Chapter Twenty-One

33.3K 952 38
                                    

Pinaikot-ikot ko sa aking kamay ang hawak kong kutsilyo habang nasa veranda ng bahay. Malamig ang hangin at malimit pa lamang ang pumapasok na sinag ng araw sa paligid. The surroundings are peaceful and quiet. Walang ibang ingay ang maririnig. Birds fly from one place to another. The trees are tall and the light of the sky is turning from dark to faint yellow.

What happened in the school last night is a puzzle to me. Pakiramdam ko, magkakadugtong ang mga pangyayari. The red poisonous pill, the incident in the camp, the mysterious girl in the forest, and the hidden passage of the school. Kung tutuusin ay piraso ito ng isang hindi ko matukoy na pangyayari.

Questions start to build at the back of my mind. Bakit nakarating sa Winston ang pulang likido? It is supposed to be found only in the Headquarters laboratory, in Dr. Alvarad's lab specifically. Mas lalo akong nagdududa na may kinalaman siya dito dahil sa sinabi ni Gesa na umalis ito ng Headquarters. What happened in the camp is still a puzzle to me. Bakit nandoon ulit ang likidong iyon? Hindi kaya isa sa mga opisyal ng eskwelahan ang may kinalaman sa nangyari? Iniling ko ang aking ulo. The real question is, Who?

Narinig ko ang pagbukas ng pinto na nasa aking gilid. I glance at Theron before returning my eyes to the silent forest.

"Nag breakfast ka na?", tanong nito sa'kin. Nanatili ang aking paningin sa paligid. But Theron, can I trust him? Pakiramdam ko, sa lahat ng nangyayari ngayon at sa dami ng tanong ko, hindi ko na kayang magtiwala pa.

"Not yet.", sagot ko sa kanya at tumayo. Hinarap ko ito habang siya ay nakasandal sa pintuan. His sleepy brown eyes are sparkling because of the sunlight that illuminated on his face. Even before, I've always admire the color and shape of his eyes. Bagay na bagay ito sa kanya dahil na rin sa kanyang makapal ngunit perpektong hugis na kilay.

Napangisi siya habang nakatitig ako doon. I admire most of his features but I hate how it changes from innocent to devil when his playful smirk appears. Agad akong umiling at itinulak siya upang makapasok sa loob ng bahay. Saglit pa akong natigilan ng marinig ang kanyang pagtawa sa ginawa ko.

Dumeretso ako sa kusina upang hugasan ang nagamit kong baso. Inihanda ko na rin ang kakainin namin na kanina ko pa naluto.

"You waited for me?", nanunuyang tanong nito sa'kin bago umupo sa katapat na silya ng inupuan ko. I blanky stared at him. He's so full of himself. Siguro'y nakuha niya sa labis na pagtulog.

Tahimik kaming kumain ng inihanda kong almusal. Fried rice, bacon and egg. Tipikal na agahan sa Headquarters ngunit hindi rin ako mawawalan ng pancake. Tumayo si Theron upang magtimpla ng kanyang kape. Napatingin ako sa kanya at nang lumingon ito'y agad akong nag-iwas ng tingin.

"Anong gagawin na'tin ngayon?", tanong nito sa'kin. Nadatnan ko siya na prenteng nakaupo sa sofa habang nagbabasa ng libro. Himala yata at hindi siya natutulog ngayon.

"Mamimili ako sa bayan.", sagot ko sa kanya at kinuha ang jacket na nakasampay sa sofa.

"Let's go.", aniya at naunang tumayo upang lumabas. Napakurap ako dahil sa bilis nitong sumagot. One thing I hate being with Theron... He'll scratch the money out of my wallet. I just hope he brought his own.

Nagkusa si Theron na magmaneho ng kanyang sasakyan habang itinuturo ko sa kanya ang daan papunta sa isang maliit na tindahan. After some few minutes, we arrived at a little crowded place. The people in here are busy doing errands. Maingay ang paligid at malayang nakakapasok ang sinag ng araw. There were few stands on the sidewalk selling fresh fruits and vegetables as well. May tindahan rin ng bulaklak at damit.

Nauna akong pumasok sa tindahan. The inside of the store is far more comforting than the heat outside. It's not as small. May kalawakan din ito. I could say that it's a small grocery but it is the biggest of all the stores in Winston. Pwera na lang kung may iba pang tindahan dito.

Tig-isa kami ng bitbit na basket ni Theron. We first went to the canned goods. Tanging si Theron lang ang kumuha ng kung ano doon. Nakasunod ako sa kanyang likod habang nakatingin siya sa mga pwede niyang bilhin.

"Your basket is empty.", aniya ng napalingon ito sa'kin. Nagkibit lang ako ng balikat upang maging sagot. Bahagyang napakunot ang noo niya dahil doon ngunit agad ding napalitan ng ngisi.

"I know what you're looking.", he said and started walking towards the pancakes. Sumunod ulit ako sa kanya at agad kumuha ng isang pakete ng pancake.

"Kuha lang ako ng meats.", aniya bago nagtungo sa mga karne. Inisa-isa kong tiningnan ang mga kahon ng pancake at pumulot ng gusto kong lasa nito. I picked the one with vanilla maple syrup and waited for Theron to come back.

Habang hinihintay ko siya ay nagpasya akong suriin ang lugar. I roamed around the place to see if I could buy some more things. I grabbed some fresh milk, yougurt, apples and cereals from the different sections. Nagpasya rin akong kumuha ng kape, the french vanilla flavor of course. Nang matapos ay agad akong bumalik sa kung saan ako iniwan ni Theron. I saw him standing there, his eyes scanning the place. Ni hindi nito namalayan na nakalapit na ako sa kanya.

"You done?", tanong ko at agad siyang napalingon. Napatingin rin siya sa basket na dala ko at nakitang may iba na itong laman.

"Ako yata ang dapat magtanong sa'yo niyan.", sagot nito sa'kin. Napataas ang kilay ko sa kanyang naging tugon.

I turned around to walk. But then a familiar eyes welcomed my sight. Agad kong naramdaman ang kakaibang init mula sa kanyang kinatatayuan. It's not the kind of heat I've felt whenever he's around. It's something hotter, something I couldn't figure out.

His pitch black and dazzling eyes are piercing through me. His face is black but his eyes say the opposite. I became stiff so as Theron beside me. I felt how Theron alerted his senses but I knew, I couldn't do the same. Agad na hinawakan ni Theron ang kamay ko habang nanatili akong nakatitig kay Duke. Napatingin siya sa kamay ni Theron na nakahawak sa'kin. I saw how his brows creased and the fire in his eyes grew bigger. I don't know but the way he stared at me, the way he stared at Theron's hand in my hands, it sent chills to my spine.

Nakita ko ang tumatakbong sina Karleen at Lara patungo sa direksyon namin. Shock was evident on their faces when they saw us standing right in front of Duke.

I heard how Vil cussed about I don't know what when he approached the three.

"This is a bad thing.", bulong pa nito ngunit nakarating sa pandinig ko.

"Let's go, Duke.", ani Karleen at hinawakan ang braso ng kanyang kapatid ngunit agad rin siyang napabitiw doon.

"You're so freaking hot!", halos mapasigaw ito na tila napaso sa kanyang pagkakahawak doon. Nakita ko ang pagkataranta nina Lara at Vil dahil doon.

"Let's go dude.", pilit pinapatatag ni Vil ang kanyang boses ngunit naramdaman ko pa rin ang pag-iingat doon. Hinigpitan ni Theron ang pagkakahawak sa kamay ko ngunit wala akong ibang maramdaman. I don't know what's this thing is called about. It is foreign to my system. Isang bagay na hindi ako sanay maramdaman.

Pinilit nilang hinila palabas si Duke. Ngunit bigla itong pumanhik at padabog na tumalikod. Kusa itong lumabas ng tindahan at iniwan ang tatlo doon. Nakatitig pa rin ako sa kung saan siya lumabas. It felt like oxygen just returned to my lungs. Ni hindi ko namalayan na kanina pa ako nagpipigil ng paghinga. The three returned their gazes to us, their eyes fixed on the hands of Theron on mine.

"We'll be facing shit for the next few months.", komento ni Vil bago sila tuluyang umalis sa harapan namin.

The Alpha's Mate (Alphas of Lair Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon