STAR🌟26

2.5K 81 7
                                    



"Bukas pupunta tayo sa Laguna. We'll get Nicki's things and try to settle agreements with her former family," Sabi ni dad habang nagmamaneho.

Pupunta kami sa mall ngayon para mamili ng mga gagamitin namin para sa dinner. Nagsend kasi saakin si Sequi na blue ang tuxedo niya.

"Kailan ang party, Dad?" Tanong ko nang maalala ang usapan nila kanina ni mommy.

"Next week na rin. Siguro ay sa linggo?" Sagot niya pero hindi sigurado.



Nagulat ako. Kaya ba ng isang linggo ang preparation? Bakit ang bilis masyado? Mas maganda sana kung mapaghahandaan talaga. Ito ang magiging unang party ng Ate kaya dapat ay bongga!



"Kaya ba, dad?"

"Pwede naman po kahit after na lang malipat ang guardianship-"

"Katulong ko si Tita niyo Quina sa party. We have lots of people and connections. Matatapos iyon kaagad," pagpuputol ni mommy sa suhestyon ni Ate.

"After ma-settle ang guardianship at papers ni Nicki, pupunta tayo ng US para mag travel," nakangiti si Daddy nang sabihin saamin ang plano niya.

I snapped my finger out of excitement. Matagal na rin akong hindi nakakabalik doon. Last years kasi ay sa Europe kami pumunta nila Sequi. Kasama namin ang pamilya niya.

"US?" Hindi makapaniwala si Ate. I'm so excited for her!

"Yup!"

Tinaas baba ko ang kilay ko nang umahon ako para maharap siya. Nandito kasi kami sa backseat.

"Woah," she mouthed with her thin lips tinted with light red lip gloss.



Ang plano ngayon ay mag shopping, mag spa, at kumain kung saan saan. Gusto kasi na iparanas nila mommy kay Ate ang mga hindi niya pa nasubukan na dapat sana ay matagal na niyang na-try.


Una naming ginawa ay naghanap ng damit. Na sa isang boutique kami ng mga cocktail dresses. Namimili kami ng isusuot namin para mamaya.


Lumipat ako sa color blue section. Naghahanap ako ng babagay saakin kahit hindi ako gaanong nag-eenjoy. Nang na sa dulo na ako ay may nakita akong dress na nakalagay sa isang glass box. I walked over there to clearly see its magestic beauty.



"You want that, Sweetie?" Na sa likod ko na pala silang dalawa. "Your Ate chose a black cocktail dress,"

"Ang ganda niyan, Naia. Go na! Kuhanin mo na,"

Binalik ko ang tingin ko roon sa tube na cocktail dress. Gustong gusto ko talaga itong isuot. Hindi lang dahila sa kulay. Pakiramdam ko gaganda ako kapag sinuot ko 'yan. It looks so distinct.

"I want that, mom..."



Ka-color ng sandals ko ang binili namin. It's a three inches strap sandals. Kaya ko naman ilakad 'yon dahil mataas ang balancing skills ko.


Matapos bumili ng mga kailangan namin ay nag-spa kaming buong pamilya. Nagpamasahe muna kaming apat sa isang madilim na kwarto. Matapos ay nagpa-manicure na kami. Siyempre kasama si daddy!



"Grabe, ang mahal dito," bulong ni Ate saakin matapos makita ang menu.

Natawa pero hindi pa rin maalis saakin ang awa. Dapat sana ay sanay na siya.

"Don't worry, si Daddy naman ang magbabayad," tinawanan niya rin ako.

"Are you okay, Aisha?" Tanong ni Mommy na tinanguan niya lang. Sasabihin ko sana ang binulong saakin ni Ate pero kinurot niya ako sa bewang.



To Meet A Star ✔ (Star Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon