STAR🌟30

2.8K 86 44
                                    



Tapos na ang pictorial. Meron din kaming pictures ni Sequi at nagtagal talaga saamin dahil ang dami niyang demands. Ginamit din ang cellphone niya sa pagpicture saamin dahil gusto niya na may copy siya kaagad.


Ngayon naman ay lumapit saakin si mommy habang kumakain ako ng cupcake mag-isa. Umuwi na kasi sila Calvin kaya wala akong maka-usap. Everyone is busy. Ako lang talaga ang palaboy laboy rito.



"Sweetie, kuhanin mo nga ang regalo ng Daddy mo sa kotse,"

Hinila ako ni mommy dito sa gilid ng buffet. Bakit naman kaya ako pa ang kukuha? Gabi na at malamig sa labas...

"Mommy, ako talaga?"

Iniisip ko kasi na naka-heels ako. Ayaw ko naman madapa sa daan o kaya sa lobby.

"May importanteng papeles doon, Sweetie,"

Ah, kaya pala. Mahilig kasi si Daddy mag-iwan ng mga importanteng folders at documents sa loob ng kotse niya. Makakalimutin na kasi siya.

"Okay po,"

"Pasama ka kay Sequi, Sweetie, okay?"



Tinanguan ko 'yon at tumalikod na. Dumiretso naman si Mommy kila Ate.


Gusto ko rin sanang magpasama kay Sequi para may gagabay saakin sa paglalakad. Kaso, nang makita siyang nakikipag-usap sa mga lalake kasama ang Daddy niya ay pumunta na lang akong mag-isa.


Malamig nang makalabas na ako. Maraming tao kaya naman hindi ako kinakabahan. Isa pa ay marami namang gwardya rito. Takot na lang nila na dukutin ako.


Alam ko ang parking lot ng hotel kaya hindi na ako nagpatulong sa nag-aalok na staff saakin. At nang mahanap ang kotse ni Daddy ay agad ko 'yong binuksan at kinuha ang box na maliit sa dash board. Kasama kasi ako ni Daddy na pumili nitong regalo niya kay Ate.


Pagsara ko ng pinto ay nagulat ako nang may nakatayo nang babae sa harap ko. She's wearing a gown so I realized she's no harm to me.


Pero kakaiba siya tumingin saakin. Para siyang galit pero walang ibang magawa. I don't even know her.



"Bakit po, Miss?" I asked. Ayaw ko naman na iwan siya. Pakiramdam ko ay may gusto siyang sabihin.

"Are you, Naia?" Malamig ang boses niya.

Nung una ay ayaw kong tumango dahil baka kabilang siya sa sindikato na nagpapanggap lang at may balak na dukutin ako. Pero dahil may nakita akong gwardya na pamilyar saakin ay tumango na ako.

"No wonder why..." I heard him whisper. She looks someone I know. "You're the reason why our family is suffering..."

"Po?" Agad kong tanong dahil hindi siya maintindihan. Baka naman nagkakamali lang siya.

"I understand if you know nothing about your surroundings..." lumapit siya saakin kaya umatras ako ng kaunti. "Si Sequi naman ang gumawa. Ikaw nga lang ang dahilan..."

Hindi ko talaga siya mintindihan. Paanong ako anhg dahilan? At ng ano?

"I'm Isah. Isaac's sister. Sequi destroyed our empire because of you! My dad is in ICU because of a heart attack and it's still because of you..."



Nag sink in saakin ang mga sinassabi niya. Naalala ko ang alitan ng dalawa at ang sinabi saakin ni Sequi nang nahuli kaming dalawa ni Isaac na magkasama.


Hindi ko alam na tototohanin niya nga! He really did destroyed their empire? Pero magkamag-anak sila!

­­

To Meet A Star ✔ (Star Series #1)Where stories live. Discover now