STAR🌟11

2.5K 94 25
                                    



Bumaba siya sa Rezvani kahit malakas ang ulan! Hindi na kasi siya tumawag ng kasambahay nila para magdala ng payong para saamin. Pinanuod ko siyang nakakunot ang noo habang naglalakad sa harap.


Bumaba na rin agad ako nang pagbuksan niya ako ng pinto. Nakapataong saakin ang coat niya habang mabilis ang lakad ko papasok. Dala dala niya si Seia at ang bag ko.



"Nako, Sequi! Bakit hindi mo naman sinabi saakin na uuwi na kayo?!" Sigaw ni nanay Ria. Ang mayordoma ng mansion nila.



Pumasok na kami sa bahay nila at inabutan nila si Sequi ng towel. Agad naman siyang humarap saakin at pinunasan ang ulo ko. I was pouting the whole time he's brushing the towel all over my face. Seryoso lang ang muka niya sa ilalim ng basang basa niyang buhok.



"Okay lang po kami," malamig na aniya at pinatong ang towel sa balikat ko. Iniwan ko na kasi sa labas ang coat niya.

Hinila na ako ni Sequi pataas sa kwarto niya kasama si Seia.

"Sabihan mo ako kung may kailangan kayo!" Sigaw pa ni nanay Ria bago kami makataas papunta sa kwarto.



Nang makapasok ay agad kong naramdaman ang lamig. Hindi niya kasi pinapatay ang aircon ng kwarto niya kahit umalis siya ng bahay.


He doesn't know how to conserve electricity.


Pinanuod ko lang siya habang may kung anong pinipindot sa remote. At nang maramdaman na umiinit ang silid ay doon ko nalaman na in-on niya ang heater.



"Magpalit ka na, Naia,"

I bit my lip. "Wala akong damit," sabi ko at nilabas si Seia sa kulungan niya.

Agad siyang tumakbo at pumunta sa ilalim ng kama.

Nakita kong pumasok si Sequi sa walk in closet niya at lumabas nang may hawak na light blue na damit.

I think it's a pair of pajama.

"Here. Dalian mo na,"

Kinuha ko 'yon at pumasok na sa cr. Pero bago ko pa masara ay sumilip ako sakaniya. Naka tingin pa rin naman saakin.

"Thank you!" I smiled. "Palit ka na rin. Mamaya magkasakit ka," at sinara ko na ang pinto.


Tama nga ang hula ko. Light blue na pajama ang suot ko ngayon. Maganda naman siya sa katawan kaso hindi ako sanay. Pakiramdam ko rin ay wala akong damit dahil ang luwang. Sumasayad pa ang dulo ng pajama sa sahig.


Nag blow dry na rin ako ng buhok bago lumabas. Nakita ko kaagad ang blue rin na furry slipper. Nang sinuot ko ay saktong sakto sa paa ko. May tsinelas pala ako rito?


Umupo ako sa kama niya dahil wala pa siya. I bent down to see Seia but she wasn't there. My heart started to beat fast. Hindi naman nakabukas ang pinto.

To Meet A Star ✔ (Star Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora