Chapter Fifty

44.5K 1.1K 270
                                    

This is the last chapter. Thank you for reading "The Alpha's Mate"! It was indeed a long journey but you made it great! Maraming salamat, fam! Love you all.

Tahimik kong hinintay ang pagtama ng bala sa aking katawan. The rain continuously pours on my helpless body as the wind caresses my skin. Hindi ko inalinta iyon, bagkus ay pinilit kong ngumiti sa gitna ng matinding pagod.

I've always wonder what dying feels like. Sa tuwing pumapatay ako ay iniisip ko kung ano ang pakiramdam ng taong tinatanggalan ko ng kakayahang kumilos. Some even pleaded and kneeled in front of me not to kill them. I am ruthless and I show no mercy, that was way back before I met Duke, before I realized that revenge does nothing. Saka ko lang naintindihan ang kanilang rason, kung bakit ayaw nilang mamatay. May mga taong takot, karamihan ay ayaw, siguro'y hindi nagamit sa makahulugang paraan ang buhay na ipinahiram sa kanila. Yet in my case, I accepted my fate, not because I gave up but because I know I used my life in a worthy way. Hindi ko man nagawa ang lahat ng pangarap ko ay nakilala ko naman si Duke kahit sa maikling panahon lang. If this is my time, then so be it. If I am going to die right now, I am satisfied with the life that I made. I know I will die in peace.

But the deafening silence made my eyes open. Pumikit ako ng ilang beses upang maaninag ang paligid ngunit nanatiling umiikot ang lahat. There's a screeching sound vibrating inside my ears which made it unable to listen to my surroundings.

Nasundan pa iyon ng isang putok. Tila gantilyo iyon sa aking isip. Everything became silent as I stare at Gustin's body slowly falling to the ground. Umagos ang dugo mula sa tama ng bala sa dibdib nito. I saw how his hands weakened, loosening its grip on his gun while his eyes grew wide at his sudden realization. Kahit ang aking sistema ay hindi maproseso ang nangyari. Sinundan ko ng tingin ang kanyang katawan habang unti-unti itong napaluhod sa putik hanggang sa hindi na ito muling gumalaw pa.

If it wasn't because of the sobs, I can't pull my attention away from his lifeless body. Ngunit ang naging paghagulgol ni Dr. Alvarad ang sumira sa katahimikang namayani sa pagitan namin. Agad kong natagpuan ang kanyang mata habang nakatutok parin ang baril sa walang-buhay na katawan ni Gustin. Unti-unti nitong binitawan ang seryosong tindig at lumumpasay sa putik.

Hindi ko alam kung wala na ba ako sa tamang pag-iisip ngunit malamyos ang naging pagdating ng kanyang boses sa'kin.

"I am sorry, Gabriel." She uttered those words as she stare at my direction. Ang ulan ay unti-unting tumila kasabay ng hangin. And there I saw how her eyes sparkle because of the fresh tears falling from it. Sa likod ng malungkot na mga mata ay nakita ko ang sinseridad sa kanyang paghingi ng tawad.

Dalawang bisig ang pumutol sa aming titigan. Napatingin ako sa taong iyon habang unti-unting nawawala sa aking pakiramdam ang basang lupa. Pilit kong inaninag ang kanyang mukha ngunit patuloy naman sa pagkirot ang aking katawan. When I felt the familiar body temperature, I shut my eyes. My whole body aches but I ache for his warmth even more. I am too drained to even open my eyelids. Siguro'y sapat na sa akin ang pakiramdam na nasa bisig ako ni Duke.

"Hold on, Gabriel..." he whispered those words into my ear.

I know. I will always will.

Inilapag ni Duke ang bagong luto na pagkain sa aking harapan. A scrambled egg, a toasted bread, a vanilla flavored coffee, and ripe sliced bananas. Kahit ang simpleng galaw na iyon ay nagiging maingat siya. He never spoke to me since yesterday. He closed his mind link and his face is stoic and hard. Hindi ko malaman kung ano ang iniisip niya ngunit sa paraan ng pagtitig niya sa'kin ay alam kong malalim iyon.

"I brought your breakfast in here." He said with a drained voice. Ang kanyang walang-gana na boses ay taliwas sa kanyang matigas na katawan. Umagang-umaga ay wala na ang pag-itaas na saplot nito sa katawan, siguro'y pinagpawisan sa pagluluto. Napanguso ako dahil sa kanyang inaakto. I know, it was my fault. It's the most ridiculous idea I ever had but I want it. Hindi ko maintindihan. Siguro nga ay hindi pa ako tuluyang gumaling mula sa naging labanan kahit na dalawang linggo na ang nakalipas. O 'di kaya ay masama na ang naging epekto nito sa'kin kaya ako nagkakaganito.

The Alpha's Mate (Alphas of Lair Series #1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang