STAR🌟18

2.2K 72 28
                                    



Pinapanuod ko si Ate Aisha habang kumakain. Nakangiti ako dahil hindi ko mapigilan. Mukha kasi siyang masaya.


Ang maganda pa ay dito raw muna siya titira. Pumayag na si mommy at daddy. Pero hiningi muna nila ang opinyon ko. Sino naman ako pero hindi pumayaga? Siyempre gustong gusto ko. Lalo na't alam kong may tsansa na pwede ko siyang maging kapatid.


Matapos kumain at magkwentuhan saglit ay sinamahan ko si Ate Aisha na maghugas ng plato. Gusto ko sanang tumulong kaso hindi na siya pumayag. Ayaw ko naman mamilit kaya naupo na lang ako sa high stool habang pinapanuod siya.


Hinahaplos ko si Seia habang tulog sa ibabaw ng couter top. Na-miss ko siya ng sobra. Ngayon lang kasi kami ulit nagkasama.



"Gusto mo bang sumama bukas, Naia?"

Napa-angat ako ng tingin. Nakatalikod pa rin si Ate Aisha at naghuhugas. Ang brown niyang buhok nakatali.

"Saan po?"

I have no things to do tomorrow. For sure my one week life is going to be boring.

"Sa clinic lang ng mommy mo," natawa siya. "I think Seia needs to be groomed. What do you think?"

Hinaplos ko ang buhok niya. Napansin kong mahaba na nga at natatabunan na ang mata niya.

"Pero pwede bang hindi gaano? Uhm..."

"Like a semi groom?" She chuckled.

Tumango ako. Pero naalala ko na nakatalikod nga pala siya. 

"Y-yes," sagot ko at lumingon sakaniya.



I think she's now done. Gusto ko sanang magtanong tanong pero kinakabahan ako. Ayaw ko rin munang sabihin. Ayaw ko lang gulatin siya. Baka hindi rin siya komportable.


Nang matapos na siya ay binuhat ko na si Seia. Na sa kwarto na si mommy at daddy. O kaya naman baka na sa study room.


Bumigat ang hininga ko nang iikot niya ang kamay niya sa braso ko. Ngumiti siya saakin at sabay kaming naglakad pataas. Na sa katabing kwarto ko lang kasi siya.



"Thank you ulit, Naialara,"

I bit my and smiled. "You deserve it,"

Kung siya nga ang nawawala kong kapatid, deserve niya ito lahat. Actually, this is not enough. She shouldn't be acting like a housemaid, serving us like we're her royalties.

She smiled full of excitement. "So sweet naman,"

Natawa ako dahil doon at huminto na sa tapat ng pinto ko.

"Goodnight, Ata Aisha. Sleep well," ngiti ko at binuksan na ang pintuan ng kwarto ko. Pinakawalan ko na si Seia at humarap sakaniya.

She looks flattered and overwhelmed. Hindi ko alam kung bakit. But one thing is for sure I know... We're both happy. Everybody is happy.

"You, too,"



That night, Sequi didn't call me. Hindi ko alam kung bakit wala man lang siyang messages. I want to do the first move but something is stopping me. It's not so me... Hindi ko ugali ang mga first move. Nasanay kasi ako na palaging siya ang nauuna. Nahihiya rin ako baka busy siya.


Akala ko may good morning message na ako. I was a bit curious and shocked when I received nothing but a spam. Nanalo raw ako ng five hundred thousand load galing kay
kuya Will. Dinelete ko kaagad 'yon.


Natapos na akong maligo at magbihis ay wala pa rin. Akala ko late lang siyang nagising pero tanghali na wala pa rin. Kaya pinatay ko na lang ang cellphone ko dahil sa inis.


To Meet A Star ✔ (Star Series #1)Where stories live. Discover now