STAR🌟20

2.5K 69 15
                                    



"Saan ka ngayon pupunta, Anak?" Nagpunas na si Dad ng bibig at tumayo.



Ngumuso ako at uminom ng tubig. Kakatapos ko lang ulit maligo. Wala na si Mommy at Ate Aisha. Si Daddy naman ay umuwi lang para kumain ng lunch at mag-uwi saakin ng pagkain.



"I'll go out...with a friend po,"

Tumango siya at uminom din ng tubig.

"Not with Sequi?" Tanong niya at agad akong umiling. "I saw him with...a girl earlier. Kasama mo kanina?"

"Hindi. Po."

"Okay! Okay!" Natawa si daddy. "Fix your problem with him, Anak. Before it's too late..."

Hindi na ako sumagot at nagpatuloy na lang kumain.




Nag-uumpisa na namang umalon ang mga kilay ko. Namumuo na naman ang inis sa loob ko. How can I fix a problem when I don't even know what it is and its cause! I'll just make myself stupid.


Umalis na rin si daddy. Bumalik naman ako sa kwarto ko at nahiga, sinandal ang paa ko sa headboard at pumikit.

I let out a big sigh and opened my eyes. The photographic memory of him with Stephanie is starting to play in my mind again. Bakit kasi wala akong magawa ngayon? Bakit kasi hindi ako sumama sa clinic. Wala pa si Seia.

I think I need to rename her now... Hindi ba masyadong immature kung gagawin ko 'yon? Pero aso ko naman, 'di ba?!


I groaned so loud and start rolling on my bed. Iikot sa kanan, babalik sa gitna, iikot sa kaliwa at babalik sa gitna. Inulit ko iyong nang inulit hanggang sa mahilo, nagbabakasakali na masuka ako at maisama ko ang nakita ko kanina.


"Argh, napaka!" Sigaw ko at mabilis na umupo. Ang isang buhok ko ay pumaibabaw sa mukha ko. Hinipan ko ang mga 'yon at kagat ang labing kinuha ang laptop sa ilalim ng side table ko.

Nag-indian sit ako at sumandal sa heaboard ko. Pinalobo ko ang pisngi ko at binuksan na ang laptop at nagtipa kaagad ng gusto kong i-search.


"How... to know... When you're... Jealo—Aish!" Agad kong tinapon ang laptop ko. Mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko nang huminto iyon sa mismong dulo ng kama ko.

Pumikit ako at humiga. May marinig akong nahulog. Ngumiti ako, sinusubukang kalmahin ang sarili pero na-iyak na naman ako. This time, it's not a cry because of pain.

"Nakakastress!" Bumangon na naman ako at nagpunas ng pisngi gamit ang dalawang kamay ko. "Bahala ka na sa buhay mo Avid!"

Tumayo na ako at pumasok sa walk in closet. Umupo ako at sumandal sa sofa ko na may clam na headboard. Biglaan na lang pumasok sa isip ko amg damit ni Stephanie.

Naka tight dress siya noon na pula. Kanina naman... Super short shorts tapos sports bra ata? Bagay na bagay sakaniya lahat ng dinadamit niya. Eh ako? Palagi na ngang ganito ang suot ko, hindi pa rin bagay.


Naiinggit ba ako? Alam kong masama mainggit pero hindi ko talaga mapigilan. Paano naman kasi, okay naman talaga kami noon, matapos lang sumingit sa linya si Stephanie, I was pushed away. Hindi ko alam kung among meron sakaniya. Hindi naman kaya nagsawa na si Sequi sa damit ko?

To Meet A Star ✔ (Star Series #1)Where stories live. Discover now