STAR🌟36

2.8K 88 26
                                    

"Don't cry hard in front of him, Naia. Mas mahihirapan lang siyang umalis. Mas masakit 'yon para sakaniya,"

"I already did!"

"What I mean is... mamaya. Sa airport,"



Inalala ko ang payo saakin ni Cariz kanina sa phone call. Hindi kasi siya makakasama sa paghatid dahil may inaasikaso raw siyang importante. Pupunta naman daw siya sa US kaya baka kitain niya na lang.


I wonder if I could stop my tears from falling. Kaya ko ba? I'm so doubting. Tears are unpredictable. It constantly appears when we're sad and hurt. Kaya paano ko mapipigilan?


Ngayon na ang alis niya. Mas lalo akong matamlay ngayon dahil kulang na kulang din sa tulog. I slept but only two hours. Nanghinayang pa nga ako sa dalawang oras na 'yon. Dapat ay nilaan ko na lang sa paninitig sakaniya!


Nandito na kami sa airport. Hindi na sumama ang Mommy niya dahil walang kasama si Tito David. Hindi ko nakita kung paano sila nagpaalam sa isa't isa pero alam kong sobra 'yong naging emosyonal.



"Hindi kasi natulog!" Asar niya saakin sa harap ng mga kasama namin. Marami silang sumama sa paghatid.

"Natulog ako," sabi ko at pinaglaruan ang keychain ko sa bag pack niya. He stole it from me when we were twelve.



Naramdaman ko na naman ang titig niya. I felt his hand squeezed mine. Nag-angat ako ng tingin at nagtatanong ang mga mata niya. I think he's asking if I'm fine. Ngumiti lang ako ng tipid.



"Nako, maraming babae roon na magaganda, Naia! Big boobs and butties," rinig ko banda sa mga kaibigan niya.

"Flame," may pagbabanta sa boses ni Sequi. He sounded a little mad.

"Imagine mo Flame pangalan mo tapos taob kay Sequi?"

"Bobo, respeto lang talaga, tol. Alam mo na... marami akong gano'n sa'yo wala,"

"Ang ingay niyong dalawa!" Boses 'yon ni Kuya Qui kaya nilingon ko. Buhat buhat niya si Quiano at naglalaro ng paper plane.

Kanina pa kasi talagang maingay ang dalawang 'yon.



Nararamdaman ko pa rin ang titig saakin ni Sequi kaya nilingon ko ulit. Seryoso ang mga mata niya at tila binabasa ang na sa isip ko. Nag-iwas ako ng tingin at binalik 'yon sa keychain. It's a star with our names on it.


Kita ko sa peripheral vision ko na nagtipa siya sa cellphone niya. Maingay ang lahat dito sa parte namin. Ang dami kasing sumama. Nandito rin si Archo at Asher. Pati si Drake na kasama si Ate.

Ilang minuto pa ay nagkumpulan na sila sa harap namin. Isa isa na silang naglalakad papunta kay Sequi.



"Tol, ingat ka roon! 'Wag mong kalimutang sumulat, a?" Kunwaring naiiyak na si Flame.

Wait, what? Aalis na si Sequi? Nanlaki ang mata ko at bumilis ang tibok ng aking puso.

Nagyakapan sila at nag fist bum pa. What's happening?

"'Wag kang chick boy doon, ah? Bahala ka, maghahanap ng iba si Naia..." Niyakap ni Asher si Sequi at sinuntok pa sa braso.

"Tol, size 10 ako," tawa ni Archo at yumakap din kay Sequi na tumatawa sa mga pamamaalam nila.

Sumunod pa ang ilang kaibigan niya na hindi ko kilala. Tumatawa sila at nagpapaalam. Iyong iba ay umalis na.

"Tol, thank you sa yate. Grabe, next time ulit," halakhak ni Drake at nakipagkamayan sabay yakap at palo sa likod ni Sequi. "Ingat ka roon. Alam ko namang good boy ka, e. No worries for Naia," dagdag niya saka umatras na.

To Meet A Star ✔ (Star Series #1)Where stories live. Discover now