STAR🌟27

2.4K 87 21
                                    



Naging abala kami sa papers ni Ate at sa darating na welcome party niya na nairuong dahil sa problema sa guardianship. Hindi na nga mapakali sila mommy at daddy dahil sabay sabay na ang mga trabaho nila. Paper works, appointments, papers and lawyers ni Ate Aisha, at mga kailangan sa event. Kahit pala ang passport ni Ate ay inasikaso pa. Wala pala siyang gano’n.


Hindi rin naging madali ang paglipat ng guardianship dahil sa kakapalan ng mukha ng mga nag-alaga kay Ate. They have so many demands. Naiirita nga na marinig ang mga ‘yon. They want a car, house and lot and a ten million cash. Anila ay para raw sa mga nagastos nila kay Ate.


Wow, ni hindi nga nakapagtapos ang kapatid ko. Buti na lang ay nagpa-imbestiga si Daddy. Nalaman nila na malaki ang binayad sakanila ni lola. Twice bigger than their demands. Bakit ang bilis naman na wala ng pera nila? At bakit ang laki? Just for our family’s struggle? That witch.


I can’t understand why does she needs to go that far. Just because she doesn’t want my parents to be together doesn’t mean she already has the rights to do crucial things. It’s just so insane to even involve someone who’s innocent! She’s just really too much. Napaka! She ruined someone’s life.


Hating someone will never make you feel so good. Ruining someone else’s happiness will never make you even successful. Imagine, successful ka sa paninira pero hindi ka pinapasok sa gate ng langit. It’s not worth it! And it will never be. Siguro ay makakaramdam ka ng tuwa sa una, pero believe me, if you still have a good part in your heart, in the end you will feel bad and conscience will attack you until you get insane.


Nagulat ako nang makita si Drake pagbaba ko sa hagdan. Nagtatawanan sila ni Ate nang madatnan ko. Agad kong tinakpan ang mukha ko, nagbabakasakali na hindi niya ako makita. Nahihiya ako! Madalas ko silang makita na magkasama pero hindi pa niya ako nakikita simula noong date namin.



“Oh, Naialara?” narinig kong untag niya. Kahit mag mukha nang tanga ay tumakbo ako papasok sa kitchen. Narinig ko siyang tumawa at hindi ako natutuwa roon.



Umiinom ako ng tubig nang pumasok si Ate Aisha sa bukana ng pinto. Halos madulas ang baso ko sa mga daliri ko. Natapunan pa ako ng tubig sa damit ko.


Nakita ko siyang sumandal sa lamesa habang ako naman ay kunwaring naghahanap ng mga makakain sa ref. Hindi naman ako gutom. Naiilang lang talaga ako.



“So, you know Drake?” Natatawang aniya. Na para bang sinasabi niya na ‘Kay liit talaga ng mundo,’

“Y-yeah. Kaibigan ni Sequi,” kabado kong sabi.

“Really? Pakiramdam ko may iba pang—”

Hilaw akong tumawa. “Wala na, ano. Sige, enjoy kayo diyan. Ba-bye,” saka ako tumakbo papasok sa kicthen.



Kabadong kabado ako kasi hindi pa ako naka-kapag practice ng mga sasabihin ko. She may seem in a good mood but I cannot say if she still will be after hearing my explanation. I dated her love one! Maybe she looks so sunny right now, but a sudden thunder can make her stormy.

To Meet A Star ✔ (Star Series #1)Where stories live. Discover now