STAR🌟3

3.8K 121 65
                                    


Alipin mo kahit hindi batid
Aaminin ko minsan ako'y manhid
Sana ay iyong naririnig
Sa iyong yakap ako'y nasasabik


Panibagong araw sa ilalim ng napaka-aliwalas na langit. Kakatapos namin mag jogging ni Sequi at nandito nanaman kami sa Rezvani niya, naka-upo sa hood at nakasandal sa wind shield. Nakaparada ngayon sa gilid ng pavement.


Ang tugtog ay galing sa loob ng sasakyan niya. Nakabukas ang mga bintana kaya rinig dito. Nakapikit ako at idinadama ang sarap ng ihip ng hangin. Pagod na pagod ako kaya ramdam na ramdam ko 'yong salitang pahinga.


I suddenly miss the days of my childhood. Ganito rin 'yon madalas kasama si Sequi. O kaya naman minsan ay mag-isa lang ako sa hood ng kotse namin at nakikinig sa mga opm songs kasabay ang tilaok ng mga manok. Hindi ko nga lang alam kung saan galing. Siguro ay dayo lang. Nakatakas sa Mang Inasal.


Hay, good old days.


Ikaw lamang ang
siyang aking iibigin.


Minulat ko ang mga mata ko at nakangiting tumingin kay Sequi na nakatitig nanaman saakin. Ulo niya lang ang nakaharap saakin habang  nakahiga sa sa mga palad niya na nasa likod.


"Bakit parang ang saya ng mga mata mo, ha?" I chuckled and faced him with my whole body.


Basang basa ang buhok niya kaya kung saan saan lang nakatutok ang magkakadikit niyang buhok dahil sa pawis. Parang 'yong mga na sa anime movies.


Pero ang bango pa rin niya. Ang mahal naman kasi ng pabango niya. Inaabsorb ata ng balat niya.



"They are always happy, Naia," he winked and faced the beauty of the morning sky. Pinanuod ko siyang pumikit at ngumiti.

"How about mine? Palagi bang masaya ang mga mata ko?"

Wala sa sarili kong tanong. Hindi pa siya nakakasagot ay may panibago nanaman akong tanong.

"Maganda ba ang mga mata ko, Seq? Sa'yo kasi ang ganda," seryoso kong tanong habang hinahawakan ang makurba kong mga pilik mata.

Nang nilingon ko siya ay seryoso na ang mukha niya.

"Maganda ang mga mata ko?"

Tumango naman ako. Ilang beses ko na 'yan nasabi sakaniya pero parang ngayon niya lang narinig.

"Dory, ikaw ba 'yan?" Tumawa ako saglit at humarap na sa langit. "Short term memory loss," I whispered to myself.



Paano kaya kung may short term memory loss ako? Masaya siguro? Kahit i-judge ako ng mga tao, makakalimutan ko rin kaagad. Kaso, kahit mga importanteng ala-ala makakalimutan ko. I don't want that to happen.

To Meet A Star ✔ (Star Series #1)Where stories live. Discover now