STAR🌟7

2.8K 115 23
                                    



Nakahilig ako sa mga braso ko na nakapatong sa kitchen counter top habang pinapanuod si Seia na nilalaro 'yong bola. Hindi siya malikot at takot din siya sa matataas kaya naman na sa gitna lang siya.


Umupo siya at nagkamot ng leeg bago pinatong ang baba sa dalawang paa niya sa harap, tinititigan na ako ngayon gamit ang maamo niyang mga mata.


Napanguso ako dahil sa ginawa ni Seia. Hindi niya na inalis ang titig niya sa akin. Pets are really like humans sometimes. I feel like she's examining my expression. Trying to unfold things to understand.


Hinatid lang ako ni Sequi dito sa bahay at dumiretso na rin siya kaagad sa bahay nila. We didn't talk the whole drive way home. Hindi ko rin kasi alam kung anong sasabihin ko. I feel like my tongue was cut or I've eaten it.


To see him act like that makes me wonder of so many things. I think there's something going on between the two. Something very intense that can make Sequi act that way.


Alam ko talagang may problema 'yong dalawa na 'yon. Kasi hindi naman gan'on magalit si Sequi. His wrath earlier was so unusual of him.


Hindi ako disappointed sa nakita ko. I was just shocked with his sudden irritation. Basta, it's not so him.


"Naialara, kumain ka na?"

Mabagal akong lumingon sa gilid at nakita si ate Aisha na nakangiti.

Napalunok ako dahil hindi talaga sanay.

"H-hindi pa po," naiilang kong sagot.



Tumango naman siya nang hindi inaalis ang ngiti sa mga labi niya. Naglakad siya papunta sa harap ko. Ang puting lamesa ay pumapagitna saaming dalawa.



"Magluto ba ako?" Tanong niya.

"O-okay lang po?" Mahina ang boses ko.

Maikli naman siyang tumawa, "Oo naman. Ikaw talaga. Ano ba'ng gusto mo?" Saka niya inayos ang buhok niyang naka-bun.

May ilang hibla ang nakatakas sa gilid ng mukha niya.

"Kahit ano naman po,"

Tumango siya. "Sige, magluto na ako,"



She looks very fine. It doesn't suit her being a housemaid. She looks so prim and very educated. At isa pa, their housa is kinda big. 'Yon ay kung bahay nga nila 'yong na sa Biñan. At kung nag b-breed sila ng mga aso at nagbebenta, malaki ang kita r'on.


Naiintriga na naman ako sa buhay ng isang tao. I am not judging her, okay? Curiosity is just filling me up.



"Can I ask po?"

Hindi ko na napigilan ang bunganga ko. What the heck?

She chuckled. "Sure. Halata na kanina mo pa gustong magtanong," aniya habang naghahati ng patatas sa harap ko.

Gan'on ba ako ka transparent?

I think she's going to cook adobo.

"Ano pong course ang natapos niyo?"



I don't know why ended up asking what course she took. Kung nakapagtapos siya, sana ay wala siya rito, hindi ba?


There are more opportunities for those who finished studying than to those who did not because of laziness.



She smiled, "I stopped. Pero ang dating course ko ay veterinary,"

My mouth formed O, "Really? Why did you stopped?!"

To Meet A Star ✔ (Star Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon