STAR🌟29

2.3K 81 35
                                    

"Handa ka na ba para bukas, Ate?" Tanong ko habang nilalaro ang mga paa ko sa ibabaw ng heaboard.

Okay naman na raw ang lahat kaya wala na kaming ginagawa. Kung may problema man ay maliliit na lang ang mga 'yon. Hindi na kailangan ng tulong namin.

"I don't know. Sa totoo lang ay nabibigla pa ako sa mga kaganapan," natawa siya. "Gusto kong sabihin kila mommy pero nahihiya naman ako. They really look excited,"

Natawa ako sa paraan ng pagsasalita niya. She looks stressed about the rush. Kahit sino naman talaga siguro.

Naka-upo siya sa tabi ko at nilalaro si Seia.

"Party lang naman 'yon. Makiki-interact ka lang..."



I chuckled when I realized something. Dati ay kinakabahan ako sa mga ganito. Ngayon ay hindi na gaano. It feels normal now. Like it's a usual thing. Kaya kahit papaano ay worth pa rin naman ang oplan hanap bituin namin.


I realize things. They made me realize things. Particularly my past dates. I was enlightened so well, the reason why I suddenly turned into this. Hindi na ako gaanong conscious at kahit papaano ay wala na akong pake sa kung anong sasabihin ng mga tao saakin. Kung paano ako manamit at kung ano ano pa.


Just live your life the way you want it to be. Ignore the people's perception because that will always be constant. Walang mangyayari kung palagi mo silang iisipin. You will never be able to lift yourself up if you keep on focusing on the people that surrounds you.



"Madaling sabihin, pero ang hirap gawin,"

Tumugma ang reaksyon ni Ate sa sinabi ko at sa iniisip ko. It's so true!

"Pero kailangang gawin," I chuckled and lift Seia up. "You'll see your daddy again later..."

Nandito siya kanina at nagdala lang ng pagkain at umalis na. Sabi niya gusto niya raw akong makita...

She barked and I considered it as a reaction of excitement. Binaba ko na siya dahil nahihilo ang mga aso kapag tinataas. According to my Mom.

"How are you two?"

"Huh?" I asked.

"Kayo ni Sequi,"

She looked at me with her teasing eyes. I creased my brow and shook my head.

"We're good. Gaya pa rin naman ng dati,"

"Way back your childhood, ganyan pa rin?"

"Hindi... Siguro. Hindi ko na alam, Ate. May mga nagbago rin... naman?"

Hindi ako sigurado sa mga sinasabi ko. Ayaw ko lang sigurong aminin na may nagbago nga...

"Mahirap talaga sumagot kapag nagsisinungaling ano?"

"Anong nagsisinungaling?"

Natawa ako at gano'n din siya. Ang lakas ng tawanan namin sa kwarto ko.

"Bakit ba hindi mo maamin na may nagbago nga? Lahat naman nagbabago, Naia. Na sa sa'yo nga lang kung ayaw mong tanggapin 'yong pagbabago. Talagang i-de-deny mo!"

Sinabi niya 'yon sa mukha ko. Tumigil ako sa pagtawa dahil gusto ko nang iwasan ang topic. Hindi naman sa ayaw kong mag-open sakaniya... Ayaw ko lang talaga 'yong topic.

"You're so easy to read, Naia. Baka nga alam niya na rin, eh,"

Kumunot ang noo ko dahil doon.

"A-anong alam..."

Tumayo siya at sinuot ang furry slippers niya at hinawakan ang magkabilang bewang.

"Na gusto mo siya..."


To Meet A Star ✔ (Star Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon