STAR 🌟13

2.3K 76 23
                                    



"H-hi?" Bati ko pabalik sa kaharap kong nakasuot ng pansundalo! He held his nape, showing me he is a bit shy.


Hindi ko alam kung siya si Coronel, pero base sa itsura niya mo ay siya nga! Gusto kong sigawan ngayon si Sequi! Aniya'y nag-aral ng business ang pangatlong bituin ko!


Nananadya ata talaga siya!



"Ikaw ba si Coronel?" Tanong ko at naupo. Nandito kasi kami sa isang pizza house.

Pinagtitinginan nga siya dahil naka-uniporme pa talaga! Hindi naman kaya may trabaho pa ito?

"Uhm... yes," sagot nito ay naupo na rin sa harap ko. "You're Naialara?" Natawa siya ng bahagya.

Tumango ako, "Nice to meet you,"

Ngumiti lang siya. "Anong gusto mo? Kumain ka na ba?"

Umiling ako. "Order ka lang. Ako na lang magbayad,"

He laughed a bit again. Dahil sa pagyugyog ng balikat niya ay may nahulog na buhok papunta sa noo niya. Hindi kasi siya naka army cut.

"I have money, miss. Ano ba'ng gusto mo?"

I chuckled awkwardly. "Pizza?"

Natawa siya. Malamang pizza house ito! Ano ba, Naia?!

"Pizza it is," aniya bago nagpaalam at pumunta na sa counter.



Agad kong nilingon si Sequi na patay malisya habang sumusubo ng pizza! Nang mapansin niya akong nakatitig ay umiwas siya ng tingin. I was sending him my extreme death glares!


Kaya naman pala nang nag FaceTime kami kagabi ay wina-wala niya ang topic! Puro siya travel travel! Ang nasabi niya lang ay guwapo at nag-aral din ng business dahil business man ang daddy niya.


Totoo naman na gwapo si Coronel. He's like the young army every girls would love to have. But army is not my exemplary. Never did I fantasized having an army boyfriend. Alam na alam iyon ni Sequi, kaya hindi ko lubos maisip kung bakit kailangan niya akong I set sa isang army?!


Nilingon niya ako ng isang segundo at nag-iwas din ng tingin. Nakatitig ko sakaniya ng masama ay hindi ko namalayan na nandito na pala si Coronel.



"What are you looking at?" He asked and tried looking at Sequi's place.

"Ah, iyong pizza!" Nilakasan ko talaga dahilan para agad siyang tumingin saakin.

Successful naman ang plano ko dahil ngiting ngiti siyang tumingin saakin. Damn, ang gwapo ng ngiti niya.

"Sorry, late ako. May urgent meeting kasi kami kanina," he chuckled and made himself comfortable.

"Okay lang. Hindi naman ako nabored kakahintay,"

Sinong mabobored kung kasama mo si Sequi?

"You sure?"

"Oo naman," tawa ko.

Lumabas iyong awkward at hindi ko alam kung bakit. Basta ang alam ko lang ay hindi ako kasing komportable kumpara sa huli kong date.

"Are you afraid with me? Hindi naman ako mamamaril," natawa siya matapos mag slice ng pizza at nilagay sa plato ko.

"Hindi naman sa gano'n. First time ko lang kasing—"

Biglang mag ring ang cellphone niya.

"Shit, sorry. Sagutin ko lang," aniya at lumabas pa ng pizza house.



To Meet A Star ✔ (Star Series #1)Where stories live. Discover now