eskwelahan pero ni anino ng Alpha ay hindi ko nasilayan. I'm starting to get frustrated and Gesa might have felt that. Binitawan niya ang mga papel na binabasa at itinuon ang buong atensyon sa akin.

"Hindi kaya kilala ka niya?" Tanong nito na agad kong inilingan.

That would be impossible. I've been discreet all the time, be it at the school or just around the house. Hell, I've consumed a bottle of the red pill already just to make sure I won't be noticed!

Tanging mga kasamahan lamang sa Headquarters ang nakakaalam ng pagkatao ko. My label and reputation was never a secret until now. The chances of someone knowing my real identity is zero unless I'll disclose it myself. Na alam ko namang hindi ko gagawin.

"Well, you make the probability. Why does the Alpha hides? Imposibleng hindi pa nakarating sa kaalaman niya ang pagpatay mo sa lobo." Dugtong ni Gesa at muling binasa ang mga papel na dala.

Iyon din ang ipinagtataka ko. Kung nakita man nila ang lobong iyon, hindi ba nararapat lamang na maghanap sila ng posibleng pumatay? Or if they didn't had the chance to see it, don't they make countings on their own members and see that one of them is missing?

Sinadya kong magpa-iwan sa eskwelahan noong pangalawang araw ng pasok, nagbabaka-sakaling may magawi kahit isa sa kanila. I told myself, if the Alpha won't show himself, I'll get one of his members to show me the way. Ngunit naabutan na ako ng hating-gabi sa puno ay wala parin akong naririnig ni isang kaluskos.

"I'm guessing he's on training or something. Probably, making his pack stronger." kibit-balikat na komento niya.

Nakakapanibago. Of all the Alphas I have encountered, this one is surely secretive as hell. I am betting he's thinking of his next moves. That means I need to think twice ahead of him.

Tumunog ang bagong bili kong cellphone. Nang kunin ni Karleen ang numero ko ay napagtanto kong hindi ako pwedeng magbigay ng maaaring maging koneksyon namin. That's when I decided to buy a phone solely for outsider's purposes.

Saglit ko pa iyong tinitigan habang nagpapakita doon ang pangalan ni Karleen. I grunted. Pati ba naman sa katapusan ng linggo, wala siyang patawad?

"Sagutin mo." ani Gesa. Binalaan ko siyang huwag mag-ingay at magsalita bago sinagot ang tawag. I put it on a loudspeaker for Gesa to hear.

"Good afternoon, Dianne! Alam kong hindi ka magsasalita pero gusto kitang tawagan since tinatamad akong magtype!" aniya sa maligayang boses. I rolled my eyes when I saw Gesa preventing herself from laughing.

"Anyway, wala ka bang ginagawa? Punta ka naman dito sa bahay. You know, let's hang out. Text mo ako kapag oo para doon ko nalang sasabihin ang house number namin! Sana makapunta ka! Ingat!" dagdag niya bago kusang pinatay ang tawag.

I threw my phone and pulled myself from the bed. Tuluyang natawa si Gesa nang makitang naghahanda na ako sa magiging lakad.

"This is new. Kailan ka pa natutong sumama sa weekend hang-outs?" Tanong niya. I didn't bother looking at her and made myself busy on the clothes.

"Dianne does this. I don't." Sagot ko at inilabas ang napiling damit. After a week of using the ridiculous mid-thigh uniform, I decided to use skirts more. Natanto kong kung magpapanggap ako ay iibahin ko rin ang estilo ng aking pananamit. That way, if and only if they will caught me lurking in the middle of the night, they won't easily acknowledge my posture.

The Alpha's Mate (Alphas of Lair Series #1)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora