STAR🌟31

2.5K 82 38
                                    

"Naia? Kakain na,"

"Anak, lumabas ka naman diyan,"

"Sweetie, you can talk to us..."


Hindi ko pinansin ang mga tawag nila saakin. I'm just lying on my bed while staring at my window. Malamig dahil sa aircon. Umuulan pa ngayon at malakas ang hangin sa labas. Nakikita ko ang pagsayaw ng nga dahon. Itinaad ko pa ang comforter na nakabalot saakin at tinignan ang pintuan.

Tanghali na at hindi pa rin pumapasok sila Mommy at Daddy.

Simula noong gabing 'yon, bihir na akong lumalabas ng kwarto ko. I feel so weak and dead. Nanghihinayang ako sa mga pinagsamahan namin. Hindi ko pa rin matanggap na dahil sa... pag-ibig ay masisira ang pinapahalagahan ko.

I've received messages from him and even calls. Walang araw na hindi ako nakakatanggap ng tawag at mensahe. He's also paying me a visit, but I never get out of my room. I don't want to. I miss him, but I don't want to see him. Hindi ko kasi alam kung paano siya pakikitunguhan pagkatapos ng nangyari.

I'm not being selfish. I'm just thinking what's the best for us two. Pero bakit kahit anong piliin ko ngayon, ang ending pa rin ay masisira ang friendship namin. I badly want to save it.


The thought of being together is really exciting, but frightening too. I'm not yet ready for an upgrade. There's just too many consequences and dilemmas. What if our relationship didn't work out? What if things didn't work according to plans and then we lose our friendship? Maybe it’s better not to start anything – just in case.

2PM when I started to fix myself. I haven't eaten anything yet since last night. Hindi naman ako nagugutom. Minsan ay lumalabas ako kapag madaling araw para kumuha ng pagkain. To kill myself isn't my intention and solution for my problems. Ayaw ko lang kumausap ng tao. Pero ngayon ay handa na ako...

I wore my long jacket before heading out of the house. Na-timingan ko na walang tao sa bahay. Gusto ko man sabihin kay Ate ang problema ko, nagdadalawang isip ako dahil baka sabihin niya kila mommy. I don't want things to get awkward between our families. Problema naman namin 'to. There are things that do not need parent's interference.

I booked a cab and I'm on my way to Cariz' café now. She knows something. I did not tell the whole and detailed story. Basta alam niya na... umamin na saakin si Sequi.

There are few people inside. Better. Nang makita niya ako ay agad niya akong niyakap. Naupo kami pagkatapos sa harap ng counter, sa palagi Kong spot.


"First of, saan si Seia?"

Bumuntonghininga ako. Na kay Sequi siya simula ng gabing 'yon. Hindi ko maintindihan kung bakit niya kinuha rito sa bahay.

"Na kay Sequi," mahina ang boses ko.

"Okay ka na ba?"

Tipid akong ngumiti at nagkibitbalikat. Ilang beses ko na tinanong 'yan sa sarili ko. I can't answer.

"Ano bang plano mo? Are you sure you don't want to... you know... put yourselves to another level?"

Umiling ako ng mabagal.

"Ayaw... ko,"

"Bakit?"

To Meet A Star ✔ (Star Series #1)Where stories live. Discover now