Chapter Fourteen

34.4K 1.1K 102
                                    

I was drinking coffee when Karleen got out of the tent. Nag-unat siya at napatingin sa pwesto ko. Ngumiti siya sa'kin bago lumapit.

"Aga na'tin ah?", aniya sa paos na boses. Nagsalin siya ng tubig sa baso at uminom. Nanatili akong walang kibo at tumitig lang sa aking kape.

Alas singko pa lang ay gising na ako. Or did I even sleep? I don't know. I feel like I'm awake all the time. Gustong matulog ng katawan ko pero hindi ko maramdaman ang pagod.

Kagabi nang makapasok ako sa tent, naramdaman ko ang mga yapak sa labas. Like someone's guarding or roaming around the place. Ang paisa-isang yapak ay naging dalawa hanggang sa dumami ang mga ito. Napatingin ako kay Karleen pero nanatili itong nakapikit. Imposibleng hindi niya ito maramdaman. Or is it only me?

Sumilip ako sa bintana ng tent, nagbabakasakaling makita ko kung sino ang mga iyon. And there I saw a group of teachers few steps away from the stage. Napakunot ang noo ko ng makita ang isang miyembro ng faculty. She's here all the time? Ngayon ko lang siya nakita.

Nakita ko ang iniabot nitong bag sa isang guro. Lumingon-lingon ito sa paligid na tila ba tinitingnan kung may nakakita sa bag. Pagkatapos ng ilang segundo ay naglakad ito paalis ng camp site. The light illuminated on her face. Kahit na naka-shades ay alam kong siya iyon. But what is she doing here at the middle of the night?

"Hey, are you listening?", tinapik ako ni Karleen sa balikat. Nabaling sa kanya ang paningin ko. Nakapameywang ito sa harapan ko at hawak niya ang kanyang walang lamang baso. Umiling ako saka uminom ng kape.

"What I am saying is, dapat sama-sama tayo sa paghahanap. Hindi iyong nang-iiwan kayo ni Duke.", aniya. Napakunot ang noo ko dahil doon. Hindi ba siya ang nang-iwan sa'min?

Magkasunod na lumabas sina Vil at Lara mula sa kanilang tent. Mukhang hindi rin nila namalayan ang mga yapak kagabi. But I am sure of what I've heard and what I saw. Ako lang ba talaga?

"Good morning, love birds.", ani Karleen sa kanila. Tahimik na lumapit ang dalawa sa'min. Kumuha si Lara ng baso at nagsalin ng tubig doon bago uminom. Napangisi naman si Vil kay Karleen at ginulo ang buhok nito.

"Don't give me that smirk, Vil. Inosente ako.", ani Karleen. Lara glared to the both of them bago padabog na umalis. Ok, what is happening?

"Pagod.", maikling pahayag ni Vil at itinuto si Lara na naglalakad patungo sa kakahuyan. Karleen made a disgusting face habang tinawanan lang ito ni Vil. I sipped the last drop of my coffee. I think I had enough. Gising na gising na ang katawan ko.

Napatingin ulit ako sa stage. May mga guro na naghahanda ng mga inumin sa isang lamesa, tingin ko ay kape. Now, I'm wondering where is she? Sinandya niyang hindi siya makita ng kahit sino. And I guess I am the only one who saw her last night.

Pagkatapos mapuno ang tatlong lamesa ay narinig namin ang pagtawag ng mga ito sa mga estudyante.

Lumapit kami sa stage kasama ng ibang estudyante. Hindi pa rin bumabalik si Lara at hindi ko pa nakitang lumabas si Duke mula sa kanyang tent.

"Good morning everyone.", pagbati ng isa sa kanila. "The activity will resume this morning. May isang itim na bandera kaming itinago dito sa lugar. The first group to bring it back will be the winner.", dagdag nito.

Agad na nabuhayan ang mga ibang grupo dahil doon. Ibig sabihin wala ng halaga ang nakuha naming flag kagabi. Napatingin ako sa banderang hawak ko. Hindi kaya...

"But first, let us give our stomach something hot.", ani ng guro. Nagsimulang magbigay ng inumin ang mga iba sa kanila. The students willingly took the cup of coffee. Lumapit sa'min ang isang tagapag-silbi. I recognized her face immediately. Isa siya sa mga trabahador sa canteen.

Una niyang iniabot sa'kin ang isang baso. Sumunod ay binigyan niya rin si Karleen na nasa tabi ko lang.

"Thanks!", ani Karleen bago umalis ang babae. She was about to sip the coffee but I hold her hand.

"What?", tanong nito sa'kin. Muli kong inamoy ang ibinigay na kape. I love coffee. I've been drinking it since who-knows-when and I know the real smell of it. Alam ko kung may creamer ito, asukal o purong kape. Alam ko rin kung may halo itong ibang sangkap.

Kinuha ko ang kape ni Karleen at agaran siyang kinaladkad papunta sa aming tent.

"What? Wait, Dianne.", aniya pero hindi ko siya pinakinggan. Nakarating kami sa mga base at nakita ko ang paglabas ni Duke mula sa kanyang tent. For some seconds, he coldly stared at me. Hindi ko siya pinansin at agad na hinanap ang ang basurahan. Itinapon ko ang mga kape doon. Shock was written in Karleen's face. I grabbed my notebook and wrote.

"Lara and Vil?", pagbasa ni Karleen doon. Nang makuha ang ibig kong sabihin ay agad itong nagkibit-balikat. I returned to our tent. Agad kong kinuha ang baril na ibinigay sa'kin ni Theron. Inilagay ko iyon sa loob ng aking jacket kasama ng kutsilyo ko.

Lumabas ako at tiningnan ang paligid. Nakatingin parin sa'kin sina Karleen at Duke gamit ang kanilang nagtatakang mga mata. Hinanap ko sina Vil at Lara sa gitna ng mga estudyante ngunit bigo akong makita ang dalawa.

"Look for Vil and Lara.", sulat ko sa notebook na binasa naman ni Karleen. Hindi ito gumalaw, dahil narin sa pagtataka. Binitawan ko ang notebook at dali-daling pumunta sa mga estudyante.

Nakita ko ang babaeng tinulungan ko noon sa kanyang tent. Nakaupo ito sa isang silya at tahimik na nagmamasid. Maya-maya ay nilapitan siya ng isa sa mga nagbibigay ng kape. Tiningnan ko ito habang umiiling ang babae.

"I am allergic to nuts. Hindi po ako umiinom ng kape.", aniya. Iniwan siya ng tagapag-silbi at ibinigay ang kape sa ibang estudyante.

They don't know...

"Dianne!", sigaw ni Karleen mula sa kanyang lugar. Napatingin ako sa kanya at nakitang itinuturo nito ang isang direksyon. Sinundan ko ito at nakita sina Lara at Vil na naglalakad galing sa kakahuyan. Agad ko silang nilapitan.

"Oh, saan ka pupunta?", bungad sa'kin ni Vil. Napatingin ako sa hawak nitong baso. Agad kaming dinaluhan ni Karleen hawak-hawak ang notebook at ballpen.

'Uminom ka ng kape na ibinigay nila?' sulat ko at ipinakita iyon sa kanya. Napakunot ang noo niya habang nakatingin sa'kin.

"A little, hindi ko pa nga nauubos.", sagot nito sa'kin. I immediately grabbed his bottle. Itinapon ko iyon habang walang nakakakita sa'min. Gulat na napatingin sa'kin ang tatlo.

"What the hell?!", ani Vil ng makitang natapon ang hindi nito naubos na kape. Nabaling sa'kin ang paningin niya at nakita ko doon ang pagkainis.

Naglakad ako papunta sa camp site. Naabutan ko ang nagtatakang tingin ni Duke sa'kin. Hindi ko iyon pinansin at dali-daling hinalughog ang gamit ko sa loob ng tent. Nang makita ang green pill ay agad ko itong inilagay sa aking bulsa. Lumabas ako at nakita ang apat na naghihintay sa'kin.

"Anong nangyayari sa'yo, Dianne?", tanong ni Karleen sa'kin. Napatingin ako kay Vil at nakitang wala namang pagbabago sa kanya.

"Students, the search for the black flag starts now!", sigaw ng guro mula sa harap. Napatingin doon sina Lara. Agad na nagsikilos ang mga estudyante papunta sa gubat. Nanatili akong nakatayo habang nagmamatyag sa paligid. And there I saw shadows behind the trees.

I turned my back to the group. Naglakad ako upang sundan ang mga anino sa gubat.

"Can you tell me what is happening with you?", inis na sabi ni Lara sa'kin. Napatigil ako at bumaling sa kanya. Naghihintay ang apat ng sagot. But I can't waste time. Anumang oras ay mag-iiba ang ihip ng hangin.

"Your boyfriend was drugged.", I coldly answered before chasing the shadows.

The Alpha's Mate (Alphas of Lair Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon