Chapter Forty-Three

28.4K 806 24
                                    

We left the house after one more hour. We thought it's better to leave the place in daylight than to travel the woods at night. Hindi pa kami nakasisiguro kung umalis na nga ang pangkat ni Marcus.

Panay ang pag-irap sa'kin ni Duke habang naglalakad kami palayo. I find it ammusing. Hindi ko alam kung may nagawa ba akong kasalanan sa kanya pero sa tingin ko ay napipikon lang ito sa pagngisi ko sa kanya.

"Stop staring, Dianne.", aniya. Naglalakad ito at nakasunod ako sa kanyang likod. Pinigilan ko ang pagkawala ng tawa mula sa'kin. Ganoon ba kalakas ang kanyang pakiramdam? Can he even feel I'm really staring at him or he's full of himself? Siguro'y nakakunot na naman ang noo nito. I could almost imagine his creased brows.

"I'm not staring.", sagot ko sa kanya kahit na ang totoong sa kanya lang ako nakatitig magmula pa kaninang umalis kami ng bahay. Pilit nitong iniiwas ang tingin sa'kin ngunit parati rin na nabibigo. His eyes always find its way back to see me. Kahit hindi niya iyon aminin ay alam kong siya itong hindi makapagpigil na tumingin sa'kin.

Hindi na ito sumagot. Tahimik kaming naglakad hanggang sa madaanan namin ang eskwelahan. Napatigil ako nang makita ang paglabas ng ilang estudyante mula doon.

"Akala ko ba sarado na 'to?", tanong ni Vil. Tahimik kong pinagmasdan ang paligid. Nagmistula itong ordinaryong araw para sa lahat. Wala namang kakaibang mga galaw sa mga estudyante maging sa paligid. I inhaled the air and recognized it is fresh. Wala itong halong anumang kemikal. Natural ang lahat at tila ba nabura sa isip ng marami ang nangyari sa camp. But again, is that even possible?

"Let's continue walking.", ani Duke. Hindi ako gumalaw upang sundin siya.

I can't convince myself to leave knowing that the school is re-opened. Agad kong naisip ang sikretong laboratoryo sa loob. If the school opened, then there's a big chance that someone is running it from behind.

"Duke, alam ba ng ama mo na nagbukas ulit ito?", tanong ko sa kanya. Nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang pag-iling nito. Humarap ako sa kanya at agarang nagdesisyon.

"We need to stay.", ani ko. Nagtinginan ang dalawa dahil doon. Nakita ko ang pagtango ni Duke kaya't agad kong ibinalik ang tingin sa eskwelahan.

A familiar girl walked from the inside. Agad ko itong namukhaan. It was the same girl I met at the camp, the one who's allergic to nuts. Hinitay ko itong makalayo mula sa gate bago sinundan.

I grabbed her shoulders and immediately covered her mouth with my hands. I hushed her for some seconds and then she calmed. Hinarap ko ito at ankita ang pagtataka sa kanyang mukha.

"Do you still remember me?", I asked her. Napakunot ang noo nito at tila ba inaalala kung saan ako huling nakita.

"I was with you in the camp.", dagdag ko. Agad umaliwalas ang mukha nito dahil sa narinig.

"You were not drugged?", tanong nito sa'kin sa maliit at maingat na boses. Naguluhan ako dahil doon. Nang siguro'y nakita na hindi ko nakuha ang kanyang ibig sabihin ay kinaladkad ako nito upang magtago sa isang puno.

"All of the survivors were drugged except me.", she started narrating. Gumalaw ang sanga ng puno dahilan ng paglaglag ng mga tuyong dahon. Napaangat ako ng tingin at nakita sina Vil at Duke na prenteng nakaupo sa mga sanga nito. I saw Vil saluted me, too. Umirap na lang ako at ibinalik ang tingin sa babae.

"What do you mean 'drugged'? Anong klaseng gamot?", tanong ko sa kanya. Napatingin ito sa paligid na tila ba nag-iingat.

"Hindi ko alam. Basta when they got all of the survivors returned to the school, may pinasabog silang usok. Lucky me 'cause I wasn't in the grounds that time. Ang nakita ko na lang ay kumalma sila at... they act like they were out of their minds.", pagpapaliwanag nito ngunit parang siya rin ang naguguluhan.

The Alpha's Mate (Alphas of Lair Series #1)Where stories live. Discover now