STAR🌟6

2.6K 107 34
                                    



Narinig ko ang tahol ni Seia sa ilalim ng kama ko. Sinilip ko siya habang nakadapa at nakita ko siyang nilalaro 'yong pink na bola galing kay tita Quina. Nang makita niya ako ay tumagilid ang ulo niya, ineeksamina ata ang mukha ko.


Sana naman hindi ka judgmental.


"Seia!" I called her and her tail started to wiggle.

I think she already knows her name. Ilang beses ko kasi siyang tinawag kagabi gamit ang bago niyang pangalan. Creme daw kasi ang pangalan niya noon.


Tumakbo siya palapit sa mukha ko. Natawa ako nang dilaan niya ang pisngi ko. Hinila ko siya bago binuhat papuntang kama ko.


"Dugyot ka naman, Seia," natatawang sabi ko sakaniya bago kami bumaba para mag breakfast.


Iniwan ko na 'yong phone ko. Wala rin naman kaming plano ngayon ni Sequi. Madalas kasi biglaan lang naman ang mga labas namin.

"Good morning, Sweetie!" Bungad saakin ni mom nang nakalahati ko na ang hadgan.


Buhat buhat ko si Seia nang lumapit ako sakaniya. Inaayos niya kasi ang mga magazines sa table dito sa sala.


"Good morning, Seia," hinawakan niya pa ang pisngi neto.


Nilibot ko ang paningin ko. Nang hindi mahanap ang gusto kong makita ay tinanong ko na kay mommy.



"Si ate Aisha po?" Nang lumingon saakin si mom ay may ngiti sa mga labi niya.

"You like her, don't you? Ang bait niya ano?" Kumikislap ang mga mata ni mommy.



Kahit hindi 'yon ang gusto kong malaman, natuwa pa rin ako sa sinabi niya. Yes, I like her. I want her to be my friend. Hindi ko rin alam kung bakit. There's something in her that could tame my heart. It's something... Argh! I can't name it.


Tumango na lang ako at ngumiti. Agad akong napatingin sa bintana nang makita siya sa labas, nagdidilig. Kahit naka-tagilid ay nakikita ko pa rin ang ngiti sa mga labi niya.


Bumuntong hininga ako at hinarap na si mommy.



"Si daddy po?" Tanong ko habang nakatingin kay Seia. She's continuously licking my arm and it tickles me.

"He went out early, sweetie. He's going to meet a new investor from Videz Corporation," mom answered while arranging the flowers inside the crystal vase.



Investor from Videz Corp? It's kinda familiar to my ear. It seems like i've heard about it already. I just don't know where and when.



"Wala po kayong work?"

"Actually, I have!" Tumayo na ng maayos si mommy at hinalikan ako sa pisngi. "I'll now take a bath, sweetie," aniya at umalis na sa harap ko.


To Meet A Star ✔ (Star Series #1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang