Chapter Twenty

33.3K 895 18
                                    

After the epic racing wherein Theron loss, he went straight to his room to take a nap... forever.

"Ano? Hindi pa siya gising?", tanong ni Gesa habang nagluluto ako ng hapunan. Umiling lang ako at tinikman ang ulam. He's been sleeping for about seven hours now. But knowing Theron, once he'll smell food, he will get up his fat ass.

"Lalabas yan kapag maaamoy ang pagkain.", sagot ko sa kanya at inihain ang kanin at ulam. I was about to sit when Theron came out of his room. Napalingon ito sa gawi ko at napangisi. Nagkamot ito ng ulo at agad na lumapit.

"I can't believe the Assassin just cooked my food.", aniya at umupo sa harapan ko. His shower gel enveloped my nose. It was a mix of some expensive cologne and his natural scent. Umiling lang ako sa kanyang sinabi. Of course I will cook our food. Alangan namang hintayin ko siya na magluto? Besides, I don't even know if he knows how to cook.

"Hey, Gesa!", kaway niya sa tablet ng makita niya ito. Nag thumbs-up si Gesa habang kumakain ng ramen. Nagsimula siyang magsandok ng kanin. Tahimik akong kumain kahit na nakikita ko na nakatitig ito sa'kin.

"So, how's your mission?", seryoso nitong tanong sa'kin. Saglit akong napatigil sa pagnguya at tiningnan siya.

"Eat.", utos ko at nagpatuloy sa pagkain. Tahimik kaming kumain ng hapunan. Maya't maya ay napapatigil ako upang punahin ang kanyang katakawan. Nang matapos ay nagpresenta siyang maghuhugas ng mga nagamit sa pagluluto at ang pinagkainan namin.

"So, what's your plan?", tanong ni Gesa sa amin. Kasalukuyan akong nagtitipa sa laptop para sa gagawin kong report. Tahimik na nanonood si Theron ng isang palabas sa kanyang laptop.

"We'll kill the wolves in the district.", Theron answered absentmindedly. Ang akala ko ay hindi ito nakikinig sa usapan namin. Napatingin ako sa kanya at ganoon rin siya sa'kin.

"Iyon naman talaga ang plano, diba?", dagdag nito at sumandal sa sofa. Uminom ako ng aking kape at inilapag iyon sa katabi kong lamesa.

"Of course. We'll hunt tonight.", malamig kong sagot sa kanya. Tumango lang si Gesa sa naging tugon ko. Napag-usapan namin na huwag magbabanggit ng tungkol kay Dr. Alvarad at sa red pill sa tuwing kasama ko si Theron. I don't know but I have the feeling of doubt. Ang tanging mapagkakatiwalaan ko lang sa ngayon ay si Gesa.

Nang pumatak ang alas onse ng gabi ay sabay kaming nagpalit ng damit ni Theron. Nauna akong pumasok sa aking kwarto at iniwan siya sa sala. Dumeretso ako sa banyo upang maligo. I need to clean my head, refresh my thoughts. Sa gabing ito, walang Duke, walang Dianne. Gabriel Jaiyanna Trevino will have her dominance.

Matapos isuot ang maskara ay lumabas na ako. Nadatnan ko si Theron na nakasandal sa dingding sa veranda ng bahay. He's wearing the original hunter suit of the Trevino Clan and his own mask while I am wearing the Assassin clothes. Tahimik itong naninigarilyo at nakatingin sa paligid. Nang makita ang paglabas ko ay pinatay niya ang kanyang sigarlyo sa damuhan sa pamamagitan ng pagtapak doon.

Sumalubong sa'min ang malamig na hangin sa kakahuyan. Maliwanag ang buwan at kumikinang ang mga bituin sa kalangitan. Madilim ang tahimik na paligid. Nauna ako sa paglalakad sa mga tuyong dahon habang nasa likod si Theron.

Napagdesisyonan kong pumasok sa paaralan nang madaanan namin ito. Nakatitig lang sa akin si Theron na para bang tinatanong kung bakit doon ko naisipang maghanap.

Nakakandado ang mataas nitong gate. Matutulis ang dulo nito at maaari kaming masugatan kapag sinubukang akyatin. But I can't risk taking Theron at the forest part of school.

Nagsimula akong akyatin ang bakod pagkatapos makitang walang tao sa paligid. Napakunot ang noo ni Theron sa ginawa ko ngunit nagpatuloy ako. I landed swiftly on the land facing Theron who is still outside the gate. Napataas ang kilay ko sa kanya nang makitang hindi pa rin ito sumusunod.

The Alpha's Mate (Alphas of Lair Series #1)Where stories live. Discover now