STAR🌟24

2.3K 72 18
                                    



We're back to normal! Ganito naman palagi, e. Kung anong nangyari kahapon, kakalimutan bukas. Hindi ko alam kung paano namin ito nagagawa. Siguro nagpapanggap na lang kami na hindi kami apektado sa mga nangyari nakaraan.


Isa sa mga dahilan kung bakit hindi ako nagtitiwala sa mga sinasabi at ginagawa niya. Maybe, fake feelings and confusion just drove him to act that way last night.



"You sure you okay now?"

On the way na kami ngayon sa opisina ni Sequi. Hindi na nga siya umuwi sa bahay nila dahil kanina ko pa kinukulit.

"Yup!"

Naramdaman kong lumingon siya. Naglalaro kasi ako sa phone niya ng slither. Ako nag download kanina.

"Kailan mo gustong ma-meet sixth star mo?"

Na-dead ako dahil doon. Nilingon ko siya at hindi muna nag restart.

"'Wag na kaya natin ituloy?"

Kumunot ang noo niya at parang hindi gusto amg suhestyon ko. Samantalang dati ayaw niya ang plano ko.

"You want to stay in an office now? You suddenly want business?"

Inilingan ko 'yon. How I want to tell him the real reason. Na parang useless lang din naman dahil wala ring nahahanap. Walang nahahanap dahil sinasadya niya.

"Then... why?"

"I don't know... I don't thinks it's still necessary,"

"Bakit?"

"Alam mo, okay naman na. Medyo na overcome ko na iyong fear of crowd ko. Sa katunayan nga ay hindi na ako gaanong nahihiya. Medyo tumaas ang confidence ko dahil sa mga nakilala ko. Siguro iyon lang talaga ang role nila?"

It's a half true statement, though. But it's not the main reason why I quickly wanted a stop.

"So you mean... We'll now stop the oplan hanap butuin and you're going to stick with your dad's plan for you?"

Hindi ako sigurado na 'yon nga ang gusto kong mangyari pero tumango na lang.

"I know you want something, Naia. I know you have your own dream—"

"I don't know!" Dinaan ko 'yon sa tawa at naglaro na ulit.

Ayaw ko munang pag-usapan ang tunngkol sa pangarap at gustong gawin sa buhay. Nakaka-stress. Na-pre-pressure ako. Halos lahat ng nakakasalamuha ko ay may trabaho at pangarap. While me, wala. Tambay lang.

"Can we..." Nilingon ko siya nang hindi niya matuloy. Hayaan na kahit mamatay ang uod ko sa slither. "Can we still finish the oplan?"

Kumunot ang noo ko. Hindi ko alam kung anong dahilan.

"Bakit ba?"

Bakit pa kailangamg tapusin kung hindi rin naman sineseryoso? This oplan is not a game for me.

"Please?"

To Meet A Star ✔ (Star Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon