STAR🌟10

2.5K 90 34
                                    

Nilalaro ko si Seia na naka-upo sa tabing  high stool dito sa harap ng counter. Kakatapos ko kumain ng ice cream.

"Bakit ngayon mo lang sinabi 'yan?"

Nilingon ko si Cariz at medyo nagtatampo ang ekspresyon niya.

"Nahihiya ako. Basta ngayon alam mo na. Ngayon, anong masasabi mo sa kwento ko?"


Humilig na ako sa counter top at hinayaan na muna si Seia na matulog. Naglaro kami kanina sa harap ng bahay. Nagbabakasakali na merong Sequi na dumating pero wala.

Hindi rin siya tumawag saakin. Hindi nag message kahit kung ano ano na ang sinabi ko. I bet he's really pissed off. I'm now out of pitfall that's why I ended up eating here even so I've just eaten breakfast.

Stress eating.


"For me... Sequi is in the right standpoint to act that way. Kung ako rin naman si Sequi— kung gano'n din ang nararamdaman—"

"Anong nararamdaman?"

"I mean, siyempre matagal kayong nagkasama. You also told me it's the first time he didn't sent you home, right? Kahit siya naman ang kasama mong umalis?"

Tumango ako habang nagsusulat siya ng mga cars.

"That's kinda a big attack for him. At isa pa, Naialara, kargo ka niya. If something happened to you, he'll be at fault. Siya ang nagpakilala sayo kay Archo second star whatever,"

Umirap siya at natawa ako sa gitna ng kaseryosohan.

"And the fact that Sequi was the one who fetched you... Sis, he's action isn't shallow. Tama lang talaga,"

Sumandal ako kahit hanggang dulo lang ng ribs ko ang sandalan.

I made sure I gave the most fair story that happened yesterday. And hearing its outcome made me even more guilty and inconsiderate.


"What I'm gonna do, then? As if he's riding my baits. He won't even seen my messages,"

Ngumuso ako at sobrang na-fru-frustrate. I don't know what to do anymore to make it up to him..

"Ano bang nagawa mo na?"

Umayos ako ng upo.

"I send him thousands of messages!"

Tumawa siya, "Buti hindi ka naubusan. Ano ba ang contents?"

"Just random letters. Haksosnskdaks. Puro ganyan. Kung ano mapindot ko," seryosong anas ko.

Mas lalo lang siyang tumawa at rinig buong café. Mga highschool lang naman ang nandito.

"Ewan ko sa'yo, Naialara," hindi pa rin humuhupa ang tawa niya.


Ano naman sana ang nakakatawa roon? Eh ayaw nga mag seen. Edi para mainis at mag hang ang phone niya. Tapos pupuntahan niya ako sa bahay tapos pagsasabihan, and then mag so-sorry ako para magbati na kami.

But as usual, me being unlucky, it didn't work.


"What else?" She chuckled once again.

"Binato ko kaya ang bintana niya. Kaso stoneproof din pala," natawa ako.

"Malamang bulletproof 'yon, Naialara! Ewan ko talaga sa'yo," tawa nang tawa si Cariz.

"Gabi na no'n. Usually ayaw niya akong pinapalabas ng gabi. Hinahatid pa nga ako. Siya nga itong mabilis nagbago,"

May kaunting inis na namuo sa loob ko. I remember him saying 'That fast, Naia? That fast?' Tapos siya itong mala parkour. Wow, that fast? The tables turned. That fast.

To Meet A Star ✔ (Star Series #1)Where stories live. Discover now