STAR🌟22

2.3K 70 16
                                    



"Alam mo ba?" nilingon ko si Calvin matapos ang matagal na katahimikan. Malapit ko na nga na maubos ang ice cream ko, e.

"Hmm?" tanong ko at sumubo ng ice cream.

"May third eye ako," bulong niya.

Napalunok ako at kinilabutan. "T-talaga?"

Tumango siya at kumunot ang noo. May tinitignan siya sa gilid ko kaya mas lalo akong natakot. Gusto kong lumingon pero pinapangunahan ako ng takot ko. Kasi mamaya may multo akong makaharap.

"Calvin naman. Ayaw ko ng mga ganitong biro—"

"Sino 'yang katabi mo—"



Malakas ang tili ko habang patalon na pumunta sa likod niya. Nanginginig ang mga kamay ko dahil sa takot. Malapit na kasing dumilim. Wala pa naman gaanong tao sa pinaguupuan namin.


Mahigpit ang hawak ko sa damit niya na siguradong mag-iiwan ng lukot mamaya kapag binitawan ko na. Inaalis niya ang pagkakakagat ng kamay ko sa isa niyang braso. Ayaw kong bumitaw baka tumakbo siya.



"Tanga, joke lang," aniya sa gitna ng malalakas niyang mga tawa.

Matagal bago 'yon nag sink in sa utak ko. Sinabunutan ko siya habang patuloy ang tawa niya. Hindi natitinag kahit nanggigigil na ako.

"Nakakainis ka! Kinabahan ako!"

"Tama na!" tawa pa rin siya ng tawa. "Uwi na tayo. Baka may magalit. May time limit 'to,"



Hindi ko sineryoso ang sinabi niya pero may kung anong pakiramdam na dumadaloy sa loob ng tiyan ko. Nanghina ako kaya nabitawan ko siya ng tuluyan.


Hinatid niya ako sa bahay. Ang ingay namin sa kotse niya kanina. Tawa ako ng tawa dahil sa mga sinasabi niya. Minsan kahit hindi naman talaga nakakatawa ay matatawa pa rin ako. Dalawa kasing klase ng boses ang ginagamit niya. Hindi niya kasi talaga ma-control ang sarili niya.


Masaya siyang kasama kahit mapanakit. Ganito ba talaga kahit ang ibang ka-uri niya? May mga kaklase akong bakla rin noon pero hindi ko pa nasubukang masabunutan, masapok at mahampas. Kakaiba ata talaga si Calvin.



"Ingat!"

I wave my hand. His window was lowered a bit, showing the half of his visage.

Nakita ko ang pag-irap niya.

"Pa-fall!"

Natawa ako.

"Friendly lang!"

He rolled his eyes heavenward and smiled after. It was a genuine smile.

"You're a nice person, Naialara. Thank you I had the chance to give my thoughts a voice. See you?"

Tumango ako, nakangiti. Delight and inexplicable gladness built empire inside me. Nakakataba ng puso marinig 'yon sakaniya.

"And you, too. You're such a nice friend!"

He smiled and showed me his exaggerated dramatic expression. I laughed by that. He's such a good mood shifter.

"Bye,"

I waved one last time before his car made a move forward and left a horn of goodbye.



Hindi ako kaagad umalis sa kinatatayuan. I'm happy but it doesn't feel like I am. Something is missing and I don't want to name it.


Tumingala na lang ako at pinanuod ang kalangitan. I breathe in the the breezy air of the night as I watched the stars twinkle above me.


To Meet A Star ✔ (Star Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon