Chapter Forty-Five

29.7K 821 65
                                    

"Concentrate!", Fabian shouted from afar. Napahigpit ang pagkapit ko sa mga basang damo sa lupa habang pinipilit gawin ang kanyang utos. I've been in a training for almost two days now. Ngunit tila ayaw makipag-usap ng lobo ko sa akin.

"Feel it from the inside, Dianne. Connect with your wolf. Talk to it and trust it.", dagdag naman ni Karleen. I turned my head in her direction and she gave me an encouraging smile. Nagbuga ako ng malalim na hininga bago muling pumikit.

I closed my eyes and concentrated with myself. Hindi tulad ng dati na sa paligid ako nakatutok. This is a different style, a new technique which is very foreign to my system. Kaya naman nahihirapan ako sa paggawa.

I breathed in and out, slowly and surely, as Fabian said. I could say that he's one-of-a-hell trainer, taliwas sa pagiging malamyos nito kapag si Solene ang kausap.

"I said concentrate!", his voice bombarded on my ears. Kahit ilang metro ang kanyang layo mula sa'kin ay masakit pa rin ito sa tainga.

I lost patience and decided to open my eyes. I saw Duke standing few steps away in front of me. Hindi ko siya lubusang maaninag dahil tumatama sa'kin ang sikat ng pang-hapon na araw. Kailangan ko pang takpan ang aking mata upang makita siya ng malaya. Naglakad ito palapit at yumuko upang lumebel sa'kin.

"How are you feeling?", aniya. Umiling lang ako dahil sa pagod. I've never been this exhausted before. Pakiramdam ko'y nanunuot hanggang buto ang sakit ng katawan ko.

"I'm drained.", sagot ko sa kanya. He gestured Vil to hand me a glass of water. Nang makita iyon ay saka ko pa lamang naramdaman ang matinding pagka-uhaw. I gulp the water immediately. Taas-baba ang aking balikat dahil sa paghahabol ng paghinga pagkatapos ko itong maubos.

"Maybe your wolf isn't ready.", he stated. Pagod akong umayos ng upo sa damuhan, hindi inaalinta ang duming kakapit sa'kin. I closed my eyes and tried to normalize my breathing. I want to freaking lay down and sleep but I need to do this. Hindi pwedeng ipagpaliban ko ito at maghintay na lamang ng kanyang paglitaw. Who knows, Marcus and his battalion is already moving? Ayokong mahuli ako kapag ganoon.

Duke's hands suddenly met mine. Napadilat ako at napatingin sa kanya.

"Free yourself. Feel like your floating. Eradicate all your thoughts, all of it.", utos nito sa'kin. For the nth time this afternoon, I heavily breathed out. Umayos ako ng upo ganoon din siya. He squatted in front of me and held both of my hands with his. He smiled, his pearl white teeth showing. Mas lalong nadepina ang kanyang mukha dahil sa kaunting sikat ng araw na tumatama sa kanyang balat. Nang pumikit ito'y nagsimula ko ng gawin ang kanyang utos.

Gaya ng sinabi niya ay hindi ko inalintana ang paligid. Isinantabi ko ang lahat ng kaisipang mayroon ako ngayon. I let my body feel the cold afternoon air as it brushes my skin. Unti-unti'y gumaan ang paligid. I felt my body floating and swaying with the direction of the air.

Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang pagsindi ng isang pakiramdam mula sa aking palad. The feeling is familiar. It was the same feeling I've felt the first time I saw Duke in their garden, like a volt that sparked. Kung noon ay nanggaling ito sa loob ko, ngayon naman ay tila nasa palad ko na lamang. I felt the volt moving in my palms, crawling all over my body. Para akong nakukuryente sa pakiramdam. The volt slowly enveloped my whole system. Tila nawalan ako ng kontrol sa sarili ngunit alam kong hawak ko parin ang utak ko.

Few more seconds and I felt a small growl inside of me. Gustuhin ko mang dumilat dahil sa pagkagulat ay hindi ko magawa. My body enjoyed the feeling of the tickling volt, it feels so foreign yet good.

The growl inside of me became louder. Ang madilim na paningin ay unti-unting nagliwanag na tila ba isang apoy. At first, it was dark red then it turned to orange and finally yellow. Napangiti ako nang makita ang isang lobo sa gitna ng dilaw na paligid.

The Alpha's Mate (Alphas of Lair Series #1)Where stories live. Discover now