Chapter Eighteen

33.1K 1K 29
                                    

It's been two weeks since that incident happened. Dalawang linggo na rin ang lumipas nang huli ko silang makita. I've been searching the town for nights. It is peaceful and calm.

Tatlong araw na rin simula nang makarating ang balita sa mga tao ng Winston ang nangyari sa camp. Kaya naman kahit takip-silim pa lamang ay wala ng anino ng tao ang nasa kalsada. They've been more careful than the past. Kahit sa umaga ay kakaiba ang kanilang katahimikan.

Naputol ang aking pag-iisip nang marinig ang pagtunog ng telepono sa sala. Tumayo ako mula sa kama at tumungo doon. Sinagot ko ang tawag at narinig ang boses na ilang araw ko ring hindi napapakinggan.

"Gabriella...", mahinang pagtawag sa'kin ni Gesa. Nanatili akong tahimik at hinintay ang kanyang sasabihin.

"What happened?", tanong nito sa'kin. Papasagot na ako nang dugtungan niya ito.

"What happened to you?", aniya. Mariin kong itinikom ang aking bibig. Alam ko ang ibig niyang sasabihin at natatakot ako na hindi masagot ang tanong na iyon, sapagkat sa sarili ko mismo ay naguguluhan ako.

"Ang sabi ni Alice ay hindi mo pa raw napapatay ang Alpha. Bakit?", muli niyang tanong.

"Nahihirapan ako.", maikling sagot ko sa kanya. Nanatili itong hindi nagsasalita.

"That's impossible. Ikaw ang nag-iisang assassin ng Trevino. Hindi ka kailanman nahirap sa ibinagay na misyon sa iyo. You've been doing this for almost ten years. Bakit ka nahihirapan ngayon? Ba't hindi mo mapatay ang Alpha ng Winston? Why can't you kill Duke?", mahaba nitong linya. I was caught offguard. I can't even utter a single word. Matagal ko na itong tanong sa sarili ko. But it's different when other asks it.

Why can't I kill Duke?

"I want it to be precise. I want my moves to be accurate and perfect, Gesa. I only have one chance. Ayokong magpadalos-dalos.", pagdadahilan ko sa kanya.

"I hope it is the real reason.", sagot nito at ibinaba ang tawag. Napatingin na lang ako sa teleponong aking hawak at dahan-dahan iyong ibinaba.

What's wrong with you, Gabriel?

Masyado akong ginulo ng mga tanong ni Gesa. Pinilit kong matulog ngunit buhay na buhay ang utak ko dahil sa mga tanong na iyon. I've never been this confused my whole life when it comes to killing. Mula pa noon ay ipinangako ko sa sarili ko na mamumuhay ako sa pagiging hunter. I've made a promise to myself that I am going to kill wolves no matter what happens - that I'm getting the revenge I want.

Napatingin ako sa orasan na nasa ibabaw ng mesa. Alas dose na ng gabi ngunit dilat na dilat pa rin ang mata ko. Tumayo ako at binitbit ang tasang nagamit ko sa pagkakape. Nagtungo ako sa kusina upang hugasan iyon at maghilamos. Ibinalik ko ang tasa sa hanging cabinet at nakita ang pamilyar na likido.

Kinuha ko ang pulang likido na napulot ko noon. It still sparkle and shines like how I've seen it for the first time. Isa ito sa dahilan kung bakit hindi ko magawang umalis nalang ng Winston. I've found the same pill that killed my mother. Hindi ko pa man ito napapatunayan ay nararamdaman kong isa ito sa dahilan ng pagkamatay ni Ina.

I've known her as a brave and smart warrior. Kahit na noong naglalaban sila ni Papa para sa training ay naiisahan niya ito gamit ang kanyang talino. Papa has the skills of being a hunter. After all, he's a Trevino. Pero iba ang likas na katalinuhan ni Mama. Naaalala ko pa noong minsang napatumba niya si Papa sa kanilang training isang hapon sa bakuran namin. She combined her skills and wit, thus making Papa fall into the ground.

Nakapagtataka lamang kung bakit nakita ang likidong ito sa kanyang dugo nang siya ang mamatay. Did she killed herself? Did someone inject this pill to her?

Iniling ko ang aking ulo. Marami ng mga tanong ang nabubuo ngunit ni isa, hindi ko mahanapan ng sagot. Siguro'y tama na muna ang pag-iisip ko ng mga sagot patungkol kay Duke.

Nagpasya akong lumabas nang pumatak ang ala-una ng gabi. Inisuot ko ang aking jacket at inilagay doon ang pulang likido. Napansin ko rin ang maskarang matagal ko ng hindi nagamit. It was a black mask that covers my eyes with an embroided name and symbol of the Trevino Clan of Hunters on the right side of it. May kulay ginto itong parte sa gitnang bahagi. Isinuot ko iyon at tuluyang lumabas ng bahay.

The cold air welcomed me as I walk between the trees. The smell of clean and leafy surroundings enveloped my nose as I roam around the place. Matagal na rin simula ng huli akong napadpad sa lugar na ito. Mas lumago ang mga damo at mas dumilim ang paligid. Ang huni ng aking pagtapak sa mga tuyong dahon ang tanging maririnig. The place is dark and quiet. Above me are the leaves of tall tress covering the land. Behind it is the moon that glows on the dark sky.

Napatigil ako sa isang lugar at napatingin sa aking likod. Kahit madilim ay alam kong nakikita ko ngayon ang building ng paaralang minsan kong pinasukan. The one that created Dianne Navarro. The school that once became part of me.

Nagpasya akong magpatuloy sa paglalakad hanggang sa marating ang parteng plano kong puntahan. Ito ang lugar kung saan ko unang nakita ang pulang likido at ang dalawang taong nasa likod ng negosasyon na iyon. I climbed at one of the trees which has the precise view of the place. Hindi ko alam ngunit may nagtutulak sa'kin na pumunta dito. I may be wasting time but this is for my Mom. Ika nga niya, I should trust my first insticts.

Ilang minuto pa akong nakaupo sa sanga ng puno nang makarinig ako ng mga munting yapak mula sa hindi kalayuan. I alerted my senses as the steps became clearer. It seems like it's approaching my point. Napatigil ako nang marinig ang pagtigil ng taong iyon sa mismong punong kinalalagyan ko.

Anong ginagawa niya dito sa ganitong oras?

Naka itim na t-shirt ito at itim na pantalon. Tamad na nakapasok ang kanyang mga palad sa bulsa ng kanyang pantalon habang nakatanaw sa malawak na lupain sa kanyang harapan. Tinatangay ng hangin ang kanyang natural na magulong buhok. He's standing with all the authority of an Alpha. I wonder how that messy hair suits him well - his looks, his aura, his personality.

Nagpakawala ito ng buntong hininga at umupo sa lupa. Nakatukod ang kanyang siko sa kanyang tuhod. Nakayuko ito at nanatiling tahimik. Napatingin ako kung saan siya nagmula. It's the other way where I came from. Ngunit kagaya ko ay mag-isa lang ito.

I watched him doing unnecessary things, like throwing stones, picking the leaves, playing with the small branches of trees. Mabuti na lang at naisipan kong gumamit ng red pill kanina. Kung hindi ay malamang kanina niya pa ako naamoy. He's sitting right below to the branch where I've found my spot. And I don't know how to respond once he will see me.

The moonlight illuminated on his face. I saw how his eyes sparkle on it, how the silver light striked his dark pitch lenses. His perfect brows that matches his broad and dark eyelashes are capturing. Hindi ko mapigilang mapatitig doon. Even his creased brows defined his self. His pointed nose and reddish lips that's always been his asset. His tongue made a way out of his mouth, slightly damping his lips with it before mindlessly bitting it.

Napahawak ako sa aking dibdib nang maramdaman ang pamilyar na pitik nito. The familiar beat that only happens when Duke is around. Hindi ko alam kung paano niya iyon nagagawa sa tuwing malapit siya o dumadaan.

I grip at my jacket when my heartbeat became faster. Nakakakaba ngunit may ibang pakiramdam itong idinudulot sa sistema ko. The feeling that I am secured and guarded. And I don't have any idea how can I feel that way whenever Duke is around.

Napatingin ako sa kanyang kinauupuan at nakita ang pagkunot nito ng noo. Mabilis ang pagkurap ng kanyang mata. Naglibot ang kanyang paningid sa paligid at dahan-dahang napatayo. What he said next made my whole body became stiff.

"Dianne..", bigkas nito sa malamig at pagod na boses.

The Alpha's Mate (Alphas of Lair Series #1)Where stories live. Discover now