Chapter Twenty-Four

31.4K 1K 13
                                    

The Alpha's Mate at the 55th spot on Werewolf. Plus, it is included on the "What's Hot" list. I am speechless! Hindi ko inakalang aabot ito sa mahigit 700 reads at 90+ votes. Pero, salamat sa lahat-lahat! I hope you will continue to read this and my upcoming stories.

Thank you, wolfam!

***

"I am sorry.", ani Karleen habang ginagamot ang sugat na ginawa ni Ylva sa'kin. Aniya'y wala silang ibang maisip na paraan upang umuwi si Duke. Hindi ko alam kung paanong gumana iyon ngunit wala na akong pakialam pa.

Dumating si Lara sa sala bitbit ang isang tray. Agad kong naamoy ang bagong timplang kape mula doon. Nakasunod sa kanya si Vil dala ang mga pancakes. Tahimik nila itong inilapag sa lamesang nasa harapan namin ni Karleen.

"Wait.", pagpipigil ko sa kanya bago pa man niya ito lagyan ng bandage. Inilabas ko ang green pill mula sa aking bulsa at pinatakan ang sugat. I felt the smarting pain as the liquid reached the wound. Ang mainit na likido ay naging malamig pagkatapos nitong marating ang kailaliman ng sugat. Pagkatapos ay tuluyan itong binalot ni Karleen gamit ang gauze pad.

"So, what brings you in here?", tanong ni Ylva sa'kin. Nabaling sa kanya ang atensyon ko. Nakahalukipkip ito habang nakaupo sa silyang katapat ko. She's the mini-version of Duke. Proud, arrogant, fierce. Nahihimigan ko parin sa kanyang boses ang pagkairita. Karleen explained to me earlier that Ylva, well she said it wasn't hate, she was disappointed because I made his brother run away from home. Simula kasi nang makita ako ni Duke sa pamilihan ay hindi na ito umuwi sa kanila, at dahil iyon sa'kin.

Nalaman ko rin na malapit sina Duke at Ylva sa isa't isa. Kaya't ganoon na lamang nairita sa'kin ang kanilang bunsong kapatid. I don't know why, but I can't even understand. Why would Duke ran away from their home just by seeing me with Theron?

Ngayong nandito na ako at nagtanong sila kung bakit, hindi ko alam kung paano ko iyon ipapaliwanag sa kanila. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula sa pagpapaliwanag. All I know is that, they need to know this.

"I thought Duke was kidnapped.", maikling paliwanag ko habang nakatingin sa grupo. Nanatili silang tahimik. Si Vil ay nakatayo sa gilid ng kanyang nobya. Napatingin ako kay Duke na tahimik na nakasandal sa dingding habang pinapanood ako.

"But, he's here.", naguguluhang pahayag ni Lara. Iyon din ang tanong ko magmula nang nakita ko si Duke. Ngunit kung nandito siya, sino ang nakuha ng mga tauhan ni Dr. Alvarad?

Nagsimula akong magkwento tungkol sa aking narinig. Pinili kong hindi banggitin ang tungkol sa sikretong laboratoryo ng dating paaralan at tanging ang pagdukot lamang sa Alpha ang aking sinabi. I think, if I will tell them two things right now, it will just confuse them.

"Baka naman nagkamali sila ng dinukot?", tanong ni Vil sa'kin. Palaisipan iyon sa'kin, pero base sa aking narinig ay nakumpirma ito ng registrar. The registrar I was talking about is the first school official I met when I first stepped at my former school. Kung ganoon ay kilala niya si Dr. Alvarad, at hindi malabong alam niya rin ang tungkol sa secret laboratory.

"Hindi kaya, akala nila ay hindi pa Alpha si Kuya Duke?", biglang singit ni Ylva sa usapan. Nabaling sa kanya ang atensyon namin. Nakasentro ang mga mata nito sa sahig at tila ba nag-iisip ng malalim. She's really Duke's sister. I am shocked at how she made such theory, despite her bratty attitude and her age. But, what does she mean by Duke not being the Alpha?

Napaayos ng tayo si Duke habang nakatitig sa kanyang bunsong kapatid. Naramdaman ko ang pag-iiba ng temperatura sa paligid. Maging si Karleen ay napahigpit ang paghawak sa bulak na kanyang ginamit sa'kin. Agad itong umalis sa aking tabi at dumeretso sa kanilang telepono.

"Fuck! Hindi sila sumasagot!", sigaw nito habang patuloy ang pagpindot sa telepono. Pagkatapos ng ilang segundong pagtawag ay padabog niya itong ibinalik. Naging mabigat ang paghinga nito ganoon din si Ylva. Maging sina Vil at Lara ay naging matigas ang ekspresyon sa mukha. Bago pa man ako makapagtanong ay tatlong katok sa pinto ang bumasag sa aming katahimikan.

Si Vil ang nagpresentang magbukas nito. Tumambad sa amin ang tatlong pamilyar na babae. Mula sa aking pwesto ay kita ko ang kanilang mga mukha ngunit dahil sa natatakpan ako ni Vil ay hindi nila ako nakikita.

"Beta...", dinig kong binaggit ng mga ito. Tumango si Vil sa kanila at nilakihan ang awang ng pinto upang papasukin ang mga ito. Nang tuluyang makarating sa sala ay agad nabaling sa'kin ang kanilang mga paningin. I saw how their eyes flicker as they stared at me for a second. Naputol lamang iyon ng dinaluhan sila nina Lara at Karleen. Napaupo ang mga ito sa sahig habang nakasapo sa kanilang mga ulo, tila ba'y pagod na pagod ang mga ito.

Hinubad nina Karleen ang jacket ng tatlo. Narinig ko ang pagshingap ni Ylva dahil sa nakitang kalagayan nina Mela. Puno ng sugat ang kanilang braso. Doon ko lang napansin ang maliliit na sugat sa kanilang mukha. Ang ibang parte ay may bahid ng preskong dugo samantalang ang dugo sa kanilang mga mukha ay tuyo na, indikasyon na kanina pa ito nasugatan.

"Where's Mom?", tanong ni Ylva kay Audrey. Ang kaninang matigas na tono nito ay napalitan ng panlalambot at tinig ng pagmamakaawa. Walang naging sagot si Audrey, bagkus ay si Hansel ang naglakas-loob na sumagot sa kanya.

"Patawad, young lady. Marami sila. Hindi namin inaasahan ang kanilang pagdating.", pagpapaliwanag nito gamit ang pagod na boses. Napadaing ito ng kaunti ng dampihan ni Lara ang malaking sugat sa kanyang braso gamit ang bulak na isinawsaw sa alcohol.

Maya-maya pa ay narinig ko ang mahinang paghikbi ni Karleen habang pinupunasan si Mela sa kanyang binti. Maging doon ay nagkaroon ng sugat. Nanatili akong tahimik habang nakikinig sa kanilang kwento. I stared at Karleen as she silently wipe her tears off her face. I thought, she wasn't capable of feeling the negative things. Simula ng makilala ko siya, ay palagi itong positibo sa lahat ng bagay. And it feels odd to see and hear her cry. Parang hindi siya ang kilala kong Karleen na malakas mambara at palangiti.

"This is my fault! Kung hindi na sana ako umalis sa bahay ay hindi nila makukuha sina Ina!", ani Ylva habang nasasapo ang kanyang mukha. She's frustrated. Ang kalmado nitong tindig ay napalitan ng kaba. Pabalik-balik ang paglalakad nito sa tabi ng sugatang kasama.

"Vil, kargahin mo na sila patungo sa bakanteng kwarto.", pag-uutos ni Lara kay Vil. Tumango ito at isa-isang kinarga ang tatlo upang iakyat sa hagdan. Base sa kanilang kondisyon ay malalakas nga ang mga taong sumalakay sa bahay ng mga magulang nina Duke. Sa tingin ko'y matatagalan sila sa pagpapagaling. Sinundan ko ng tingin si Vil habang paakyat sa hagdan at karga si Hansel. Hindi ko alam kung ano ang dapat gawin ngunit may hinala na ako kung sino ang kumuha sa kanila.

And I swear, I don't know what can I do once I find them.

Nanatiling kalmado si Duke sa gitna ng pangyayari. I don't know if that is included in his concentrating tactics or he's confused. Naramdaman nito ang pagtitig ko sa kanya dahilan kung bakit ito napalingon sa'kin gamit ang pagod na mata. But even though his eyes are tired, I can still see things behind it. Wrath. Fear. Revenge. Nakuha pa nitong ngumisi sa'kin.

"Let's get to bed. Dad is strong. Mom is a smart woman. Alam ko at ramdam kong nasa maayos silang kalagayan ngayon.", tahimik na sambit ni Karleen habang nagliligpit ng ginamit nila ni Lara sa paggagamot.

Halos isang oras narin ang lumipas ngunit gising na gising parin ang diwa ko. I blankly stared at the ceiling as I lay my back at the comfortable bed. Ang pag-ihip ng hangin sa mga dahon ng puno at huni ng tipaklong ang tanging maririnig sa paligid. Ang ilaw ng buwan ay malayang nakakapasok sa silid kung saan ako pinatuloy ni Karleen upang magpahinga. Ngunit kahit na komportable ako sa aking higaan ay hindi ko magawang pumikit. Maybe because I am still in my hunter outfit.

Nagpasya akong tumayo at maligo sa banyo ng kwarto kahit na mag-aalas kwatro na ng umaga. I let the cold water drip into my head. Umagos ito papunta sa aking mukha at pababa sa katawan. I stayed still for few minutes, feeling the freezing temperature of the water and the air. I gently combed my hair using my hands as I think of one thing that has been hitting my head. Pagkatapos ng ilang sandaling pagbabad sa tubig ay nagpasya akong lumabas ng nakatuwalya lamang. Hinalughog ko ang aparador ng kwarto at nakita ko doon ang isang pajama at puting sando. I grabbed and used it for the night.

Habang nagpapatuyo ng buhok gamit ang damit ay nabaling sa lamesa ang atensyon ko. I don't know if this will work but I guess I need to call him.

After all, he's my partner.

The Alpha's Mate (Alphas of Lair Series #1)Kde žijí příběhy. Začni objevovat