Chapter Thirteen

33.5K 960 13
                                    

Itinuloy namin ang paghahanap sa apat pang flag. Mas lumalim na rin ang gabi. Lumamig ang hangin at naging tahimik ang paligid. Ang iba sa mga grupo ay nagpasyang itigil na ang paghahanap at bumalik na sa camp site. Nakakalayo na kami mula sa iba. We've been searching for about an hour. Si Karleen at Vil ang nangunguna sa grupo namin. Si Lara ay katabi ko lang sa paghahanap at paminsan-minsan na lumalayo. Habang walang paki-alam si Duke at sunod lang ng sunod.

"As long as you are not the prize, I don't care about anything..."

His words echoed in my mind. I pushed it at the back of my head. Napapaisip ako kung bakit ganoon ang sinabi niya kanina. May nabubuong ideya sa'kin pero pilit ko iyong isinasantabi. I turned my head to see him. Nakayuko ito habang nakapamulsa ang mga kamay.

"I found another flag!", sigaw ni Karleen mula sa harap. Napatingin ako sa kanya at nakitang iwinawagayway na niya ang bandera na sa tingin ko ay hinukay niya mula sa ilalim ng puno.

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa marating namin ang gilid ng bundok. Mas matayog ang mga punong nandito. Madilim ang paligid at halos hindi kita ang sinag ng buwan. Nagsimula kaming gumamit ng flashlight upang makita ang paligid. Sinindihan ko iyon habang nakatutok sa lupa. Napakunot ang noo ko ng makita ang ilang bakas ng sapatos papunta sa isang banda ng lugar. Nakapagtataka dahil hindi pa kami nagagawi sa bandang iyon. Does it mean there's someone here other than our group?

Napalingon ako kina Karleen na deretsong naglalakad papunta sa bundok. Yumuko ako upang suriin ang bakas ng sapatos. Nasundan pa ito ng ibang bakas. Based on the space of every footprint, the person is running from my point to its direction. Hindi ito bakas ng taong naglalakad lamang. Mas lalo akong nagtaka dahil doon. Bakit tatakbo ang isang tao sa isang madilim na lugar?

I alerted my senses when I realized something. Maybe that person is running away from a place or chasing someone. Lumingon-lingon ako sa paligid at nakitang wala na sina Karleen doon. Tanging si Duke na tahimik at nagmamasid ang nakita ko.

Lumapit siya sa'kin at tiningnan kung saan nakatutok ang ilaw ng flashlight ko. Hinawakan niya ang lupa at inamoy. I stare at his reaction. Then there's the flicker in his eyes. It turned from black to sparkling gold for some seconds.

Tumayo ako at sinubukang tumingin-tingin sa madilim na paligid. Pinakiramdaman ko ang ihip ng hangin at ang paggalaw ng mga sanga sa puno. I know there's something in here.

Nagsimula akong maglakad upang sundan ang mga bakas.

"Where are you going?", tanong ni Duke. Napatigil ako upang lingunin siya. Hindi ako sumagot. Kahit na hindi ko siya nakikita dahil sa dilim, alam kong nakatutok sa'kin ang kanyang mga mata. Nagpatuloy ako sa paglalakad habang iniilawan ang mga bakas. Naramdaman ko ang pagsunod ni Duke sa'kin. Hinayaan ko siya kahit na nagsisimula na naman ang kakaibang pakiramdam ko.

He was silent all the time. Paminsan-minsan ko siyang nililingon. At sa tuwing gagawin ko iyon ay napapatigil din siya upang tingnan ako.

The footprints brought us to an entrance of a small cave. I gaze to the inside of it. Wala akong makita sa kadiliman nito. Umupo ako at tiningnan ang bakas. Hinawakan ko iyon at inamoy.

Blood... Itinutok ko ang flashlight sa huling bakas at nakita ang ilang patak ng dugo doon. I touched some of the drops. Presko pa ito at wala pang isang oras simula ng pumatak sa lupa. I alerted my hearing senses. Maya-maya ay narinig ko ang maliit na tunog mula sa loob ng kweba.

I grip at my knife. Tumayo ako upang sundan ang tunog.

"Don't go.", Duke suddenly speak before I could even make a single step. Hindi ko siya pinakinggan at tumuloy sa loob. May mga patak ng dugo parin sa lupa nito. Sinundan ko iyon hanggang sa makita ko ang isang tao sa sulok. Duguan ang balikat nito at ang kanang binti.

Napatingin ito sa'kin ng ilawan ko siya. Halatang nanghihina na ito dahil narin sa dami ng dugo na nawala sa kanya.

Nilapitan ko ang babae. Hawak-hawak nito ang kanyang balikat. I saw a wound of scratch on his hand. Inamoy ko ang dugo na nanggaling doon.

"Help me. Please.", aniya gamit ang pagod na boses. Maya-maya ay narinig ko ang yapak sa aking likod at nakitang si Duke iyon.

"Alpha...", ani ng babae ng makita ito. Nilapitan siya ni Duke upang suriin. Hinawakan niya ang kamay nito at tiningnan ang kalmot. Napadaing nga mahina ang babae kahit sa simpleng paghawak niya dito. Agad niya itong binuhat at inilagay sa kanyang balikat.

Lumabas kami ng kweba at nadatnan sina Karleen na tumatakbo papunta sa direksyon namin.

"Anong nangyari?", tanong ni Vil. Naunang naglakad si Duke habang hinarangan ako ng tatlo. Ilang sandali pa ay narinig ko ang pagtakbo ni Duke papunta sa ibang direksyon. Siguro'y ginawa nila iyon upang hindi ko ito makita.

Nagpasya kaming tumigil sa paghahanap at bumalik sa base. Tatlong flag ang bitbit namin. Tahimik ang tatlo hanggang sa makarating kami. Maraming estudyante parin ang gising at nasa labas ng kanilang tent kahit na mag-aalas dose na ng gabi.

"Alright. One team got two flags while another team got three flags.", anunsyo ng isang guro mula sa harapan ng mapadaan kami. Siguro'y nakita ang bitbit namin. Napatingin ako sa isang banda at nakita ang isang grupo na may hawak ng dalawang bandera. Napatingin ang mga ito sa'min.

"The activity will resume tomorrow. The faculty will place additional flag around the camp site. Please go to your group before midnight. Have a good sleep.", dagdag nito at umalis.

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang makarating sa mga tent. Agad na pumasok ang tatlo sa mga ito habang nanatili akong nakatayo.

I know there's something happening. Patunay iyon sa nakita namin kanina. The scratch of paws on a wolf ... it is weird. Ibig sabihin, lobo din ang nanakit sa kanya?

Nagpasya akong magtimpla ng kape at manatili sa labas ng mga tent. Siguro'y nakatulog na ang tatlo dahil hindi na sila muling lumabas pa. Tumingin-tingin ako sa paligid at nakitang wala na ang mga estudyanteng gising kanina.

And why they didn't make a head count before midnight? Hindi ba nila alam ang nangyari sa estudyanteng nakita namin kanina? Bakit walang guro na bantay sa may bundok?

I drowned myself with coffee and my own thoughts. Maya-maya ay narinig ko ang mga yapak galing sa aking likod. Lumingon ako at nakitang si Duke iyon. Iba na ang damit nito kumpara kanina. His white V-neck shirt and black pants made me see him even in the middle of the darkness. Tamad itong naglalakad habang nakatingin sa'kin. Nang makalapit ay agad itong dumeretso sa kanyang tent at isinara ang bintana nito.

Sometimes, you don't need to be underwater to get drowned. Stares and silence is enough.

The Alpha's Mate (Alphas of Lair Series #1)Where stories live. Discover now