Chapter Eight: Revelation

39.8K 1.1K 34
                                    

Nang makapagpahinga nang kaunti ay nagpasya silang umuwi na. I told them I have to buy something at a nearby store and they let me. Walang nagtanong kung nasaan ang bahay ko o kung may sasakyan ako pauwi. Nagpaalam silang mauuna na dahil malayo pa ang uuwian.

I bid them good bye, without looking at Duke. Kahit na nararamdaman ko ang mga mata niya sa akin, I didn't throw him a glance. Pakiramdam ko'y mababasa niya ang kung anong nasa utak ko dahil sa paraan ng pagtitig niya sa akin. I don't want that to happen, and I don't want the feeling he's giving me.

It's true, though. I went to buy food supplies. Nang nasiguro kong nakalayo na ang grupo ay bumalik ako sa sasakyan at dinala iyon malapit sa pagbibilhan. I never did groceries, kaya naman panay ang tawa ni Gesa nang sinabi ko iyon pagdating sa bahay.

"I don't know you!" she exaggerated her reaction. Umirap ako at ipinagpatuloy ang pagkain. I saw her typing something on one of her devices but I didn't ask any updates about the events.

Pinanood niya akong kumain habang abala siya sa trabaho. Sometimes, I think her job is more tiring than mine. It's one thing to do physical tasks but the mental work for a whole day is just never for me. She can do what I do but I can never perform hers.

Nagpaalam kami sa isa't isa pagkatapos ng isang oras. Nagpasya akong lumabas sa gabing iyon din. I was tired from the window shopping but I suddenly felt the need to be distracted.

Sinigurado kong nakasarado ang bahay bago ko isinuot ang itim na guwantes. I breathed for few times before leaving the place. From small steps to running as fast as I could, the cold breeze of the night air hits me as I go deeper into the forest. Gamit ang ilaw mula sa buwan, tinahak ko ang daan patungo sa naisip na lugar.

Of all the places I could look for, the school captures my interest the most. Hindi ko alam kung dahil ba sa madilim na mga silid, sa kakaibang pakiramdam, o dahil nandito ako buong araw kaya't nakasanayan na lang.

Mabilis ang aking paghinga nang mapalayo. Mula sa kinaroroonan ay nakikita ko na ang ika-apat na palapag ng gusali ng paaralan. I wasn't there yet but my timer says I'm thirty seconds late already.

Nang makabawi ay nagpasya akong tumuloy. Ngunit bago pa man makalayo ay ay nakarinig na ako ng mga yapak sa paligid. Napatigil ako at pinakiramdaman iyon. At first, I thought it was the wolves, but when I heard voices, I knew there's something going on.

Dali-dali akong umakyat sa sanga ng puno upang tingnan kung sino pa ang nasa pusod ng kagubatan sa ganitong oras. I can hear whispers not far from my spot but the sound of dancing leaves doesn't make the conversation clear to my ears.

Maya-maya pa ang napansin ko ang anino sa hindi kalayuan. There I saw two figures that seemed to be talking. Muli akong napatingin sa ibaba at nakita sa malayo ang dalawa pang pigura ng lalake malapit sa kalsada.

Nagtagal ang dalawang pigura na mas malapit sa akin. Judging by their height and stance, I can assume they are both women. I managed to read the movement of their lips through mouth-reading. Ang mga salitang kanilang binanggit ay "gabi ng camp" at "gamot".

It didn't make sense to me even though one of them already left. Tinungo nito ang daan papunta sa kalsada habang ang isa naman ay naglakad patungo sa ibang direksyon.

I was tempted to check the first one but when I heard the engine of a car, I knew the chance of going after them is impossible.

After a minute, I decided to follow the other one. I kept my distance until I saw her near the other side of the road. Palapit ito sa isang motor nang maabutan ko. Her hair is somewhat familiar to my eyes. Pilit kong inalala kung saan ko ito unang nasilayan pero walang pumapasok na imahe sa aking utak.

The Alpha's Mate (Alphas of Lair Series #1)Where stories live. Discover now