STAR🌟23

2.4K 81 26
                                    



Pilit kong winawala sa isipan ko na pupunta rito si Sequi. I'm using Covy's cuteness as a distraction but it's still no use to calm myself. I can't deny to myself that I'm thinking of him too much.


"Kanina pa nag ri-ring 'yang cellphone mo, Naialara," pinasok na ni Cashiel si Seia sa cage nito.

Totoo na kanina pa nag ri-ring ang phone ko sa loob ng bag ko. Ayaw ko lang talagang buksan dahil alam kong si Sequi na 'to.

"Hayaan mo..."

"Kayo... na ba?"

Nanlaki ang mata ko sa tanong niya. Agad ko 'yong inilingan.

"Hindi, a. Kung bestfriend, bestfriend lang,"

He shrugged and leaned on the counter top. Ang mga siko niya ay na sa ibabaw nito. Nakatingin siya saakin.

"I know some people who are bestfriends that ended up together..."

"We don't belong to those people," tipid akong ngumiti.

Sabay kaming napalingon sa bukana ng pinto nang sumigaw ang kaibigan niya na topless na ngayon at basa. May pool party kasi sa likod.

"Birthday boy, ano na? Stuck ka na diyan!" Sigaw niya at may umakbay sakaniyang lalake na basa rin at medyo pula na.

"Kanina mo pa binabantayan 'yang si Ms. Zamora!" Malakas na tumawa iyon.

Nahiya ako bigla kaya agad akong umiwas ng tingin. Nahuli ko pa ang ibang bisita na sumilip sa pintuan.

"Fuck you two. Si Covy binabantayan ko!" Cashiel lift a middle finger.

Si Covy ay naglalaro na ngayon sa cellphone ni Cashiel. Na sa gitna siya ng counter top.

"Bobo, may yaya 'yan! Mga galawan mo kasi Santos!" Sigaw ng may hawak na cup.

Ang gulo ng buhok nilang dalawa. May itsura ang dalawa at halatang mayayaman.

Nang lumingon ako sa pinto ay nakita kong pumasok si Cariz at hawak nito ang phone niya. Binaba niya 'yon. May clue ako kung sino ang naka-usap niya.

"Labas ka na raw," sabi niya saakin at umupo rin sa tabi ko. "Hoy, Jonas, lasing ka na. Iuuwi mo pa nga chicks mo!" Sigaw ni Cariz na medyo lasing na rin.

"Iuuwi pa kita?" Jonas pala ang pangalan ng may hawak na red cup.

"Mukha mo," tumawa si Cariz at nilingon ako. "Ano, tara na? Hatid na kita sa labas?"

"Uuwi na siya?" Biglang tanong ni Cashiel at nag-ingay na naman ang mga kaibigan niya.

"Bakit, ayaw mo ba pauwiin tol?" Tanong ng Jonas.

"In love ka na, tol?"

Natatawamg umiling si Cashiel. Mukhang naiinis na pero natatawa pa rin naman sa mga asar ng tropa. Samantalang hiyang hiya na ako dahil hindi lang naman kami ang tao rito sa loob ng kitchen.

"May sakit pa 'to, pinilit ko lang sumama dahil request ni Covy," aniya at kinuha na ang cage.

Sa totoo lang ay ang bigat na ng talukap ng mga mata ko. Inaantok na ako na dahil sa bigat ng ulo ko. Nauubo na rin ako kanina pa. Hindi lang napapanasin dahil ang lakas ng tugtugan sa labas.

"Bye, Covy!" pinisil ko ng bahagya ang matambok niyang pisngi.

She chuckled and gave me a flying kiss. I gestured I caught it. Mas lalo siyang natawa at naglaro na.

"Tara na, Cashiel!" Tawag ulit ng naunang dumating.

Binuhat ni Cashiel si Covy papunta sa isang magandang babae na nagtitipa sa laptop. Hindi siya nagsalita. Tumango lang ito at nagtipa na ulit.

To Meet A Star ✔ (Star Series #1)Where stories live. Discover now