Chapter Thirty-Nine

29.7K 1K 117
                                    

Nagising ako dahil sa mga mahihinang bulong sa paligid. Unti-unti kong ibinuklat ang aking mga mata upang tingnan kung sino ang mga iyon. Tumatagos ang sinag ng araw mula sa mga bintana papasok sa kwarto. Inilibot ko ang aking paningin nang tuluyang maging klaro iyon. Isang pamilyar na silid ang unang bumungad sa'kin bago ko naaninag ang mukha ni Duke sa pintuan. His arms crossed in front of his broad chest as he directly stare at me. The sun shines straight at his face, making his eyes glitter because of it. Nasa tabi nito ang kapatid na si Ylva. Tahimik na nakatingin sina Lara at Vil sa'kin habang nakangiti naman si Karleen.

Hinintay ko silang magsalita ngunit nanatiling walang kibo ang lima. Sinubukan kong bumangon ngunit agad na kumirot ang aking sentido dahil doon. Agad na kumilos si Duke upang daluhan ako sa kama.

"What's wrong?", malumanay nitong tanong sa'kin. Napahawak lamang ako sa aking ulo habang pilit kinakalma ang pagkirot noon. My head is throbbing so hard and I felt my eyes sting when I open them. Pumikit ako ng ilang segundo dahil pakiramdam ko'y umiikot ang paligid.

"Here. Drink this.", ani Duke. Iminulat ko ang aking mataat nakita ang isang basong tubig mula sa kanya. Kinuha ko iyon ngunit inalalayan niya parin ako sa pag-inom. The dryness of my mouth disappeared the moment I gulped the water. Nakikita ko sa gilid ng aking mga mata ang pagtitig ni Duke sa'kin habang iniinom ko iyon.

"Isa pa.", I requested Duke and he quickly refilled the empty glass. Pagkapuno ng baso ay agad kong hinablot iyon mula sa kanya at dire-diretsong ininom ang tubig.

Mabilis ang aking paghinga nang maubos ko ang laman ng baso. Kinuha iyon ni Duke mula sa'kin at itinabi sa lamesa malapit sa kanya bago bumalik sa pagkakaupo sa kama. Nabaling sa kanya ang aking paningin at nakita kong nakangiti ito sa'kin. His expressive eyes darted to mine. Nagpalipat-lipat ang aking mga mata sa kanya at kina Vil na ngayon ay nakangisi habang nakatitig sa'kin.

"You feel good?", tanong ni Duke sa'kin. Napatitig ako sa puting kumot na bumabalot sa aking tiyan pababa. My mind is floating yet my body is tensed. Ang kalahati ng utak ko ay hindi alam ang gagawin ngunit ang kalahati nito'y gising na gising.

Sinubukan kong igalaw ang aking mga paa sa ilalim ng kumot. At first, I can't feel them moving but after some seconds, I feel my blood rushing down to my toes.

"I want to run.", naibulong ko habang pinapakiramdaman pa rin ang aking paa. Duke chuckled beside me so as the group laugh. Napatingin ako sa kanila at naguguluhan. Pakiramdam ko ay gusto kong lumabas. Hindi ko alam ngunit mula sa aking loob ay buhay na buhay ang lakas ko ngunit sa labas ay ramdam ko ang pagod at panghihina.

Sumandal ako sa headboard ng kama at pilit na inalala ang mga pangyayari. I remembered Solene telling me about my parent's death, I left the house and went to the woods. I remembered Duke followed me and everything after that became a blurry. Napakurap ako at napatingin sa kanya.

"What happened?", naguguluhan kong tanong dito. Bago pa man ito amkasagot ay nakita ko ang pagpasok ni Solene sa gilid. Agad na dumirekta sa akin ang kanyang paningin. Her soft and gentle eyes stayed at me for some seconds. Napakunot ang aking noo dahil sa kanyang inasta.

"Iwan niyo muna kami. Duke...", pagtawag nito sa kanyang anak ngunit hindi natatanggal ang tingin sa'kin. Naputol ang aming titigan nang maramdaman ko ang kamay ni Duke sa kamay ko. He gently stroke the back of my hand with his thumb before he brought it to his lips and softly kissed it.

"Bumaba ka kaagad pagkatapos.", aniya at tumayo mula sa kama. I watched him walk to join the group. Nauna itong lumabas at tahimik na sinundan ng apat, leaving Solene in the doorway.

"How do you feel?", tanong nito at dahan-dahang naglakad palapit sa'kin. Inayos ko ang aking pagkakaupo at napatingin sa kanya. Kahit nang makaupo ito sa aking tabi ay nanatili akong walang kibo. I remained quiet to observe my system.

The Alpha's Mate (Alphas of Lair Series #1)Where stories live. Discover now